Chapter Ten

120 19 1
                                    

Chapter Ten

Rehan's P.O.V.

"HINDI pa rin ako makapaniwala na nakita na ulit kita, Paige," wika ko rito. "Bakit naman?" tanong niya sabay baba ng kaniyang iniinom na tubig. "Hindi ka ba na tutuwa na nagkita ulit tayo?" dagdag pa niya. "Of course, masaya ako," sagot ko naman. "Masayang-masaya," dagdag ko pa.

"Last week, pumunta ako ng Davao nagbabasakaling makita kita roon, pero sabi ng Tita mo nandito ka na daw sa Maynila, kaya ang ginawa ko hiningi ko ang address mo sa kaniya, mabuti nalang at binigay niya." Pagkwento ni Paige. "Ngayon na magkasama na ulit tayo, hinding-hindi na kita iiwan." Kaagad niya akong tinignan dahilan para mamula ako.

Napatingin din ako sa kaniya at kita ko talaga ang pag babago sa physical niyang anyo. Well built na ang muscle ni Paige, saka, mas gumwapo rin siya.

"Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ni Paige sa'kin. Kaagad naman akong umiling-iling. "Hindi naman siguro masama na mag absent kahit isang araw lang, para makasama kita," pagsagot ko.

"Saan ka ba nag-aaral ngayon?" tanong ni Paige sa'kin. "Sa Elk Valley Institute, bakit?" tanong ko rin naman.

"Doon nalang din ako lilipat para palagi kitang makikita, alam mo namang miss na miss na kita, Rehan."

Gaya ng dati, napaka-sweet pa rin ni Paige, parang 'yan lang ata ang trait na hindi nag-iba sa kaniya. Parang si Paige ang kasalungat ni Treyton, kung si Paige ay napaka-sweet, si Treyton naman parang hoodlum, kulang nalang makipag basagan ng ulo araw-araw.

"Kamusta ka na pala?" tanong niya sa'kin. "May boyfriend ka na ba?" Kaagad niya akong nginisihan. Alam naman kasi ni Paige na bakla ako. Actually, siya ang unang taong sinabihan ko kung ano ba talaga ang kasarian ko. And gladly, hindi gaya ni Treyton, si Paige ay tinanggap ako ng boung-bou, mas tumibay pa tuloy ang pagkakaibigan namin no'ng malaman niyang Gay ako.

"Wala," pagtawa kong sagot. "Sino ba naman ang magkakagusto sa'kin?" pagtanong ko sa kaniya.

Maa lumawak ang ngiti ni Paige. "Ako."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya mas tumibok tuloy ng mabilis ang puso ko.

"Paige naman, ano ba 'yang pinagsasabi mo?"

"Wala, sige ganito nalang. Dahil nag absent ka naman, what if lumabas nalang tayo? Libre ko."

Mabilis akong napatayo sa kinaupuan ko. "Talaga?" pagtanong ko. Baka kasi joke niya lang.

"Oo naman, ano. Tara?" Ngumiti ako saka tumango. "Sige!"

Treyton's P.O.V.

MATAPOS kong samahan si Rehan doon sa boarding house niya ay nagmaneho na ako pauwi.

Sa pag dating ko roon sa bahay ay mabilis kong tinungo ang kwarto ko. Dali-dali kong binuksan ang desktop para tignan 'yung video.

Hindi ko alam pero parang gusto ko nang tapusin 'yung kung anong merong kasunduan kami ni Rehan. Naawa ako sa kaniya.

Bumuntong hininga ako. Matapos ma copy ang video doon sa USB ay binura ko na 'yon sa computer ko. Ibibigay ko 'to kay Rehan bukas, para siya na ang mag bura.

Sa mga nangyari kanina, habang kasama ko siya ay parang nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa kaniya dati. Napaka-gago ko, bakit ko nga ba nagawa 'yon? Tangina naman.

~

"BAKIT ba maaga tayo ngayon?" tanong ni Carl sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng school. Kaonti palang ang mga estudyante lalo na't napaka-aga pa.

"May gusto akong kausapin," sagot ko sa kaniya. "Sino naman?" tanong pa ni Carl. "Aish, para ka namang interviewer, ang dami mong tanong!" pag-asik ko.

Ilang minuto ang lumipas ay dumarami na ang mga estudyante. Naka-upo na ako sa upuan ko, palagi akong napasulyap doon sa pintuan, nagbabasakaling si Rehan ang papasok pero wala pa rin siya.

Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang first subject pero wala pa rin siya. Siguro napuyat siya dahil sa matagal siyang naka-tulog kagabi.

Napatingin naman ako doon kay Ava na naka-upo sa kaniyang upuan. Gaya ko parang hinihintay niya lang din si Rehan.

At dahil hindi ako nakapag-pigil ay tumayo ako saka lumapit sa kaniya. "Nasaan si Rehan?" kaagad kong tanong rito. Kita ko ang pagka-gulat sa mukha ni Ava nang makita niya akong naka-tayo sa tapat niya.

"H-ha? Bakit mo siya h-hinahanap?" tanong nito. "Wala ka na ro'n, nasaan ba siya? Ba't ang tagal niya?" tuloy-tuloy kong tanong.

"Hindi ko rin alam, siguro hindi 'yon papasok ngayon. Bakit ba?"

"Wala."

Muli akong tumalikod saka naglakad ako pabalik sa upuan ko.

~

HINDI pumasok si Rehan. At dahil sa napagod ako kakahintay niyaya ko nalang si Carl na pumunta doon sa lugar kung saan kami tumatambay. Pero habang nagmamaneho ay napadaan kami doon sa may mall.

"Di'ba si Rehan 'yan?" tanong sa'kin ni Carl dahilan para mapasilip ako sa bintana ng kotse at doon ko nakita si Rehan sa may Parking Lot, may kasama siyang lalaki.

"Sino 'yang kasama ni Rehan? Boyfriend niya?" usisa ni Carl. Hindi ako sumagot, nakatitig lamang ako sa dalawa. Kita ko sa mukha ni Rehan na masayang-masaya siya.

"Bilisan mo ang pag mamaneho," inis kong pag-utos kay Carl.

"Ito na."

Mabilis akong napa-kuyom ng palad dahil doon. Kaya pala 'di pumasok sa klase dahil nasa mall kasama ang isang lalaki.

Humanda ka sa'kin. Ginagalit mo talaga ako, Rehan.

HEARTLESS (BL) [complete]Where stories live. Discover now