Chapter Fourteen

114 20 0
                                    

Chapter Fourteen

Rehan's P.O.V.

MATAPOS kong maisara ang locker ko ay kaagad akong napabuntong hininga. 'Yung ngiti niya kanina, anong klase 'yon? I mean, bakit niya ako nginitian ng gano'n?

"Okay, so after ng klase natin sa Philosophy kailangan nating gawin 'to?" tanong ni Ava sa'kin habang naka-upo kami ngayon sa students lobby ng building.

Tumango-tango ako. "Oo, kailangan nating gawin 'yan sa portfolio," pagpaliwanag ko naman. "Aish, ano ba 'yang si Sir, puro ka ek-ekan," pagreklamo niya. "Hindi naman, masaya kaya 'yan," pagsagot ko.

"Para sa'yo, 'oo' pero sa'kin? Sakit lang 'yan sa ulo," pagsagot ni Ava. "Peram nga ng Notes," sabi ko na kaagad niya namang inabot 'yung notes niya.

"Parang busy kayong dalawa, ah?"

Napasulyap ako sa harapan at nakita ko si Paige. "Ah, oo. Actually, nag study nga kami ni Rehan, gusto mo sumama?" aya ni Ava na sa malandinh tono ng boses.

Kaagad ko siyang pinalo nung notes na hawak-hawak ko para sawayin. "Parang kanina lang inis na inis ka sa Practical Research, ah?" wika ko rito.

Mabilis niya naman akong siniko. "'Wag ka nang umangal, Rehan. Minsan lang ako nag gaganito," bulong niya.

Kaagad namang umupo sa tabi ko si Paige kaya mabilis akong napaayos ng pag-upo. "Ano ba ang gagawin diyan? Sorry, 'di ako nakikinig kanina," sabi niya.

"Ah, gagawa na kasi tayo ng research title, di'ba kasamahan ka nina Carl?" tanong ko rito.

Tumango naman si Paige saka ngumiti.

"Naku, babe, este, Paige. Mag-ingat ka kasi kasama mo si Treyton." Tumawa naman ito. "Alam mo naman ang ugali nun," dagdag pa ni Ava. "Ayos lang, kaya ko naman makisabay kina Trey," pagsagot ni Paige.

"Trey? Tinawag mo siya sa nickname niya?"

"Bakit, bawal? Narinig ko lang kasi na 'yon ang tawag nina Stewart at Carl sa kaniya," pagpapaliwanag naman ni Paige. "Hindi, ayaw niya kasi na tinatawag siya sa nickname niya kung hindi niya ka-close o kaibigan," pagsagot naman ni Ava.

Tumaas naman ang kilay ko roon. Kahit ako, hindi ko pa siya natatawag sa gano'ng pangalan. Treyton lang ang tawag ko sa kaniya.

"Ikaw, Rehan. Trey rin ba ang tawag mo?" Hinarap ako ni Ava na ikina-hinto ko naman.

Kaagad na kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit mo natanong?"

"Kasi, napapansin kong parang close na kayong dalawa. Magkaibigan na ba kayo?"

Mabilis akong ngumiwi. "Ewan," maikli kong sagot rito.

Magkaibigan nga ba kami ni Treyton or naging close lang kami dahil sa kung anong meron kaming kasunduan?

~

MATAPOS makapag-bihis ay kaagad akong sumilip sa labas ng bintana at kita ko roon ang napaka-itim na ulap. Uulan ata, pero kailangan ko pa ring pumunta doon sa tagpuan na ti-next ni Treyton sa'kin kanina.

Ano ba ang meron? Mag se-sex ba ulit kami? Kasi kung tutuusin, ilang araw na ring simula no'ng nangyari ang huling sex namin ni Treyton.

Lalabas na sana ako ng bahay nang bigla nalang bumuhos ang napaka-lakas na ulan.

Muli akong pumasok roon sa loob saka ako napabuntong hininga.

Hindi ata ako makakapunta, mahirap maka hanap ng masasakyan ngayon lalo na't ang lakas ng ulan.

Kaagad akong nagbihis ng pambahay na damit at kinuha ko 'yung phone ko para I text siya.

Message: Hindi ako maka-alis, malakas ang ulan. Wala akong masasakyan, puwede bang bukas nalang?

HEARTLESS (BL) [complete]Onde histórias criam vida. Descubra agora