Kabanata 7

845 23 0
                                    

Ivy Channel

Buong gabi ko naalala ang mga mukha ni Nick na galit na galit habang nakikipag usap sa akin kahapon kaya dahil sa excitement na naramdaman ko tinawagan ko si Kuya para gawain ang plano na mas ikababaliw ni Nick sa galit. Kaya kinabukasan maaga akong nagising para makita agad si Nick.

"What the hell?! Anong nangyayari?"Tanong agad ni Candy sa akin pagdating namin sa room.

Nagsisigawan at nagkakagulo ang mga demonyo pagdating na pagdating namin, na siyang pinagtaka ni Candy habang ako nakangiting nakantingin sa mga demonyong may takot na takot na mukha tss. Kala ko ba matapang?

"Anong meron?"tanong ni Candy sa kakalabas lang na babae.

"Si Amy patay na."saad niya na parang natatakot.

"What?!"

Dahil sa sinabi ng classmate namin agad agad pumasok si Candy sa loob kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya, at pagpasok na pagpasok pa lang namin bali baling katawan ni Amy ang sumalubong samin.

"Babae? Ano 'to? Sinong demonyo gumawa nito?"tanong ni Candy sa akin habang kinakabahan ang boses.

"Tss, kunwari walang alam, feeling innocent."rinig namin na bulong ng isang bruha sa likod namin na ikinatingin namin sa kanya.

"What do you mean?"takang tanong ni Candy sa kanya.

"Dapat kayo ang tanungin namin niyan, anong ginawa niyo? ikaw Ivy alam naming lahat dito na ikaw lang naka away niya kahapon kaya sabihin mo ikaw ba ang gumawa nito?!" Isa pa simula ng dumating kayong dalawa sa classroom namin nagka letse letse na kami!" galit na saad ng bruha sa akin with matching hawak pa sa kamay ko ng mahigpit.

"Teka, bakit siya sinisi niyo singit ni Candy, kabago bago pa namin dito tapos siya sisihin niyo ha. Malay niyo may galit diyan sa demonyong babae na yan at hindi si Ivy yon."tanggol ni Candy sakin.

"Tss, talagang pinagtatanggol mo siya and what you expect? na maniwala kami sa inyo na walang kasalanan ang kaibigan mo? pathetic hindi ako tanga hindi kami tanga."singit naman ni Jake. Sasagot pa sana si Candy sa kanya ng pigilan ko siya.

"Let me handle this Can."walang emosyong saad ko sa kanya sabay harap ko kay Jake ng seryoso.

"Bakit Jake? takot kayo? Nakakatawa naman pala kung ganoon. Akala ko ba section D ito? At sa pagkakaalam ko ito ang pinaka delikadong sekyson right? at wala pang namamatay dito sa inyo pero mukhang mali ata ang nakalap ko kasi sa nakikita ko ngayon pinaka mahinang sekyson ito alam mo bakit?tanong ko sa kanya ng hindi siya sumagot ay ngumisi ako at nagsalita ulit.

"Sinisisi niyo ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa, sinisi niyo ako na kabago bago ko dito, pero sige sabihin na natin na nakalaban ko yang babae na yan kahapon pero hindi ibig sabihin no'n na ako na ang pumatay sa kanya, na ako ang gumawa niyan, kasi kung ako gagawa niyan? Hindi lang yan ang mangyayari sa kanya, dahil kung ako mag dedesisyon, sobra pa sa bali baling katawan ang ipaparanas ko sa kanya."naka ngisi kong sagot ko sa kanya.

"Nagpapatawa ka ata, kaya mo ba yon ha Nerd?"singit ng hari nila na kakarating lang.

"What do you think? Kaya ko ba o hindi?"seryoso kong tanong sa kanya pabalik.

"You cannot do that."seryoso niyang sagot.

"Talaga? Tss! How sure of you ha? Nick? Kilala mo ba ako? You don't know the real me Mr. oo you know my name, but not the whole me, gusto mo patunayan ko?"

"Patawarin!"sagot niya na ikinangisi ko.

"Kung gusto mo, pwede naman, just call my name dahil pangako hinding hindi kita aatrasan at sinusumpa ko sayo, wala pang isang oras nasa harap muna ako dala-dala ang biktima ko, na papatayin ko mismo sa harap ng walang kwentang hari na ka tulad mo, at doon mo sabihin sa akin na ako ang gumawa sa clown na yan ng ganyan."naka ngisi kong sabi sa kanya.

"Talagang sinsubukan mo ako? Baka hindi na kita matansya, humanda ka!galit na sagot niya sabay suntok sana sakin ng biglang....."

"Kung gusto niyo mag patayan lumabas kayo, wag kayo dito sa room mga demonyo! Jake go, iligpit niyo na ang bangkay na yan at umupo na kayo sa mga upuan niyo, makinig sakin."singit ni Prof samin kaya umupo na kami.

"Hinamon mo talaga si Nick."bulong ni Candy ng naka upo na kami.

"Nag pa hamon siya e."walang emosyong sagot ko sa kanya sabay tuloy sa pakikinig sa prof na ito na istorbo.

"Okay as you all know October is the month that our school was build by the Chai family at tulad ng nakasanayan magkakaroon tayo ng labanan kung saan walang exempted lahat lalaban, hanggang kamatayan at higit sa lahat ang pinaka hihintay natin lahat na, "Bloody war" ang laban na walang sinasanto, ang Gera na siyang magsasabi at maglalagay sa inyo sa top student ng school na siyang titingalain ng mga students sa D University kaya tulad ng nakasanayan, just go to the dean office kung gusto niyo sumali and Write your name with your bloody signature."seryosong tugon niya samin sabay ngiti agad naman tumango ang mga kaklase namin agad naman siyang tumingin sa akin.

"So Mr. Smith and Ms. Smith kung gusto niyo mag patayan doon niyo gawain sumali kayo at mag hintay wag dito sa oras ng pagtuturo ko."Aniya.

"Tss." sagot ko na lang."

"Babae talagang sasali ka?"bulong ulit ni Candy.

"Kailangan."sagot ko sa kanya sabay tingin ulit sa harap kung saan nagsisimula ng magturo si Prof."

Hart Moon




The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon