Kabanata 15

846 29 2
                                    


Ivy Channel

"Babae, this is it! ano sure ka na ba? Sigurado ka na ba?"tanong ni Candy sa akin habang  papunta  kami nga sa gym kung saan gaganapin ang laban namin dalawa ni Nick.

"Wala ng atrasan 'to Candy, sobrang tagal kong pinaghandaan ito"sagot ko sa kanya sabay pasok sa gym at sakto dahil nandito na silang lahat pati na rin ang demonyong hari na kilala nilang lahat, at tulad ng inaasahan angg dami niyang supporters.

"Tss, bitch tingnan na lang natin sino uuwi ng bangkay na."biglang sabi ng isang clown sa akin pagpasok na pagpasok ko sa loob.

Let see, tingnan natin kung sinong uuwing luhaan pagkatapos ng laban namin ng hari niyo.

"I really hate her, that nerd! sana patayin na siya ni King!"saad rin ng isa.

"Yeah."sagot rin ng isang bruha.

Pero imbis pansinin ko ang sinabi nila tungkol sa akin hinayaan ko lang sila sa mga gusto pang sabihin tutal sila naman ang mapapahiya mamaya.

Nick Zennon

"Bro, yan ba ang inaasahan mong makaka laban mo?"tanong ni Jake na ngayon nasa tabi ko pinagmamasdan ang babaeng ngayon ay kararating lang.

Pero imbis sagutin ko ang tanong niya ay tiningnan ko na lang ang babae na ngayon ay paakyat na dito sa ring.

"I see, kahit hindi ka mag salita alam ko na ang sagot sa tingin mo pa lang sa kanya ngayon, kaya goodluck na lang nasa likod mo lang kami."mapang asar na saad niya.

"Tss."sagot ko na lang sabay akyat sa ring.

"Now this is our final round at dito malalaman kung sino ulit ang demonyo ang mamuno sa mga demonyo ng ating paaralan. At ang mag lalaban ngayon ay walang iba kundi si Ms. Smith at Mr. Smith ang dalawang taong naiwan na nakatayo, ang dalawang tao na itinadhanang magharap ngayon at hindi na natin tatanungin kung handa na sila dahil mata pa lang nila kitang kita na handa na."announce ni Iron na naging dahilan ng sigawan ng mga tao dito sa loob.

"I expect na alam niyo na ang patakaran dito dahil kayong dalawa ang matitibay na nakapasok dito sa final round, pero uulitin ko pa rin kung  sinong unang dugo ang dumaloy dito sa stage ang panalo okay?"tanong niya sabay tango namin ni Ivy sa kanya.

"Okay, in 1. 2 . 3  the war is now officially start."dagdag niya pa sabay baba sa Ring at ngayon kami na lang dalawa ni Ivy ang nandito, kitang kita ko sa mga mata niya na hindi siya natatakot na hindi siya nakaramdam ng takot, Ibang iba na nga siya sa Ivy na kilala ko noon, Ibang iba na nga siya.

Pagbaba na pagbaba ni Iron ay agad akong lumapit kay Ivy na ngayon ay seryosong seryoso.

"I told you sana ng una umalis ka na lang." Ani ko sa kanya pero imbis matakot ay ngumisi lang siya.

Hindi na siya si Channel, hindi na siya ang asawa ko, hindi na.

Ivy Channel

"I told you sana ng una umalis ka na lang."saad ni Nick sakin sa harap ko.

"Pero imbis na sumagot ako sa sinabi niya ngumisi na lang ako sa harap niya na mukhang ikinainis niya.

"Kung umalis ako, edi sana hindi na mangyayari 'to? eto pa naman ang pinaka hihintay ko, I mean isa sa pinaka hihintay ko, kaya ang pangit naman kung aalis na ako ng hindi tayo maghaharap.." Naka ngisi kong sagot sa kanya.

"What ever bitch, pero sisiguraduhin ko dito sa harap nila mawawala kana."Aniya na ikinangisi ko.

Talaga lang ha? Let's see hubby, let's see.

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon