Chapter 1:First day of school

9 1 19
                                    

Katherine's POV:

Hii! I'm Maria Katherine T. Mira simpleng babae lamang ako maraming pangarap sa buhay, masayahin, mabait, masunurin at higit sa lahat maganda singkit ang aking mata, matangos ang aking ilong,pink ang aking labi at maputi ang aking balat

Lima kaming magkakapatid,apat na lalaki at ako ang bunso ako ang pinaka ini-ingatan nilang lahat tinuturing nila akong isang munting prinsesa charrr Sanaol princess haha,sila ang mga prince charming ko,napaka strikto rin nila pagdating sa pananamit ko ayaw daw nila akong mabastos at ayaw rin nila akong magka boyfriend pag di pa ako 18 y/o,pero ok lang naman dahil di pa ako ready jan and beside study first muna

Si Kuya Roy T. Mira pala ang panganay namin, Si Kuya Deb T. Mira naman ang pangalawa, Si Kuya Dexter T. Mira naman ang pangatlo at si Kuya Rex T. Mira naman ang pang-apat,Si Cassandra T. Mira naman ang mommy ko at si David naman ang daddy ko,meron kaming negosyo na pinamahalaan ni papa at mama ngayon

Bukas na ang first day of class namin kaya excited na ako at the same time kinakabahan, Sa High Top School (HTS) pala ako nag aaral diba ang ganda ng name high top hahaha

Maaga akong natulog para maaga rin akong magigising bukas

****

5:30 am ako nagising grabe naman ang aga masyado

Di naman halata na excited ka girl no?

Ginawa ko na ang morning routine ko sa banyo naghilamos, naligo, nagtoothbrush, at syempre ang mag bihis duhh

Bumaba na ako ng hagdan at syempre wala payung mga kuya ko, si mama lang ang nadatnan ko sa kusina nag hahanda ng pagkain namin

"Hii ma goodmorning"

"goodmorning rin anak bat ang aga yata natin ngayon? Di naman halata na excited ka no?"

Si mama ang naging bestfriend ko di naman kasi ako lumalabas ng bahay pag walang pasok

"ma samahan moko maghanap ng room ko plsss?"sabay pa cute payan para payagan niya lang

"hay nakong bata ka ang tanda mo na kaya mo yan at tsaka di kaba nahihiya na may kasama kang mama sa school para lang maghanap ng room mo?" saad nito kaya nalungkot tuloy ako ng 1/4

"mama wala kasi akong kasama sa paghahanap ng section ko,wala kasi akong kaibigan dun sa school"

"Edi magpasama ka sa mga kuya mo"

"ayaw ko nga"

"busy ako ma"

"sasamahan ko girlfriend ko mamaya di ako free"

"ako rin di ako free"

Sunod sunod na sagot nila,di man lang namin namalayan na naka-baba napala sila ng hagdan
Inirapan ko nalang silang apat

Umupo na kami at handa ng kumain dumating narin si papa na ready to work na,nagdasal saglit si mama kaya tumahik muna kami

"amen"sabay sabay na sabi namin

"todo nato!"pang gagaya ko sa boses ni rufa mae kaya natawa sila

"takaw mo talaga kath"saad ni kuya deb

"wow hiyang-hiya ako sa burger mo kagabi ah"andami kasi nyang dalang burger ka gabi di man lang namigay ang damot

"di sakin yun oi"

"eh kanino sa girlfriend mo eh wala kanamang jowa"

"abay sumosobra natong bata tong ah!"

The Bad Boy Fall In Love With MeWhere stories live. Discover now