Pangalawa

17 6 0
                                    

Natapos ang tatlong araw na fieldtrip. Balik iskwela tayo. Pero sa totoo lang, hanggang ngayon hindi maalis ang inggit sa sistema ko.

Paano? naiinggit ako kay Meanne sa oras at mamahaling regalo na ginugol ni Derek sa kanya. Ganoon pala magmahal ang isang Derek. Bigla kong natanong, kailan kaya ako makakaranas ng ganoon. 'Yung gawin ding special. Tila ba bigla ay gusto kong lumabas sa pinagtataguan kong shell, gusto ko na ring umibig at ang ibigin.

Gaya nga ng sabi ni Roanne, parang extended barkada namin kayo. Kasama lagi sila sa bawat lakad. Minsan nga nasasama na ako sa inuman session ninyo,lalo na kapag walang titser o malaki ang oras na gap ng bawat subject. B.I kaya kayo sa akin. Pero siyempre hindi ako nagpapaepekto.

Nag-iinuman kayo samantalang ako eto at nagsusunog ng kilay para sa test mamaya. Parang ang unfair kasi nag-eenjoy lang kayo diyan tapos ako pa ang magpapakopya mamaya, maghihirap na sagutan ang mga tanong tanong easy lang kayo. Pero masaya naman, ang dami 'nyo kaisng pa-thank you eh.

Nagpatuloy at naging okay naman lahat tayo noong magsecond year na. Grabe ang pinagbago ni Meanne. Nakarebond ang buhok nito at mas lalong sexy magdamit. Nagulat ako noong iwasan niya si Derek.

Parang nag-iba na rin ang pakikitungo ni Meanne sa barkada. Hindi na siya gaya ng dati, iniiwasan na niya tayo.

"Guilty kasi kaya ganyan!" Galit na saad ni Roanne. Lalo akong nagtaka kung bakit ganoon ang galit niya.

Nalaman ko na lamang na niloko pala niya si Derek sa nakaraang bakasyon. Kaya pala napakalungkot ng mga mata ni Derek. Tila may mabigat na bagay sa dibdib ko. Naawa ako ng husto rito.

Ikaw Aldred hayun unang araw pa lang pinagloloko mo na ako. Pero hindi lang naman sila ang nagbago.

Laking gulat niyo noong nakipagbiruan ako.

"Woah, ikaw bayan Hannah? Welcome sa outside world!" Pagbibiro mo sabay akbay sa akin. Nagtawanan kayo habang ako napawi ang ngiti noong magkatinginan kami ni Derek.

Ang lungkot-lungkot niya. Nginitian ko siya. Ngumiti siya pabalik, kaya yung puso ko biglang malakas ang pintig.

Nag-iba ng barkada si Meanne. Tayo naman, nadagdagan. Nasali sa barkada sina Jazz, Racquel, Jayson, Chie at Janet. So bale siyam tayong lahat.

Naging ka close ko si Janet Nalaman kong crush ka niya, Aldred. Natawa pa nga ako. Inasar ko siya kung anong nagustuhan niya sa iyo.

Guwapo ka daw, aminado ako. Mabait ka daw, hindi ko kokontrahin iyon. Masaya ka daw kasama. Pak na pak iyon. Lagi mo nga akong pinapatawa eh. Kasi naman sa lahat na babae sa barkada sa akin ka pinakamalapit, as in ako lagi ang inaasar at nilalapitan mo. Ewan ko ba kung bakit trip na trip mo ako. Dahil ba parang tuod ako? Walang landi sa katawan.

Sikretong malupet iyong pagkakagusto sa iyo ni Janet . Iyon tuloy nasabi ko rin na crush ko si Derek. Masarap pala maging open sa isang kaibigan. Nagdadalaga na yata talaga ako, tinutubuan na ng landi sa katawan.

Makalipas pa ang buwan, tumatag lalo ang samahan. At times my group work. Nagrugrupo ako kay Derek, may pangaasar ang tingin sa akin ni Janet. Kaya inaasar ko din siya sa iyo. Pero wala ka namang pakialam. Paano may girlfriend ka pala sa malayo.

Nalungkot ako noong malaman iyon. Parang may pumiga sa puso ko na may minamahal ka na pa lang iba. Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, dahil siguro sa awa ko kay Janet. Iniyakan niya kasi ang pagkakaroon mo ng ibang mahal.

Nagseryoso na tayo sa pag-aaral, third year na tayo noon bawal na magpasaway!

May group project tayo. Magluluto tayo para sa mga Cadets sa tactical. Gabi iyon at may kailangan tayong bilhin sa palengke. Dahil busy ang lahat, nagprisinta kang ikaw na ang bibili. Pero damuho ka talaga, hinila mo ako para samahan ka.

Naging Tayo kaya (Short Story* Completed*)Where stories live. Discover now