Wakas

31 7 7
                                    

Nailibing si Derek na nasa tabi pa rin kita. Nakaagapay at nakasuporta. Kayo siyempre ng buong barkada. Nagtulong-tulong kayo sa ibang gastusin para sa libing niya. Napakalaki ng tulong na iyon para kina Mama Joy at Papa  Rob. Masakit mawalan ng kaibigan at ng minamahal, pero alam kong mas masakit iyon sa mga magulang. Ang maunang ilibing ang anak at hindi na muling makasama pa.

Inihatid mo ako sa bahay. Sa totoo lang gustong-gusto ka ni papa. Magkasundong-magkasundo kayo sa lahat ng bagay. Mas gusto ka pa nga niya kaysa kay Derek. Ewan ko ba kung bakit? dahil siguro ang light mo kasama. Madali kang kaibiganin, madaling mahulog ang loob ng tao sa iyo. Gaya ko, narerealize kong nahuhulog na muli ako sa iyo.

Pero hindi iyon puwede 'di ba. Dahil magkaibigan tayo. May Girlfriend ka na kaibigan ko rin. Ako ang naging tulay niyo noon kaya bakit ko gigibain ang tulay na nagdugtong sa inyo. I'll keep this feeling. Alam ko namang mahal na mahal mo si Janet at hindi ko hahayaang masira iyon dahil sa akin.

Bumaling ka sa akin habang nakatawa. Nagkaroon na ng buhay ang mga mata mo. Noon kasi una tayong magkita ay parang patay rin ito. Siguro nga dahil nalulungkot ka para sa akin.

Buhat-buhat mo ang aso ni papa habang lumalapit sa akin.

"Ang taba nito," sabi mong tuwang-tuwa sa aso. Inilapit mo pa siya sa akin. Hinaplos ko ang ulo nito.

Nginitian kita.

"That's it, smile Hannah. Iyan ang gustong makita ni Derek. Ang maging masaya ka." Seryoso mong saad habang nakatitig sa akin.

Napatango ako. Alam ko naman iyon. Titiyakin kong magiging masaya ako. Hindi para kanino. Para sa sarili ko.

"Hanggang kailan ka dito?" Tanong mong humaplos din ang isang kamay sa ulo ng aso. Sinusundan ang bawat haplos ko.

"Luluwas na ako pa Maynila sa isang linggo." Sagot ko. Nagkatinginan tayo.

"Ako na ang maghahatid sa iyo," binababa mo na ang aso pero nakatingin ka pa rin kung ano ang magiging reaksiyon ko. Sa totoo lang expected ko na iyon mula sa iyo. Kaya hindi na ako tumanggi.

Dahil sa totoo lang nakapagdesisyon na ako. Pagbalik ko sa America. Kakalimutan ko ang lahat. Magsisimula akong muli. Ang wala ni anumang komunikasyon galing sa iyo.  Ayaw ko kasing mas lalong mahulog ang loob ko sa iyo. Ayaw kong maranasan ang pag-aalala mo dahil alam kong sa huli, masasaktan ako.

Susulitin ko ang panahong ito na kasama kita. Babaunin ko sa aking memorya ang nakaraan at ang ngayon na tayo lang dalawa. Babaunin ko ang masasayang araw, ang pag-aalala mo at ang pagpaparamdam mo na mahal mo ako bilang espesyal na tao sa buhay mo.

Dumating ang araw ng luwas natin. Madaling araw tayong biya-biyahe. Sa bahay ka na pinatulog nina papa kasi nga aalis tayo ng maaga.

Nagpaalam tayong dalawa, binilinan ka nila na ingatan mo ako.

"Lagi naman po," iyon ang sagot mo sa kanila.

Gumayak na tayo. Isinalang mo ang paborito nating banda, parokya ni Edgar. Parehong-pareho talaga tayo ng taste sa lahat ng bagay. Nakakatuwa, marami na ang dumaan na taon pero heto pa rin tayo at parang bumalik sa panahon. Panahong tayo ay nagkakatuwaan at nag aasaran lang. Panahong sana napagdesisyunan ko ng maayos. Panahong nalilito pa ang puso ko. Mahal na pala kita sa panahong iyon.

Malayo ang lalakbayin natin. Mga walong oras siguro. Sinabihan kitang magdahan-dahan lang sa biyahe. Napangisi ka, sabi mo, Oo para mas matagal kitang makasama.

Napailing na lang ako. May gana ka pang lumandi.

"Kailan uuwi si Janet?" Tanong ko sa iyo. Hindi mo ako pinansin na para bang walang narinig. Tinaasan kita ng kilay. Kaya inulit ko ang tanong ko. Mas malakas, baka hindi mo lang ako narinig.

Naging Tayo kaya (Short Story* Completed*)Where stories live. Discover now