Chapter 13

158 13 1
                                    

                 ~Chapter 13~

AN: Si Lourdes nanay ni Liam, si Jodi naman ay nanay ni Erin. Wala lang baka malito kayo banda dyan hehe, Enjoy Reading!❤





Nagising na lang ako sa isang maingay na tunog. Kinusot kusot ko ang mata ko at tinignan kung saan ng gagaling ang ingay na'yun.

Bintana...

"Ano bang problema mo? Kay aga aga eh." Iritableng sabi ko.

"Bilisan mo naman ang bagal mo, dami mo pang satsat." Aniya 

Binuksan ko ang bintana at nakita ko ang isang unggoy na nasa harapan ko, nakangiti ito sa akin. "Wag kang mawawala mamaya ah, sama mo si tita." Aniya.

"Huwaw, 'Tita' close kayo?" Tanong ko dito.

"Oo kaya dzuh!" Aniya at umirap.

"Attitude mo naman po kuya." Sabi ko at sinarado ng malakas ang bintana ko.

"Mamaya ah." Sabi pa nya.

Humikab ako at nag inat inat muna, nang matapos na ay bumaba na ako para manggulo este mambwisit kay mama.

"Goodmorning sa nanay kong maganda, pengeng lima." Bati ko dito at umupo na sa lamesa para mag almusal na.

"Lima? Limang sampal gusto mo?" Aniya at ngumisi.

"Ay ma, mamaya pala house blessing kala Liam. Punta daw tayo."

"Oo nga, well. Sinabihan na ako ni Lourdes." Aniya

"Lourdes? Sino 'yun? May bago na naman ba tayong kapit bahay?" Tanong ko dito habang nakakunot ang nuo.

"Lourdes, nanay ni Liam." Sagot ni'to.

"Ay wao, close kayo?" Tanong ko dito.

"Yes girl." Sagot nito at tumawa.

Masaya kaming kumain ni mama, sayang nga lang wala si papa. May naisip akong itanong kay mama.

"Ma? Ba't po hindi na'tin subukang hanapin si Papa?" Tanong ko dito.

"Anak, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap." Aniya at mapait na ngumiti.

Tumango tango lang ako at bumalik na sa pagkain. Pagkatapos nun ay ako na naghugas habang si mama naman ay naka upo sa sofa.

Ganto lang kami palagi ni mama, minsan nag gagala kami, nagpa pasalon. O kaya foodtrip.

Makalipas ang ilang oras ay naligo na ako para maghanda na dahil pupunta na kami kala Liam.

"Anak? Nakakahiya pumunta, wala manlang tayong regalo." Aniya

"Ok lang 'yun ma." Sagot ko at nagpatuloy na sya sa pagaayos.

Hindi ko manlang nasabi na 'ok lang 'yun ma, makapal naman muka ng anak mo eh.' Kaso wag na nakakahiya.

Nang matapos kami sa pag aayos ay pumunta na kami sa bahay nila Liam. Agad kaming pinuntahan ni Liam at inasikaso.

Lumingon lingon ako at nagbabaka sakaling nadito na sya, kaso wala pa. Baka late or 'di pupunta.

"Padating na sila." Ani Liam habang nakatingin sa harap.

"A-Ano? S-Sino?" Pag mamaangmaangan ko.

"Wag mo na i-deny, Huli kana boi!" Aniya at ngumisi.

Hindi ko na ito pinansin pero nagsalita sya ulit. "Haaay, naghahanap ka pa ng iba andito naman ako." Aniya.

Tumingin ako dito at nakangiti lang ito sa'kin. Anong meron? Kulang ba sa tulog? Baliw na ata 'to eh.

Makalipas ang ilang minuto ay magsisimula na ang pagbe bless. Sa di inaasahang napatingin ako sa pintuan nila Liam at nakita kong pumasok si Duke. Naka T-shirt na white ito at nakapantalon. Ang buhok naman nito ay maayos, bagay na bagay kami. Este yung ayos nya.

Erin lang sakalam.

Nang makita nya ako ay ngumiti lang ito at lumapit sa amin. Si mama naman ay naglakad lakad muna para maglibot.


(Jodi's POV)

Lumayo muna ako sa anak kong si Erin. Lumabas muna ako para magpahangin mamaya maya ay may nakita akong isang pamilyar na tao. Napakunot ang nuo ko dito.

"Danica?...." Mahina kong sambit.

Imposible, nasa ibang bansa ang babaeng 'yun. Tsaka bat naman sya mapupunta dito?

"Tita Danica!" Tawag ng isang babae sa Babaeng pamilyar sa'kin.

Hindi kaya sya 'yun? Ang matalik kong kaibigan na iniwan ako dahil kailangan.

Lumapit ako dito para tignan sya ng malapitan. Ulo hanggang paa. Sya ngaaaa

"Hello?" Aniya

"D-Danica?" Tawag ko dito.

"Jodi?..." Aniya

Hindi ko namalayan na tumulo na ang isang butil ng luha. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Nagbalik ka!" Sabi ko dito.

"Jo! Namiss kita!" Aniya at sinugod ako ng yakap.

"Kamusta na?" Tanong ko dito.

"Ok lang naman, ikaw?" Tanong nya.

"May anak na nga ako eh." Sagot ko dito.

Nagkwentuhan lang kami saglit at naglakad na papasok sa bahay nila Liam. Hinanap ko si Erin ng makita ito ay kumaway ako para makita nya ako.





"Ma? San ka galing?" Tanong ko dito.

"Sa labas lang anak, at tsaka may nakita akong isang taong sobrang pamilyar." Pagku kwento nito.

'Sino naman?" hindi naman sya sumagot.

"Duke anak?" Napatingin ako kung sino ang nagsalita.

"Anak mo si Duke?!" Pasigaw na sabi ni Mama.

Nakakahiya dahil pinagtinginan kami dito. Ngumiti lang ako dito at nag peace sign.

"S-Sya yung bestfriend mo?" Tanong ko kay mama.

"Oo anak, sya 'yun." Aniya.

"Duke meet tita Jodi. Jodi this is Duke, Anak ko." Ani Tita.

"Erin meet Tita Danica. Danica this is my Daughter Erin." Ani mama.

Nagulat ako sa mga nalaman ko, sumakit den ulo ko hehe. Btw nagsimula na ang bless ng bahay at yun nagka close naman silang tatlo si Mama, Tita Lourdes at si Tita Danica.

Hinayaan ko lang silang magusap, namiss den nila ang isa't isa biruin mo ilang years den yun diba. Ngayon nalang sila nakapag usap.

Maraming nangyari sa araw na ito. Gabi na din ng makabalik kami sa bahay, nasarapan kasi sila sa tawanan e.

Isang araw na naman ang natapos. Pumasok na ako sa banyo at nagshower na pag katapos nun ay humiga na ako para matulog pero hindi pa rin ako makatulog kaya naglaro muna ako ng Among us.

Dalawang beses akong naging impostor kaya ok na yun. Hehe. humikab na ako at pumikit na.







AN: Hello gais, Salamat sa pagbabasa usto nyo ba ng Facts about me? Hehe. Btw, ingat kayo ah. Sorry kung magulo yung update tonight. Hihi Goodnight mga mahaaal!❤


I'm Inlove with the SSG (Completed) Where stories live. Discover now