Chapter 22

771K 10.9K 2.8K
                                    

Angel POV

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Basta ang alam ko, pagkatapos akong paiyakin ni Oliver ay niyakap niya lang ako ng mahigpit. Ilang beses siyang nagsorry at ilang beses nya ring sinabi na nagseselos siya. Hanggang sa nakatulugan ko na iyon. 

Napatingin ako sa digital clock sa side table. Alas-diyes na. Na-late na pala ako ng gising. Masyado yata akong nabigla sa mga pangyayari kagabi. Hindi ko na alam kung naghintay pa sa'ken si Jacob o ano. Wala akong magawa kagabi. Wala akong lakas ng loob pang tawagan siya o i-text na nahuli ako ni Oliver na makikipagkita sa kanya. 

Bumangon na ako. Parang bumabaliktad ang sikmura ko. Shit! Tumayo agad ako at tumuloy sa banyo. 

"Accckkk.." Nagsimula na naman akong maduwal. Hay, hirap ng naglilihi. 

Napakapit ako ng mahigpit sa sink dahil naduduwal pa rin ako kahit wala pang laman ang tiyan ko. Inabot ko ang basong nakataob saka sinahuran ng tubig galing sa gripo. Nag-gargle ako saka nagpunas ng bibig ko. 

Tumingin ako sa itsura ko sa salamin. Medyo nananaba na yata ako? Aish. Buntis eh. Syempre asahan ko na ang mga pagbabago sa sarili ko. Ano ba 'yan! Sabi pa naman nila, minsan kapag buntis, pumapanget daw! Wag naman sana. 

"Wife?"

Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Oliver. Bakit nandito pa siya? Alas-diyes na ah? Sa pagkaka-alam ko, webes ngayon kaya may pasok siya sa kompanya niya. 

Huminga ako ng malalim saka lumabas ng banyo. "Wala kang pasok?" Tanong ko. Normal na normal ang pakikipag-usap ko na parang walang nangyari kagabi. 

Umiling siya saka lumapit sa'ken. He cupped my face and gave me peck on my lips. "Meron. But I want to stay with you here. So I decided na hindi na muna pumasok."

O...kay? Kahapon pa siya ganyan. For now, 'di ko muna siya tatanggihan. Kung ayaw man niyang pumasok, so be it. Baka isipin na naman niya, makikipagkita lang ako kay Jacob kaya ayokong uma-absent siya. Tulad ng nangyari kagabi. 

"Ikaw ang bahala." Simpleng sagot ko. 

"Are you okay?"

"Ah, nagsuka lang ako ng kaunti. You know. Pregnant women." Lumapit ako sa kama saka naupo muna. 

Tumabi siya sa'ken saka ako inakbayan. Inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya. "Rest for a while. Then baba na tayo for breakfast. Nagluto ako."

Hindi ko inaasahan na si Oliver? Magluluto? Seriously? Para kanino, sa'ken? Parang ang labo. Pero pwede din pala. Syempre, acting and pretend. 

Huminga ako ng malalim. Naguguluhan na ako sa ikinikilos ni Oliver. Nagpe-pretend siya pero 'yung kagabi, kitang kita ko sa itsura niya at sa mga mata niya na nagseselos talaga siya. Is it real? Para naman kasing hindi 'yun kasama sa pag-acting niya. 

"Vanna.."

"Hm." Ang komportable pala ng ganito. 'Yung nakahilig lang ako sa balikat niya while he's carressing my back. 

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon