Chapter 6

19 2 0
                                    


Chapter 6


One week had past after the incident. We slowly accepted the fact that Shon will never back again to us. Mahirap sa una pero kelangan namin tanggapin iyon, masaya nadin kami na alam namin na nasa magandang lugar na siya ngayon.

Narito ako sa kusina at ako uli ngayon ang unang nagising sa kanilang lahat. Dahil nadin late na magising si Elaine ngayon ay walang magluluto ng almusal namin ngayong umaga kaya nagpasya na akong magluto ngayon.

To be honest hindi naman talaga ako marunong magluto pero sa kadahilanan na walang magluluto ngayong umaga at ako lang naman ang gising pa ngayon, kaya ako nalang ang magluluto para sa kanila.

Nahain ko na yung mga iba kong naluto sa lamesa habang inaasikaso ko yung pinaglutuan ko sa kusina na pinalibutan na ng makakapal na usok kaya agad ko binuksan yung range hood para agad itong mawala.

Nalintikan na.

May narinig nalang ako na may pababa sa hadgan at papunta na sa may hapagkainan.

"The Fuck! May nasusunog ba?!" Rinig kong sigaw ni Dylan hanggang sa nakita ko siya papunta sa kinaroroonan ko at hinahawi niya yung usok na mukha niya.

"Aida?" Dylan asked while he raised his eyebrows at me, confused.

Itinaas ko nalang ang kanang kamay ko sabay peace sign sa kanya na may pilit na ngiti na nakapaskil sa mukha ko.

Nasa hapagkainan na kaming lahat at lahat sila ay nakatulala at walang kibo habang nakatitig sa mga nailuto ko na nakalagay ngayon sa lamesa namin.

"Hmmm... edible pa ba ito?" nagtatakang tanong Lucy.

Kinuha naman ni Elaine ang tinidor niya at tinusok sa sunog na hotdog na naluto ko at kunot noo niya itong pinagmasdan.

"Anong klaseng hotdog to?" Ani niya.

"Tinapay nalang kakainin ko." saad ni Dylan sabay kuha sa toasted bread na ginawa ko na hindi naman masyadong sunog. Kinagat niya ito pero napatigil siya ng hindi niya ito makagat sa sobrang tigas.

"Gawa ba sa bato ito?!" He hissed.

"Yung fried rice nalang. Medyo maayos naman pagkakagawa ko dyan." wika ko sa kanila sabay turo doon.

Napansin kong sumandok na doon si Jude at inilagay sa plato nito. Kinuha niya ang kutsara niya at kumuha nito at sabay isinubo sa bibig niya. Halos lahat kami ay napatitig sa magiging reaksyon niya pero laking gulat ko na nailunok niya ito.

"M-masarap naman." saad niya na ikinangiti ko.

"Totoo?" di makapaniwalang tanong ni Elaine.

Tumango lang si Jude at tinuloy niya na ang pagkain nito at sa iba ko pang nailuto. Nakita ko nadin na kanina pa pala kumakain si Lucy pero pansin ko ay panay inom ito ng tubig kada susubo siya.

Kaya ng makita ng dalawa iyon ay naglakas ng loob na sumubo nadin si Dylan at tinikman ang niluto kong fried rice pero bigla nalang ito nabulunan at naubo.

"A-ang alat!" sigaw niya habang inuubo padin ito.

Napakunot nalang ako ng noo dahil sa sinabi niya. Bakit nakakain naman nila Lucy at Jude. Siguro nangbabanas lang talaga mga to.

Padabog nadin akong sumandok at inilagay sa plato ko.

"Ang arte mo naman! Ok naman daw lasa masyado ka lang talagang maar!!----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maibuga ko ang kinain kong fried rice sa sobrang alat nito.

Devil In Disguise (Devil Series#2)Where stories live. Discover now