//.ang paglubog ng araw.

15 6 0
                                    




//.

napakakalma ng dagat,
mula rito sa dalampasigan.

tinatanaw ang bawat along nagkakabanggaan.
naglilikha ng ingay na kay sarap sa tenga.

alas-singko ng hapon,
mga bata'y abala pa rin sa paglalaro.

mga sigawan at tawanan dahil sa tuwa,
nakakahawa't kay sarap nilang pagmasdan.

mula rito sa aking kinauupuan,
inaabangan ang napakagandang pangyayari.

paglubog ng araw ay hindi nakakasawang palabas.
sapagkat sa tuwing ito'y sumasapit,
saya at pagkamangha ang hatid nito sa akin.






ang paglubog ng araw.
10/26/20
†hermosa

Left Unsaid And WhispersWhere stories live. Discover now