Animnapu't Milyong Segundo

11 2 1
                                    

Hindi madaling maging sigurado sa maikling panahon at para sa'yo, maikli pa ang dalawang taon.
Sa halos animnapu't milyong segundong pinagsaluhan nating dalawa, hindi mo pa rin nagawang siguraduhin kung ang init ba ng mga yakap ko ang nais mo, kung ang tamis ba ng mga labi ko ang klase ng sarap na nais mong makasanayan
at marami pang bagay ang 'di mo nagawang siguraduhin na kapag inisa-isa ko pa ay mauwi sa isang mahabang nobela
ngunit hindi sapat na dahilan ang igsi ng panahon para subukan mo ang panibagong uri ng init mula sa ibang pares ng bisig habang patuloy mo akong sinasanay na umuwi sa mga bisig mo.
Hindi sapat na dahilan ang igsi ng panahon para tumikim ka ng ibang pares ng labi para lang matagpuan ang tamang timpla ng tamis na ninanais.
Kaya pala kahit gaano pa kahigpit o kaluwag ang mga yakap ko,
kahit gaano pa kalalim at katagal ang pagdampi ng mga labi ko sa'yo
hindi na ang mga bisig ko ang nais mong yumakap sa'yo.
Hindi na sa mga labi ko nais mong malunod sa paglalim ng gabi dahil kung may isang bagay na sigurado, 'yon ay hindi na ako ang kailangan mo.
Hindi na ako ang magtutuloy nitong kwento tulad ng hindi mo pagtuloy ng mga katagang mahal kita sa tuwing ibinubulong ko ito sa'yo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dito Sa Dulo (On Hold)Where stories live. Discover now