Oras

52 0 0
                                    

12
Labing-dalawang linggo
Simula nang ika'y muling nakita
Simpleng kumustahan
"Ah, nasa trabaho ka rin pala."

11
Labing-isang oras mahigit
Ang unang chikahan
Mga halakhak mo'y nakakahawa
Mga ngiti sa aking mata'y hindi makakaila.

10
Sampung beses kang tumatawag
Sa buong maghapon na tayo'y magkausap
Hindi nagkakaubusan ng pagkukuwentuhan
Mapaseryso man o "wala lang"

9
Siyam na pagkurap ang kailangan kong gawin
Tama ba ang narinig? Sa iyong pag-amin
Mga katagang sa bibig mo'y namutawi
Mga nakatagong pag-ibig, sa simula pa't mayron na palang damdamin

8
Walong beses kong pinaulit ulit sa iyo
Ang mga katagang "i love you"
Nakakakilig, nakakakaba
Hanggang kailan, hanggang saan

7
Pitong libong mga plano, mga masasayang alaala
San na nga ba tayong dalawa
Sa isang iglap ika'y nawala
Kakayanin ba ng puso ang mag-isa?

6
Anim na dahilan para ikaw ay ipaglaban
Nguni't ako ay iniwan, nasaan ang paninindigan
Mahal mo ako pero yun ba'y mula sa puso?
O minahal mo ako dahil yun ang sabi ng bibig mo?

5
Limang gabi na isip ko'y nagtanong
Hindi ba ako karapat dapat
Hindi ba ako sapat
O kaya'y sa iyo nararapat?
Mga tanong na hanggang ngayo'y mga sagot hindi mahanap

4
Apat na minuto ang tagal nung huli nating pag-uusap
Mga luha sa mata ko'y tumulo ng kusa
Mga hikbi na sana'y di naipakita
"Mahal kita", mga salitang maaari'y bukas di na maririnig pa

3
Tatlong araw, tatlong taon, tatlong dekada
Di ko alam kung kailan kita ulit makikita
Sigaw ng puso ko'y miss kita
Parang nung nakaraan lang, "kumusta ka?"

2
Dalawang pusong pinagtagpo ng tadhana
Dalawang nilalang sa mundo'y
Nagkatagpo, nagkita
Dalawang magkaibang daigdig
Minsa'y pinag-isa ng salitang "Mahal kita"

1
Isang oras na akong ganito
Naaalala pa rin mga sinabi mo
Nakatulala sa kawalan
Nagiisip, nawiwindang
Sana ay maayos ka lang
Wag mo akong alalahanin
Andito lang ako, patuloy kang mamahalin.

-poca

Mga Tula ni PocaWhere stories live. Discover now