Naaalala Kita

39 0 0
                                    

Naaalala kita sa bawat pagaspas ng hangin
Sa pagsikat ng araw
Sa pagbuhos ng ulan
At sa madilim na kalangitan
Tanging mga bituin at buwan ang nakatingin.

Naaalala kita sa pagtunog ng telepono
Sa mga ngiting namumutawi sa aking mga labi.
Naaalala kita sa bawat patak ng luha
Sa aking mga mata.

Naaalala kita sa bawat saya, lungkot o pighati
Naaalala kita sa bawat damdaming pilit na tinatago
Naaalala kita sa bawat oras, bawat sandali
Naaalala kita kasi mahal pa rin kita.

Mga Tula ni PocaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon