Sabi nila

30 0 0
                                    

Sabi nila

Sabi nila
Iiyak lang daw kita
At ang sakit na nadarama
Ay kusang mawawala.

Iniyak ko naman
Sa araw, mga bituin  pati na sa
buwan.
Ngunit ang sakit at hapdi
Nandirito pa rin
Iiyak ko na lang uli
Kasabay ng paghampas ng hangin.

Sabi nila
Kalimutan na kita
Gusto kong gawin ngunit paano
Hindi ko yata kayang sumuko.

Magalit nga hindi ko magawa
Ang kalimutan ka'y tila suntok sa buwan
Hindi naman ako umaasa
Pero bakit ikaw pa rin ang kailangan.

Sabi nila
Hindi ka mahalaga
Ang mga luha ko'y nasasayang lang talaga
Pero anong gagawin
Kung sigaw ng puso at isipan ay
Ikaw at ikaw pa rin.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 31, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Mga Tula ni PocaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora