panahon na upang pigilan ang aking sarili sa panlulumo habang dumaraan ang litrato mo sa harap ng aking mga mata;
kalimutan ang iyong mukhang labis ang saya na kapiling ako sa aking mga panaginip;
pigilan ang iyong boses na umaalingawngaw sa pader ng aking isipan—
nagmumulto, mapanira ng puso.at nais ko lamang ipahatid na...
hindi ko na kaya.
hinding hindi na ako maghihintay para sa iyo.
art | ari.nunnunano, instagram