(DOS-8) SIGAW NG PUSO

1.6K 90 12
                                    

"JV...JV anak buksan mo itong pinto kanina pa tumutunog itong cellphone mo naiwan mo dito sa sala"

Ang mga tinig na nag pabalik nang aking katinuan mula sa nagbabadyang tukso.

Mabilis akong bumitaw kay Dex at agad na tinungo ang pinto randam ko  ang pagkabigla ni inay dahil na apat pala kami sa aking kwarto.

"Magandang umaga po tita" bati nila

"Magandang umaga din sa inyo iho mauna na ako at marami pa akong aayusin may miryenda sa baba kumain muna kayo. Ang sabi ni inay

Nakita ko na may 7 miss calls at 10 txt ang isang unknown number wala akong maisip na ibang tatawag maliban nalang sa mga hospital na ina-applyan ko, kaya noong muli itong tumawag ay siyang sagot ko agad dito.

"Hello"

"JV bilisan mo pumunta kana dito sa St. Llly Drive Hospita" ang mabilis na sabi ng lalaki sa kabilang linya

Hindi man siya nag pakilala pero alam ko na si Derek yun at alam ko na may hindi magandang nangyayari kay Dave.

"Samahan nyo ko bilis" ang sabi ko kala Mark, Dex at Gerald

"Saan" tanong ni Mark

"Sa hospital si Dave kailangan niya ako" sabi ko

"Pero bakit" tanong muli niya

"Mamaya na ako magpapaliwanag basta tara na" ang mabilis kong sabi

Kinuha nga ni Mark ang kanyang sasakyan at mabilis naming tinahak ang daan papunta sa hospital mga nasa 10 minuto lang ang byahe at narating namin ito mabilis ako nag tungo sa information area at tinanong kung asaan si Dave tinuro ako sa Emergency room kaya mabilis ko itong tinungo.

Hindi ko agad sila nahanap dahil sa dami ng pasyente ng mga oras nayon buti nalang at nakita ako ni Derek.

"JV dito" sabi niya

"Anong nangyari" tanong ko

Pero hindi na ako sinagot ni Derek bagkus ay binuksan nito ang kurtina at doon nga ay nakita ko si Dave na wala nang malay, andoon nadin sila Tito Gov at ang nanay nito pati narin ang kanyang mga kapatid umiiyak na sila halos.

Hindi ko nadin napigilan ang sarili ko kaya tumulo narin ang aking luha, nakita ko sa monitor na kaunti nalang ang oxygen at bagsak na ang Blood pressure niya.

"JV i know alam mo na what will happen in a few Hours or seconds" sabi ni Derek

"Stay Strong dude" sabi niya saakin

"Ikaw din Derek alam ko gano kasakit sayo to" sabay yakap ko sa kanya

Doon ko na naramdaman na umiiyak narin pala ito hindi niya lang naibuhos kanina kasi gusto niya magibg matapang sa harapan ng pamilya ni Dave.

Ilan saglit pa ay muli akong kinausap ni Derek

"JV alam mo ikaw lang hinihintay niya kanina pa bago siya mawalan ng malay" sabi ni Derek

Kaya naman lumapit ako sa kanya sabay tingin ko kay tito Gov.

"Iho thank you for being special part of my sons life" ang sabi ni Tito Gov.

Doon nga ay niyakap ko si Dave ng mahigpit habang tumutulo ang akingga luha ngunit parang bumagsak ang mundo ko ng marinig ko na nag flat sounds na ang Heart Monitor niya

No...No...No Dave please come back. !!

Derek help i revive natin siya ang sigaw ko sabay gawa ko ng CPR sa kanya

Pero imbes na tulungan ako ni Derek  ay bigla akong niyakap nito ng napakahigpit upang hindi makawala sa kanya.

Derek ano ba bitiwan mo ko i need to save Dave.

Umiyak nalang ako dahil hindi ako makawala dahil sa patuloy na  pinipigilan parin ako ni Derek.

noong.

Time of Death 9 in the morning. ang sabi ng attending physician ng mga oras na yoon.

"JV tatagan mo alam mo ikaw ang nag iisang taong kilala ko na minahal ni Dave ng buong puso. " Ang sabi ni Derek bago ito umalis sa pagkakayakap saakin.

Sinamahan ni Derek si Tito Gov upang ayusin na ang lahat para sa lamay ni Derek samantala ako naman ay lumabas ng hospital at tumungo sa Park, hindi ko nga namalayan na kasunod ko na pala sj Mark, Dex at Gerald

"Oh wag kana malungot" sabi ni Gerald

"Napakabait niyang tao" sagot ko

"Siya ung dahilan bakit hindi ka sumama sakin diba?" Tanong ni Gerald

"Oo" maikling sagot ko

Dito ko narin naikwento sa kanila ang lahat-lahat ng napagsamahan namin ni Dave humanga naman si Mark sa ugali nu Dave.

Matapos ang ilang oras ay napag-desisyunan naming umuwi na pero pinilit ko na didiretcho ako sa chapel kung asan si Dave nag paalam naman si Gerald dahil may duty la ito samantalang si Dex naman ay kailangan nang umuwi dahil may mga aayusin pa.

"Samahan kita" sagot ni Mark

"Bakit pa?" Tanong ko

"Anong bakit? Gusto ko" sagot niya

"Mark alam ko na gusto mo ulit mapalapit sa akin pero Mark sana matandaan mo rin yung mga paghihirap ko dahil sayo at sa pamilya mo." Ang hirit ko sakanya at doon nga ay tinalikuran ki ito at lumakad palayo

Alam ko na hindi ito susunod pero nagkamali ako bigla nalang itong tumakbo papunta saakin at mabilis akong niyakap.

"Please samahan na kita" sabi ni Mark

"Wala naman na akong nagawa kundi sumang-ayon. Ewan ko ba pag dating kay Mark para akong tanga kahit sabihin ng isipan ko na layuan siya iba naman ang sinisigaw ng puso ko.

ANAK NI GOV- DOSWhere stories live. Discover now