Tukso

547 9 0
                                    

Chapter 1

Sab*
POV

"Sab. Sa panahon ngayon hindi na uso ang Maria Clara lalo't marami ng nagpe pekpek short. Hahaha. Ikaw? Kelan mo ba susubukang baguhin yang estilo ng panunuot mo?Kaya walang nagkakagusto sayo e." Sabi ni Melai.

"Grabe ka naman saken? Porket may syota kayo ginaganyan nyo na ko." Sabi ko.

"Ang samin lang e baguhin mo yang style mo? Oo probinsyana tayo pero atlis nakakasunod tayo sa uso? Tignan mo kase yang suot mo. Long Sleeve tapos sa ibaba e paldang hanggang sakong?" Sabi ni Carla.

"Oo nga! Haha! Baguhin mo na yang porma mo tapos ipapakilala kita sa pinsan ni Josep." Sabi ni Melai.

"Nako. Wag na. Ayoko ng taga dito. Hmp. Hahanap ako ng taga Maynila. Makikita nyo!" Sabi ko.

Pinagtatawanan nila ko.
Sa totoo lang hindi ko alam kung kaibigan ko ba tong mga to kase panay ang panlalait nila saken at madalas pa nila kong itsismis sa mga kapitbahay kaya minsan na-iisip kong baka kaibigan ko lang sila kase nakakahiram sila ng pera saken dahil mahilig akong magbenta ng gawa kong ginanchilyong damit at iba pa kaya malaki ang kita ko tapos nakaka-utang sila saken.

"Hays."

"Nakakatawa ka naman Sab. Alam mo?! Imposibleng may taga Maynila ang magkakagusto sa kagaya mong mukhang basurera. Hahahaha!" Sabi ni Carla.

"Oo nga! Nakikita mo ba yang sarili mo? Panong taga Maynila ang magkakagusto sa ganyang kagaya mo. Hahaha! Ang nagugustuhan na ng mga lalaki ngayon e yung mga kagaya namen ni Carla na marunong mag-ayos at pumorma." Sabi ni Melai.

Hindi ko na sila pinansin basta tumayo na ko dito sa kinauupuan ko at naglakad agad pauwi sa kubo ng Inang ko.

"Grabe talaga sila saken." Bulong ko.

Pagpasok dito sa kubo saktong nakita ko sila Inang at ang isang babae na maputi at maganda.

"Oh. Ayan na pala si Sab." Sabi ni Inang.

Ngumiti itong babae saken tapos sinalubong ko sya ng ngiti at nakipagkamay ako. Naka-upo silang pareho ni Inang sa kawayang upuan namin dito sa kubo tapos nakitabi ako kay Inang ko.

Inang ang tawag ko sa Lola kong si Inang Seria na nasa Edad 68 na ngayon. Ito ang Lola kong nagpalaki saken sa loob ng Labing Pitong Taon (17years) Hindi ko kilala ang mga magulang ko dahil sa si Inang na ang nakita ko hanggang sa magkaisip ako sa mundong ito. Anak ni Inang ang Mama ko at ang Papa ko raw ay matagal nang Yumao dahil sa aksidente. Si Mama ko raw namatay sa sakit sa atay nung nasa dalawang taong gulang palang ako.

"Hija, Ako si Melody Santos. Pinsan ako ng Papa mo. Bali nagpunta ko dito sa probinsya para sana tulungan kang makapag-aral sa Maynila. Tita ang itatawag mo saken ah? Hehe. Pinsang buo kame ng Papa Ronel mo dahil magpinsan din ang mga Papa namen. Matagal na kitang hinahanap kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula lalo't patay na nga ang Papa mo tapos hindi ko manlang sya naka-usap pero buti may isang taga dito ang nagpunta sa lugar namin sa Maynila at binabanggit saken na malaki na nga raw ang anak ni Ronel. Isasama kita sa bahay ko tapos papasok ka sa skwelahan kung saan nag-aaral ang Anak ko. Maganda dun at Private School. Sa Maynila kita isasama ah at ako ang bahala sayo. Gusto kitang tulungan kase na-iisip kong may edad na itong Lola mo. Kahit yun manlang magpapa-aral ko sayo para makabawi ako sa Papa mo." Sabi nitong Babae.

Napangiti agad ako kase narinig kong isasama nya ko sa Maynila at pag aaralin pa nya. Ibig sabihin ay mahahanap ko na ang lalaking gusto kong mapagbigyan ng Virginity ko. Ayoko kase ng lalaking taga dito. Maasim ang mga lalaki dito at mga katawang lupa ang meron. Gusto ko sana ng maputi at makinis. Syempre yung gwapo at yung sa unang halik palang mag-iinteres na agad ako.

Bump Into YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang