Bigtime

125 3 0
                                    

Chapter 17

Sab*
POV

Pagkababa ni James sa Cellphone nya pinaandar na nya tong Kotse tapos nag atras abante ito hanggang sa bumalik kame sa kung saan ang dadaanan namen.

"Hmm. Ang bibilis nila oh. Takot mabalita na pabaya sila sa nasasakupan nila." Sabi ni James.

May mga Truck na papunta sa Baryo na to tapos mukhang mga Rescuer yun ng Lugar na to.

Kung hindi pa sila tawagan ay hindi pala talaga sila kikilos para mailigtas ang mga Tao dito pati ang mga Alagang Hayop sa Baryo na to.

"Grabe. Kailangan pala tinatawagan pa sila saka tinatakot." Sabi ko.

"Nako Hijo. Salamat ah. Noon walang ganyan na dumating  sa Lugar na to. Basta hinayaan lang nila na magka Matay matay ang Tao at Hayop dito. Para makaligtas kame kailangan talaga mabilis kame sa pagkilos para makalikas. Hays. Salamat at nakilala ka ni Sabrina." Sabi ni Inang.

"Walang anuman po Inang. Nakakalungkot naman. Marami ngang namatay dito Noon. Nababasa ko sa Diyaryo yun na iniipon ng Lolo ko." Sabi ni James.

"Oh. Nakakatuwa naman ang Lolo mo at nag-iipon sya ng Diyaryo. Gawain ko din Noon yun pero hininto ko na." Sabi ni Inang.

Nakikinig lang Ako sa usapan nila Inang at James tungkol sa Bagyo Noon na maraming Namatay dito sa Lugar namen ng Taong 1992.

"Hmm." Huni ko.

Bumaba ang isang Lalake sa Truck tapos lumapit dito sa Kotse ni James.
Kumatok sya at pinagbuksan namin sya ng Bintana.

"Sir pasensya na po. Nahuli kame ng dating. Hays. Si Boss kase marami pang Paliwanag." Sabi nito.

"Pagbalik mo sa Opisina nyo sabihin mo Gago sya. Ako kamo nagsabi. Pag nagkaroon Ako ng Time ako mismo pupunta sa Opisina nyo. Sabihin mo yan kay Delfin na Putanginang yan. Osha. Gawin nyo na yung Inutos ko. Ilikas nyo yung mga Tao pati Alagang Hayop. Siguraduhin nyong walang mamamatay na Tao at Hayop sa Lugar na to ipapa Monitor ko kayo sa mga Tao ko. Maliwanag." Gigil na sabi ni James.

"Opo Sir. Pasensya na po ulit." Sabi ng Lalake.

Umatras na sya at yumuko tapos sinara ni James tong Bintana saka kame Umalis sa Lugar na to.

Hindi ko muna ininda ang pagkahilo.

Habang papalayo kame tinitignan ko ang ginagawa nila.
Bawat pamilya pinapasakay nila sa Truck kasama ang mga Gamit nila pati ang mga Alagang Hayop.

Umalis yung Truck tapos may paparating na nasa Sampu Mahigit.

"Wow. Ginagawa na nila yung Trabaho nila oh." Sabi ko.

"Dapat lang. Pag hindi. Lahat-lahat sila mapapahiya. Ibabalita sila sa T.V. pati Boss nila." Sabi ni James.

Sobra sobra na kong nahihiwagaan sa katauhan ni James.
Kahit kase sa Condo parang masyadong Magalang sa kanya yung mga Tao tapos ng minsan kameng magpunta sa Mall kilalang kilala sya.

Iniisip ko na hindi lang dahil sa Model sya kaya sya kilala pero iba parin yung Takot sa kanya ng mga Taong Totoong nakakakilala sa kanya na hindi ko alam kung Anong Meron sya.

"Hmm." Huni ko.

Sumandal na ko saka Pumikit.

***
Makalipas ang ilang Oras ng Byahe.

Ginabi na kameng nakarating dito sa Maynila.
Ginising Ako ni James tapos hindi Ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nasa isang Malawak na Lupain kame.

"Uhm. Nasan tayo?" Sabi ko.

"Sa Rest house ko." Sabi ni James.

Lumingon Ako sa likuran ko wala na si Inang dito sa Backseat tapos pati yung mga Gamit isa-isa binababa ng mga Lalakeng naka Uniporme.

Bump Into YouWhere stories live. Discover now