Melissa

158 5 0
                                    

Chapter 4

Jameson*
POV

Tinitigan ko si Sab na nanla-laki pa ang mga mata nito dahil sa sinabi ko.

"Uhm. S-Seryoso?" Sabi nito.

"Mmhmm. Can i?" Sabi ko.

Tumango-tango ito kaya lumapit pa ko at nilapit agad sa kanya ang mukha ko para madikit ko tong labi ko sa labi nya...

*****

Sab*
POV

Sabay pa kameng nagbukas ni James ng labi para sa matamis at malalim na halik namin sa isa't isa.

"Hmm. Namiss kita Sab..." Bulong nito.

"Namiss din kita pero bakit?" Sabi ko kaya napahinto sya sa paghalik saken at umayos na ito sa pagkakaupo.

"Baka dahil dun sa nangyare kagabe kaya namiss naten ang isa't isa? Diba?" Sabi nito.

"Oh Uhm. Oo nga no. Hm. Namiss mo ko? Bakit?" Sabi ko.

"Hindi ko alam e. Basta pag-uwi ko sa bahay iniisip kita tapos hindi na ko makatulog ng maayos. Ayun. Namimiss kita na hindi ko maintindihan..." Sabi nito sabay tingin sa mga kamay nyang nakapatong sa tuhod nya.

"Oh. A-Ako kase hindi ko iniisip yun? Hm." Sabi ko.

Tumingin ito saken saka ngumisi at nilapit ulit ang mukha nya para mahalikan nya ko sa labi ko na binuksan ko din para sa kanya.

"Oh James ang sarap mong humalik." Bulong ko.

Ngumiti ito.

"Yeah? Hehe. Masarap kang halikan Sab. Hinahanap hanap ko yata tong labi mo nung pag-uwi ko sa bahay." Maakit na sabi nito sabay sunggab ulit ng paghalik saken at inangkin bigla ang katawan ko kaya napahawak ako sa dibdib nya.

Hindi pinuputol ni James ang paghahalikan naming dalawa habang pumupuwesto ito sa harapan ko mismo at yakapin nya ko ng ma muscle muscle nyang mga braso at ibukas ko naman tong mga hita at braso ko para mas mayakap ko sya habang pinagsasaluhan namin ang matamis at malalim na halikang ito.

"Hmm." Ungol ko.

"Wow. Hmm." Ungol nito.

Makalipas ang ilang Minuto...

Parang hindi pa kame napapagod sa kakahalik pero naputol lang ito ng ayain kame ni Melissa na kumain.

"Tara na! Pambihira kayong dalawa! Nagde dessert agad kayo. Hahaha." Sabi ni Melissa.

Sumimangot pa si James kay Melissa tapos umahon na kameng dalawa dito saka lumapit sa hapagkainan at nagsimula na dito sa paglantak sa masasarap na inihaw na Manok, Pork Chop at Hotdog tapos may manggang hilaw at masarap na bagoong at adobong manok na may itlog na Luto raw ni Lui.

"Grabe. Ang sarap naman." Sabi ko.

"Pag si Lui na nagtimpla ng ihaw at sauce nito finish na kase may nanalo na. Lalo yung adobo. Yum yum." Sabi ni Marjorie.

Nangiti ako.

"Kelan ka ba mag-aasawa Lui." Sabi ni James.

"Wala ngang GF e paano ko mag-aasawa neto!" Sabi ni Lui.

Tawa naman ng tawa yung boyfriend ni Marjorie na si Nathan tapos yung boyfriend ni Melissa na si Liam nakatingin saken at seryoso ang reaksyon. Nakakatakot sya. Gwapo naman sya na moreno. Nakakatakot lang kase may tattoo sya sa dibdib. Halos lahat din sila James, Nathan, Lui at etong Liam na to e may mga pandesal sa tyan.

"Uhm. Sab? Kain na." Sabi ni James kaya binalik ko agad yung tingin dito sa pagkain.

Kumain na kameng lahat pero pasulyap sulyap ako kay Liam kase talagang nakatitig sya saken. Iniisip ko tuloy kung hindi ba napapansin ni Marjorie yung boyfriend nya. Si James naman busy sa pagkain kaya hindi nya nakikita...

Bump Into YouWhere stories live. Discover now