Twenty-five

35.6K 1.4K 254
                                    

JICE

     

Itinayo niya ako saka ako biglang nginitian. Halos hindi ko alam ang mararamdaman ko ngiti niyang iyon.

       

"Kilala mo pala ako?" Aniya.

        

"B–Buhay ka?" Halos ayaw lumabas ng mga salitang iyan sa mga labi ko. Para akong minumulto sa nakikita ko. Iisang beses ko lang siyang nakita sa larawan ni Shanna ngunit alam kong hindi ako maaaring magkamali.

     

"Paano mo 'kong nakilala?" Ganting tanong niya sa akin. "Isa ka ba sa nais pumatay sa amin ni Laev?" Nag-iba ang mukha niya sa katanungan niyang iyon sa akin saka pa siya humakbang patalikod na animo natatakot sa akin.

            

"Hindi. Hindi!" Mabilis kong kinuha ang braso niya ngunit tinapos niya ang kamay ko.

     

"Sinungaling!" Kitang-kita ko ang pagbabago  ng itsura niya. "Mga sinungaling kayo—"

        

"F–FLARE!?" Napalingon ako sa tinig na iyon at nakita ko si Laeven na hindi makapaniwala ang mukha sa nasasaksihan niya ngayon.

           

"L–Laev," hindi rin makapaniwalang sagot ni Flare. "M–Maayos ka na?"

          

Bigla siyang kinabig ni Laev at niyakap ng mahigpit. Ramdam ko kung gaano ang biglaang paggaan ng pakiramdam ni Laeven nang makita niyang buhay na buhay si Flare.

         

"Maayos na maayos na ko. Paanong buhay ka? Paanong nasa harap kita ngayon? I can't fucking believe it, dude," wika ni Laev nang maghiwalay sila.

           

"Mahabang istorya. Hindi ko naisip na makikita kita dito. Nang mapanood ko ang presscon mo sa unang bahagi ay agad akong bumyahe papunta rito. Nataon na sa likod ng mall na 'to ang bus station," paliwanag niya.

           

"Sumama ka sa akin sa bahay. Marami tayong dapat pag-usapan," wika rito ni Laeven.

           

"Sino siya Laev? Bakit kilala niya 'ko?" Tukoy sa akin nito, bakas pa rin ang takot sa mga mata sa pagtingin niya sa akin.

       

Hinapit ako papalapit ni Laeven sa kaniya saka ako hinalikan sa noo. "Mukha ang unang bahagi nga lang ng presscon ko ang napanood mo. She's my soon-to-be wife," pakilala ni Laeven sa akin.

       

Inilahad ko nag kamay ko sa kaniya at ngumiti. "I'm Jice Isaiah Saavedra. Call me Jice," wika ko. Inabot naman niya ang kamay ko.

        

"You already know me. I guess, I don't have to introduce myself anymore," wika nito at tumango ako.

        

May mali sa nararamdaman ko ngayon. Para bang gusto kong luminga-linga dahil nababagabag ang loob ko. Siguro ito 'yong pakiramdam ng mga babaeng buntis tapos tamang hinala? O baka nararamdaman ko ito dahil nasa harap ko ngayon ang dalawang taong muntik mamatay sa isang aksidente. Marahil ay kinakabahan ako sa katotohanan na may nagtangka talagamg pumatay sa kanila, at ang makita na magkasama sila sa mga oras na ito ay isang malaking bagay na hindi dapat mangyari.

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Where stories live. Discover now