Chapter 40

508 23 8
                                    

#TOTILEyesWideOpen

A/N: This is purely fiction. Sorry for grammatical errors and wrong spellings. Thank you, enjoy reading!

-

Ogie

After 6 long years, nagkaroon ako ng lakas ng loob para umuwi, umuwi at magpakita sa kanya, kay Regine. I saw in the television that she'll held a book signing event today, agad akong umuwi ng Manila para mapuntahan ko yon. After how many years, ngayon na lang siya muling nag book signing, I have here her books that she wrote and published for the past 5 years. Hindi ko pa rin mabasa ang happy ending na ipinangako niya sa mga fans niya. Kasalanan ko ito, kasalanan ko lahat. Pinilit kong di siya isipin pero hindi ko na kaya mag isa. Hindi pa naman huli ang lahat upang bumalik at maibalik siya sa akin, hindi ko naman siya iniwan, buhay pa rin sa akin lahat ng pangako ko.

Sinubukan kong umuwi sa bahay namin pero ang naabutan ko na lamang doon ay ang mga lumang litrato namin na naka display sa sala. Kinuha niya rin lahat ng gamit niya at iniwan ang susi niya sa loob ng bahay. Akala ko may uuwian akong asawa ngunit mukang matagal na siyang wala dito, ang dami na ring alikabok, ang dami ko ring sinayang, naduwag ako, patawad Regine.

Nagmadali akong pumunta sa place kung saan siya naroon. Lulunukin ko nalang yung pride ko, tapon ko nalang pride ko para kay Regine. I'm sure she sacrifice more than I did.

I saw her looking back and going back to the table where her friends are sitting, baka tapos niya nang kausapin yung mga fans niya or si Jacques.

"Reg!" I shouted in excitement, hindi ko alam kung anong una kong gagawin sa kanya, kung yayakapin siya dahil sa tagal ng panahon na wala ako o hahalikan siya dahil matagal ko nang gusto mailapat yung mga labi ko sa labi niya.

Lumingon siya nang tawagin ko ang pangalan niya pero hindi niya ako pinansin, dumeretso lamang siya papunta sa likod at nakita kong sumenyas siya sa mga chika chicks niya.

Sinundan ko na lamang kung saan siya pupunta, yun naman ang dahilan ko, ang habulin siya dahil hindi ko man sabihin, gusto ko na muli siyang makasama.

"Regine" sambit ko nang tumigil siya sa paglalakad at ngayon ay nandito kami sa likod ng lugar, nasa labas kami.

Hindi pa rin siya naharap sa akin pero gusto ko na siyang kausapin, namimiss ko yung pagmamaldita niya sakin.

"Ano... Ano bang sasabihin ko? Mahal--" natigil ako nung lumingon siya, lagi niya nalang ako nabibighani, hindi pa rin siya nagbabago, maganda pa rin siya at oo inaamin ko, malakas pa rin sex appeal niya.

"Tangina Ogie!" Sigaw niya sa akin, sige lang murahin mo lang ulit ako, tanggap ko.

"Hindi ka ba masayang makita ako? Mahal patawarin mo ako kung ilang taon akong nawala, nandito na ako ulit, hindi na ako aalis, paano ko ba sasabihin sayo na nandito na ako para sa mga pangako ko at pangako natin sa isa't isa" pagpapaliwanag ko sakanya, pansin ko na pinipigilan niya ang mga luha niya, lumapit ako para yakapin siya ngunit humakbang siya palayo mula sa akin.

"Hindi ako nangako sayo, tandaan mo ayoko ng mga pangako kasi hindi ko alam kung matutupad ko" galit na sagot nito sa akin, tumitingin siya palayo sa akin habang ako ito hinihintay siya upang magtagpo ang mga mata namin.

"Hindi ka ba naniniwala sa mga ipinangako ko?" Tanong ko sakanya at humawak ito sa sentido niya.

"Naniwala nga ako at nagkamali akong pinaniwalaan kita" isang malaking sampal sa akin yung sagot niya.

Pinangako kong hindi na siya magiisa, hindi na siya malulungkot pa, na aalagaan ko siya, mamahalin ko siya, susuportahan ko lahat ng gusto niya at aalagaan ko pati na rin yung mga anak namin. Kung hindi lang ako umalis baka dalawa na yung anak namin, siguro may kakampi na yung asawa ko sa makikipag away sa akin kaso wala, lahat ng plano namin at lahat ng gusto naming mangyari, nawala nung nawala ako.

The One That I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon