Chapter 1

14.4K 62 7
                                    

                             Chapter 1

Brieanna's POV

"Good luck sa first day of work Brie"

"Thank you Maggy, sana ok tong magiging boss ko"

Nag paalam na ako kay Maggy at sumakay na ng kotse, ilang buwan din akong nawalan ng trabaho dahil sa huling company na pinasukan ko kinasuhan nila ako, buti na lang at mabait ang batas kaya napa walang bisa ang kaso ko, sana bumagsak ang company na yun balang araw.

"Bwisit na traffic to"

Ang aga aga ma-iistress ako, ayaw ko pa naman yung nali-late ako sa pag pasok lalo na pag first day. Tinignan ko ang oras at 30 minutes na lang dapat nandoon na ako.

"Fuck!!"

Nahampas ko ang manibela ng sasakyan dahil walang usad ang mga sasakyan, hindi ako sa work ma-iistress kundi sa lintek na traffic na to, sinisira na naman ba nila ang kalsada para may makurakot na naman ang gobyerno? Wala na bang alam gawin ang mga gobyerno namin kaya sinisira nila yung daan para ayusin? Bumaba ako ng sasakyan para sillipin kung anong nangyayari pero wala akong makita kundi mga sasakyang naka hinto lang, bumalik na ulit ako sa loob ng sasakyan at napapamura ako sa sobrang inis. After ng napakahabang pag hihintay sa wakas naka usad din ang mga sasakyan at super late na nga akong nakarating sa office.

"Your late Ms. Alonzo"

Sabi sakin at nag time in na ako.

"Sobrang traffic eh"

Iniwan ko na sya at umakyat na ako sa 30th floor kung saan ang opisina ng boss ko, CEO pa naman to, baka mamaya tanggalin niya ako ng di oras dahil late ako, kinakabahan na ako sa loob ng elevator, sabi pa naman ng nag interview sakin masungit daw yung CEO at maiinitin ang ulo, ano kayang sasabhihin niya pag nakita niya akong late pumasok. Bumukas na ang pinto ng elevator at sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang nag lalakad papuntang office ng boss ko, ng nasa pinto na ako hindi ko alam kung kakatok ba ako or aalis na lang at mag hanap ulit ng trabaho. Huminga muna ako ng malalim at pumikit, kumatok ako na ako sa pinto ng boss ko.

"Come in"

Boses pa lang halatang masungit ang boss ko, dahan dahan kong binuksan ang pinto at dahan dahan din akong pumasok, naka talikod sya kaya di ko makita kung anong itsura niya, dahan dahan ko ring sinara ang pinto at tumayo na ako ng maayos, inayos ko ang suot kong skirt at huminga ng malalim.

"Good morning Sir, I'm Brieanna Alonzo, your new secretary."

Pag papakilala ko at nagulat ako ng humarap sya, wow! Akala ko sa libro lang nag eexist ang katulad niya, gwapo, bata, at mukhang sexy, napalunok ako sa nakikita ko, jusko, ang swerte siguro ng girlfriend nito.

"You're late"

Galit niyang sabi at nawala ang pag papantasya ko sa kanya.

"Sorry sir, na traffic po kasi ako."

Pag papaliwanag ko.

"So? Do you think it's my fault? Alam mo namang traffic sa dadaanan mo hindi ka nag adjust ng oras, anong gusto mo? Traffic mag adjust sayo?"

Sabi niya na gailt ang tono, tama nga sila, masungit at mainitin ang ulo niya.

"Sorry sir, It won't happen again"

Pag hihingi ko ng pasensya.

"Next late mo pa tatanggalin talaga kita"

Sabi niya at tinuon na niya ang atensyon sa computer.

"Ok Sir"

Sagot ko na lang para hindi na humaba pa ang pag uusap namin, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil naka tayo pa rin ako, wala naman kasi syang sinabi na umupo ako or pumunta na ako sa desk ko.

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon