Chapter 5

945 26 1
                                    







"Babe, kain na po tayo." Rinig ko'ng bumulong si Ion sa akin habang nararamdaman ko'ng hinahalik-halikan niya ang kamay ko.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang tinitignan niya lang ako na parang inoobserbaran niya ang bawat kilos ko.

"Hi." Bati ko sa kanya.

"Hi." Tugon niya naman at ngumiti sa akin. "mag hapunan na tayo." Sabi niya habang hinawi ang buhok mula sa mukha ko.

Tumingin ako sa oras ng telepono ko at nakita ko'ng 7:30 na pala ng gabi.

"Gabi na pala? Bakit hindi mo ako ginising?" Sabi ko at bumangon na agad.

"Sorry, ang himbing ng tulog mo eh. Hindi na muna kita inabala dahil alam ko'ng pagod na pagod ka." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Naalala ko na naman ang nangyare kanina.

"Sorry kanina, hindi na kita kinibo ng—"

"Shh. Okay lang. diba sabi ko maghihintay ako? Hindi kita pipilitin na makipagusap kung ayaw mo muna." Sabi niya.

Naramdaman ko na naman ang malawak na panguunawa ni Ion sa akin hanggang sa puntong mag fiancé na kami, nirerespeto niya parin ako at mga desisyon ko.

"Akala ko isusumbat mo sa akin na mag fiancé na tayo kaya dapat ako'ng magsabi sayo ng lahat ng nararamdaman ko." sabi ko.

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Ha? Ganon?" Sabi niya "Hindi, buong buhay kong irerespeto ang mga salita mo, pati na rin ang katahimikan mo, mahal ko'ng reyna." Sabi niya at nag bow pa sa harap ko.

"Haha sira ulo ka talaga!" Sabi ko at natawa ako sa reaksyon at sinabi niya.

"Ayan! Tumawa na. Ang ganda oh!" Sabi niya. "May ikukwento ako sayo." Huminto siya at hinawakan niya ang kamay ko. "naalala mo ba ang unang beses ko'ng pumasok sa dressing room mo?" Tanong niya.

Pilit ko'ng inalala pero hindi ko talaga maalala kung kalian yun kaya umiling ako bilang sagot.

"Noong pangalawang araw ko pa lang sa Showtime, pinuntahan kita dahil sabi ni Direk sa akin na hinanap mo daw ako noong umabsent ako." Sabi niya. "Tapos nag usap tayo. Kabadong kabado ako noon Babe, alam mo ba yun?" sabi niya at hinawakan niya pa ang dibdib niya kaya natawa ako.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Kasi akala ko pagagalitan mo ako dahil nag absent agad ako sa pangalawang araw ko. Tapos akala ko, bawal ako'ng mag tanong sayo, dapat ikaw lang." Sabi niya na parang punong puno ng emosyon.

"Alam mo, pwede ka nang artista!" Sabi ko at mahinang sinampal siya sa mukha.

"Pero alam mo? Sobrang saya ko nun." Sabi niya, "Dahil nakita kitang ngumiti at tumawa dahil sa akin." dagdag niya pa. "At doon ko narealize na gusto pa kitang patawanin dahil maganda ka pag nakangiti."

"Hmm.." Sabi ko at pinisil ang ilong niya "Echosera!" Sabi ko.

"Totoo talaga! Hindi ko akalaing matatawa ang isang Vice Ganda sa akin noon, eh tignan mo ngayon, fiancé ko na! Fiancé ko na si Tutoy." Sabi niya at hinalikan niya ulit ang kamay ko kung saan may singsing. "Kaya hindi ko ma explain kung ano'ng saya ko ngayon dahil sayo." Sabi niya.

"I love you." Sabi ko. "Thank you. Thank you dahil pinapatawa mo ako at mahal mo ako." Dagdag ko.

"I love you too." Sabi niya at hinalikan niya ako sa labi. "Kain na tayo?" at inalok niya ang kamay niya saakin upang maaalalayan niya ako.

Nag tungo na kami sa kusina at kumain. Naghanda sila ng sinigang na baboy at tortang talong.

"Wow! Sarap!" Sabi ko nung linagay na nila ang mga pagkain sa hapagkainan.

There You'll BeWhere stories live. Discover now