Chapter 12

826 19 1
                                    




Tapos na ang showtime online via zoom at dahil birthday ko daw ngayon, wala muna daw akong karagdagang trabaho muna. Sabi nila Direk, hindi muna nila ako inabala sa mga script para sa susunod na araw dahil gusto daw nila akong mag enjoy muna. Syempre hindi na ako tatanggi doon, parang pahinga na rin yon para sa akin.

Kasasara ko lang sa laptop at nakita ko si Ion sa harap ko at nagsecellphone.

"Hoy Benigno!" Pagtawag ko sa kanya. Nabigla siya sa boses ko at hindi ko maiwasang wag matawa.

"Yes Babe?" Mahinang sagot niya at naka ngiti pa. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ano na?" Tanong ko.

"Ano na?" Pagulit niya sa tanong ko.

"Wala tayong gagawin sa birthday ko?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede ba yun? Syempre hindi! Ipagluluto kita mamaya." Sabi niya at kumindat pa sa akin.

"Wow! Ano lulutuin mo?" Masayang saad ko.

"Syempre, Payless Pancit Canton with sunny side up egg!" Pagmamayabang niya.

"Siraulo! Matutulog nalang ako kung yan lang ang kakainin natin sa kaarawan ko." Sabi ko at tumayo at binitbit ang laptop ko.

Aakyat nalang ako sa kwarto at mag nenetflix doon. Wala naman na pala akong gagawin eh, kaya manonood nalang ako ng TV.

"Baby.." Biglang sigaw ni Ion mula sa labas.

"O?!" Sabi ko para marinig niya ang boses ko.

Pumasok siya sa kwarto, lumapit at tumabi siya sa akin. "Dito ka lang? Hindi ka baba?" Tanong niya sa akin.

"Bakit? Eh Pancit Canton lang namanpala ang ipapakain mo sa akin eh!" sabi ko.

"Haha, gusto mo dagdagan natin ng tocino Babe para mas masarap. Yung sinama lahat ng mga paborito mo." Magalak na saad niya sa akin.

"Che! Matutulog nalang muna ako! Gisingin mo nalang ako kung may nagpadala sa atin ng pagkain dito. Aasa nalang ako sa mga regalo ng mga tao." Sabi ko at natawa naman siya.

"O sige, dito ka lang ha? Mag woworkout nalang muna ako doon sa baba." Sabi niya at hinalikan niya ang noo ko. kumuha siya ng masusuot niya at dinala niya sa baba. Saan yun magbibihis? May banyo naman dito ah, bakit doon niya pa isusuot yun? Ay ewan ko sa kanya.

Alas kwarto pa lang naman kaya nanonood nalang muna ako ng TV. Nag hanap ako sa Netflix ng mga documentary o life story para mas maaliw din ako.

Alas sais na ng gabi at biglang pumasok si Erna. "Ate, may nakita ako'ng damit doon sa closet mo, hindi ako sure kung nasuot mo na ito. I sukat mo nga kung kasya pa ito." Biglang sabi niya. Nagtaka naman ako, bakit siya nagpapasukat ng damit sa akin.

"Magsusukat talaga ako?" nagtatakang tanong ko.

"Oo 'Te, para kung hindi na kasya, akin na lang. Saying maganda pa naman ito. Dress! Its so nakakagirl Ate oh!" Sabi niya at pinakita niya sa akin. Isang pink pastel na body fit. Oo nga, maganda.

"Amin na nga yan!" Sabi ko at hinablot ko. Agad ko'ng sinukat at tumingin sa salamin. Maganda. Pero hindi ko naman yata naaalalang bumili ako ng ganitong damit. Kailan ko ba 'to binili at saan?

"Ay kasya pa pala Ate!" dismayang saad ni Erna.

Sinabunutan ko siya "At talagang balak mo'ng kunin ito?!" sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

Lumabas ako kasi gusto ko'ng makita ni Ion ang damit ko.

"Baaaabe!" Sigaw ko para marinig niya ako. Pag dating ko sa may hagdanan, may naamoy ako'ng mabango. Sino nagluluto?!

There You'll BeWhere stories live. Discover now