Chapter 10

216 24 1
                                    

Grammatical Error's Ahead!

______________________________________

Audrey's POV:

"Nasaan na ba kasi yun?!" I said to myself, kanina pa ako nandito sa parking lot nagi-ikot-ikot para mahanap si Liam

Halos lahat ng nadadaanan kong kotse dito ang gaganda, ang kikintab at ang a-angas! itsura palang pangmayaman na. Maski malaki at malawak ang parking lot ng Seo Academy ay napupuno parin ito, sa dami ba namang mayayamang estudyante dito eh

Binagalan ko muna ang lakad ko at luminga linga, nagba bakasakaling makita siya.

5 minutes later*

"Aughhh" mahinang ungol ko, sumasakit na ang mga paa ko huhu. huminto muna ako sa isang gilid ng kotse ng ako'y mapagod at doon nag pahinga

'Nakakainis yung lalaking yun hah, baka naman hindi na niya sinunod yung usapan namin! Dapat pala hindi kona tinanggihan si Ethan at sumama nalang sa kanila edi sana masaya at busog pa ako hindi yung nandito ako napapagod kakahanap sa lalaking pogi na yun!'

TT^TT

Sumuko na ako sa pag hahanap sa kanya at napag desisyonan kong umuwi na lamang. Ako nalang nga gagawa ng project namin hayss...

Aalis na sana ako ngunit napahinto ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng kotseng hinahawakan ko

-_________-

'Puvtek muntik pa akong matamaan!'

Nakatingin ako sa ngayong nakabukas na pintuan at hinahantay na may lumabas

"heyyy pumasok kana kaya" may nag salita sa loob ng kotse! boses lalaki at parang pamilyar saakin, teka sino ba kinakausap neto? Imposible namang ako ang tinutukoy nun, nag kabit-balikat nalang ako, siguro may kausap sa cellphone

Napatigil ako ng bumukas ang kabilang pintuan ng kotse at nagulat ng iniluwal nito si Liam!

halata ang pag kairita at pagkabagot sa kanyang mukha "bakit ang tagal mo"

Nag pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa kotse nya, so kanina pa pala siya nandito?!!! Siyang nakaupo doon naka aircon pa habang ako kanina pa paiko ikot sa parking lot para lang makita siya

Sinamaan ko siya ng tingin " ikaw pa talaga ang may ganang magalittt! paano kita makikita kung hindi ko alam kung nasaang parte ka ng parking lot. Tapos, sa tingin mo ba makikita kita kung nasa loob kapala ng sasakyan moooo!! Ni 'hindi ko nga alam kung ano ang kotse mo eh!!!" sunod sunod na reklamo ko

(;`O´)o

he just smirked at me "Tsss...hindi ka naman nagtanong saakin diba?" Mapang inis pang sabi nito, habang  ako naman ay halos sumabog na sa inis

"wala ka bang balak pumasok?" dagdag niya

Inirapan ko nalang siya at pumasok nalang sa back seat, hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi niya, dahil kung pinatulan ko pa ay baka makurot ko pa ang singit niya dahil sa inis! Pasalamat talaga siya type ko siya

Tahimik lang akong nakaupo sa back seat at dinadama ang lamig ng aircon maya maya ay tumingin ako sa bintana, nagtaka ako ng nakitang patungo siya saakin at binuksan niya ang pintuan "huwag ka diyan, doon ka umupo sa harap para naman hindi ako magmukhang driver mo" sabi niya, i look at him 'seriously?!'.

'Ampupu hindi lang pala mapang-inis at masungit itong lalaking toh maarte din pala!' sabi ko sa isip ko, inirapan ko ulit siya at sinamaan ng tingin bago lumabas at pumunta sa passenger's seat, siya naman ay umupo na sa driver seat

Tahimik lang kaming dalawa sa byahe, siya ay seryosong nagmamaneho habang ako naman ay nakatingin lang sa bintana, wala akong kaid-idea kung saan kami gagawa ng project namin

❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎

Hope you like it! sorry po kung maiksi lang at ngayon lang nakapag update si author✌︎✌︎✌︎

Don't forget to like & comment❀

Falling In Love With A Playboy (Academia Series #1) ON HOLDOnde histórias criam vida. Descubra agora