THE GIRL WHO CAN TRAVEL BACK IN TIME

3 0 0
                                    

"Lola! Lola! Who's door po yung nasa taas na may picture?" Bulalas na tanong ng apong kong si Andrea.

"Alin doon? Yung kaharap ba ng aking kwarto?" She nodded.

"Wanna hear a story?" Turan ko at itinabi ang sinusulsi kong damit.

"Yes! Yes! I want to, Lola!" Tumatalon talon na turan nito. Kinuha nito ang maliit niyang upuan at umupo malapit sa paanan ko.

Natawa na lamang ako sa kanya.

"May magkaibigan na simula pagkabata magkasangga na sila sa lahat ng problema, lahat ng sikreto ng isa't isa ay alam nila," panimula ko.

"I want to have that kind of friend Lola," bulong ni Andrea. Binigyan ko siya ng ngiti at nagpatuloy sa pagkukwento.

"William! William!" Sigaw ko mula sa aming bakuran ng makita ko si William papalabas sa bahay nila.

"Bakit Michelle? At bakit umiiyak ka?" Turan nito at lumapit sa akin. Tinuro ko sa kanya ang picture frame na nasa baba.

"Nabasag na naman?" May pagbibirong turan nito.

"Hindi ko naman sinasadya eh, pero ibang picture yan. Mama and Papa's wedding picture," Mahinang bulong ko.

"Ow, bakit kasi napakakulit mo? Tiyak papagalitan ka na naman nina Tita!" May pag-aalalang turan nito.

"H-hindi ko naman sinasadya eh, huhu," nagsimula na akong umiyak at takot na tumingin sa kanya.

"Don't worry, mighty William will fix this, okay?" Tumango tango ako at pinunasan ang mga luha ko. "Wait!" Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko at hinarap sa mukha niya.

"May sugat ka! Tapos sa halip na hugasan mo pinabayaan mo at inuna 'tong picture frame?" May galit na turan nito.

"Hindi ko naman alam na nasugat," bulong ko.

"Aish!! Halika! Gamutin natin yan," turan niya at hinila ako papasok sa bahay.

Bata pa man kami, siya na ang sumasalo sa akin. Hindi niya ako pinapabayaan. He's sweet and caring. That's why I love him.

He's not just my childhood friend but also he's my lover.

"Mahal, ang sama ng pakiramdam ko," turan ko habang nakaupo kami ni William sa rooftop ng bahay namin.

"You should take a rest, baby. Let's go," bulong nito at hinalikan ang noo ko.

Maaga akong nagising dahil sa labis na pagsakit ng aking ulo. Tila may isang tanong na pilit nagsusumiksik sa isip ko,

"Saang panahon mo gustong pumunta?"

Habang papalapit sa pinto ay iniisip ko kung anong panahon ang nais kong puntahan. Bubuksan ko sana ang pinto ng kwarto nila Mama ng marinig ko silang nag-uusap.

"Mahal na mahal kita. Naalala mo ba ang panahon na ikinasal tayo?" I giggled ng marinig ito mula sa papa ko.

"Gusto kong pumunta sa panahon na nagmamahalan ang mga magulang ko sila hihi," bulong ko at agad na binuksan ang pinto ng kwarto nila mama.

Subalit sa halip na kama ang bumungad sa akin, isang maingay na palengke. Nilibot ko ang aking tingin at sa halip na takot ang maramdaman ko at nakaramdam ako ng labis na pagkasabik!

Puno ng pagtataka ang tingin na ipinupukol sa akin ng tao.

"Sino siya? At bakit ganyan ang kaniyang kausotan?" Napatingin ako sa damit ko at napakamot sa ulo.

Nakasuot lamang ako ng sando shirts at pajama habang nakasuot ng bunny slippers. Sa halip na pansinin sila ay nilibot ko pa ang tingin ko nagbabakasaling malaman kung anong panahon ito.

ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now