THE GIRL WHO CAN TRAVEL BACK IN TIME (2)

2 0 0
                                    

WILLIAM'S POV,

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mata ko. Napangiti ako ng maalala ang nangyari sa amin ni Michelle kagabi. Napawi ang ngiti ko ng hindi makita ang babaeng mahal ko sa higaan.

"Mahal? Michelle?" Napabalikwas ako ng bangon at hinanap siya sa bawat sulok ng bahay.

"Michelle!" Napasigaw na ako ng hindi siya makita sa loob ng bahay.

Tumakbo ako palabas at doon nagtanong tanong.

"Nakita niyo ba ang aking esposa na si Michelle?" Tanong ko sa babaeng dumaan. Dito sa sinaunang panahon, kilala kami ni Michelle bilang mag-asawang dayuhan sapagkat sa kulay naming hindi kayumanggi, kundi puti.

"Ginoo, hindi ko nakita ang iyong esposa. Kung hindi mo mamasamain ay  mauna na ako sa iyo, sapagkat ako'y nagmamadali," ginawaran ako nito ng makahulugang ngiti.

"Ganoon ba? Sige sige," nahihiyang turan ko.

Ginugol ko sa pagtatanong ang buong maghapon, subalit wala akong nakitang Michelle.

Umuwi akong pagod at tila hindi alam ang gagawin.

"Mahal, nasaan ka na ba?" Bulong ko.

Napatingin ako sa pintong nasa harapan ko, dito ang lagusan kung saan kami nakakabalik sa totoong mundo, sa kasalukuyan.

Tumayo ako at sinubukan itong buksan subalit isang normal na pinto lamang ito. Hindi ko siya masusundan sa kasalukuyan. Iniwan ako ng aking mahal sa panahon na wala siya. Nais kong manatili rito na kasama siya.

Lumipas ang mga araw, at umabot ng buwan. Hindi na niya ako binalikan.

"Bakit mo ako iniwan mahal ko?" Tanong ko sa hangin. "Inilayo ka na ba ng magulang mo sa akin? Hindi na ba kita ulit mahahagkan?" Tanong ko sa sarili ko.

Araw-araw akong palaboy-laboy sa kalsada, sinusubukan siyang limutin, sinusubukan siyang puntahan sa panahon na makakasama ko siya.

Napadaan ako sa grupo ng mga kalalakihan na may pinagsasamantalahang babae.

"Ano ang inyong ginagawa mga ginoo?!" Sigaw ko.

"Huwag kang makikialam dito, dayuhan ka, wala kang karapatan na pigilan kami sa nais namin," bigla nitong hinarap sa akin ang isang patalim. Napaatras ako, subalit nasilip ko ang mukha ng babae.

"M-michelle?" Kamukha niya ang aking mahal!

"Asawa ko ang nilalapastangan niyo! Nais niyo bang malagot sa batas?!" Sigaw ko dito na bakas ang gulat sa kanilang mukha.

"Ipagpaumanhin mo, ginoo. Hindi ko alam na siya'y iyong asawa," yumuko ito at tumakbo palayo. Dinaluhan ko ang babae at inayos ang damit nito.

"Ayos ka lang ba?" Nahihiya itong tumango at nag-iwas ng tingin.

"M-maraming salamat, ginoo," Mahinang turan niya.

"William na lamang," turan ko at tinulungan siyang makatayo. Subalit hindi pa man siya nakakatayo ay may naramdaman akong malakas na suntok.

"Ama!" Bulalas ng babae.

"Walanghiya ka! Nilapastangan mo ang aking anak! Kailangan mo siyang pakasalan!" Tila isang kidlat ang tumama sa akin.

"Wala akong ginawa sa kanya. Hindi ko siya maaring pakasalan!" Turan ko sa matandang lalaki. "Binibini, nais mong ipaliwanag sa kanya na wala akong ginawa sa iyo," baling ko sa babae. Subalit mas ikinagulat ko ang tugon niya.

"Ama, ginahasa niya ako," napatanga na lamang ako.

Hindi ko na alam ang mga sunod na pangyayari. Nagising na lamang ako sa isang silid na kasama ang babaeng tinulungan ko lamang, nagising akong kasal na sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now