Pretty Scary

44 5 0
                                    

Author: @Lisztomaniaaaaa
Title: Pretty Scary
Genre: Fantasy/Romance
Status: On going

Author: @LisztomaniaaaaaTitle: Pretty ScaryGenre: Fantasy/RomanceStatus: On going

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prologue:
Habang ako'y nanghihina, sugatan at hindi makatayo sa kinaroroonan...Nakita ko.. Si Amber na puno ng galit at naging pula na ang kanyang mga mata habang kinakalaban si Alpheus.

Pero maya maya... bigla siyang nagliyab na kulay berde. Kagagawan ito ni Alpheus! Gumawa siya ng spell na mapapasunog niya si Amber!

Sisigaw na sana ako ng makita ko ang reaksyon ni Alpheus.. Tila ba'y nagtataka rin ito kung bakit nagaapoy si Amber.

Tinignan ko naman si Amber nagbabakasakaling alam niya ang nangyayari at kung nasusunog na ang kanyang katawan pero siya mismo ay nagtataka rin.

"Anong ginawa mo?!" sigaw ni Amber kay Alpheus.

"Hindi ko 'yan gawa! Berde iyan at pula ang akin!" sigaw naman pabalik ni Alpheus. "O baka naman... isa 'yan sa mga plano mo para matalo mo ako!" sigaw niya habang inatake niya si Amber gamit ang isang spell.

Pero inatake rin ito ni Amber. Hindi ito tulad ng mga ginawa niyang pagsugod kay Alpheus kanina... Napahiga na ito na medyo napakalayo na rin kay Amber sa Napakalakas ng ginawang pag atake ni Amber.

Nang makaupo si Alpheus, nakita kong dumudugo na ang kaliwang braso niya at ang kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Si Amber naman ay gulat rin sa kanyang nagawa.

"A-anong ginawa mo sa maganda kong mukha!!" sigaw ni Alpheus habang hawak ang kanyang mukha na may madaming dugo. "Pinaghirapan kong alagaan ito tapos sisirain mo lang!"

"Ano 'to..." wika ni Amber habang nakatingin sa kanyang mga kamay.

"Huwag kana magpanggap! Alam mo ang nangyayari! Pinagplanuhan mo ito!" sigaw muli ni Alpheus.

May bigla akong naalala... Ang ina ni Amber ay hindi basta bastang bampira dahil anak ito ng may kahalong ibang uri pero hindi ito nasabi ng kanyang ina. Maaaring mayroon ding ibang kapangyarihan ang ina ni Amber at maaaring ang nangyayari ngayon sa kanya ay galing sa kanyang kapangyarihan! Hindi ito gawa ni Alpheus dahil tama nga na pulang spells lang ang kaya niyang ilabas

"A-amber!" sinubukan kong sumigaw para agawin ang kanyang atensiyon at mabasa ang aking isip.

Tumingin siya sa kinaroroonan ko at nakita kong nababasa niya na ang aking naiisip. Nagulat siya at napatingin sa akin na para bang nagtataka kaya sabi ko ulit sa aking isipan ay sugurin niya lang si Alpheus para matigil na ang lahat gamit ang kanyang hindi pa nalalaman na kapangyarihan.

Mukhang nakuha niya na ito at sinugod si Alpheus ng walang katapusan hanggang sa bigla itong nahulog at naglaho. Makikita mo na makapangyarihan ang mga atake ni Amber kaysa sa mga atake ni Alpheus kahit na si Alpheus ay isa sa mga pinakamakapangyarihan.

Amber is Pretty but Scary

Pagkatapos maglaho ng katawan ni Alpheus ay papalapit si Amber sa akin pero bago pa man niya ako mahawakan bigla siyang nawalan ng malay pero may ginawa siya sa kanyang kapangyarihan na nagpagaling sa aking mga sugat at unti unti akong nagkaroon ng lakas.

Sinubukan ko agad na tumayo at lumapit kay Amber.

"Amber! Wake up! Anong nang-" napatigil ako ng may makita akong umiilaw malapit sa kanyang kamay. Nang tignan ko ito may isang letra na nakasulat... "W".

Bigla itong nawala at nung hinanap ko sa ibang parte ng kanyang kamay, wala na talaga ito. Ano kaya yun? Ano ang ibig sabihin ng W?

—————

Please read het story thank you.

𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 [𝗣𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀]Where stories live. Discover now