KABANATA 2 - STRAWBERRY JAM

7.3K 304 15
                                    

"Aray!" galit na pakli niya nang may sumagi sa kaniyang balikat. Malakas iyon. Mabuti at 'di nalaglag ang mga dala niyang prutas kundi ipapakain niya lahat sa nakabangga sa kaniya.

"I'm sorry."

Nagtagpo ang kaniyang kilay nang dumapo ang kaniyang mata sa suot nitong boots ng pang-magsasaka. Hindi siya sumagot. Baka pag nagdakdak siya rito sa loob ng farm, may magsumbong pa sa team leader nila. Napailing siya sa isiping iyon lalo na at may mga kasama rin siyang sipsip sa kanilang manager. Gustong pumapel. Samantalang ang gusto lang naman niya, magtrabaho sa ibang bansa para sa kinabukasan ng pamilya.

"Miss!"

Nagpatuloy siya sa paghakbang. Alam niyang kasamahan lang nila ito sa farm at wala siyang balak makipag-usap sa kasama nilang mga Filipino. Sakit sa ulo lang ang mga lalaki.

"Miss, hey!"

Nakakunot ang noong binalingan niya ito.

"Phone mo."

Tumaas ang kaniyang kilay nang makitang hawak-hawak nga nito ang kaniyang cellphone. Sandali niyang binaba ang bitbit na basket sa kaniyang paanan. Imbes na pasalamatan ito, walang salitang na kinuha niya sa kamay nito ang kaniyang phone sa lalaking banyaga at naligaw yata sa Hokkaido. Agad niyang isinilid sa bulsa iyon at muling binitbit ang basket na puno ng pinag-harvest niya.

"They're right. Suplada ka."

Narinig niyang pahabol nito pero pinagkibit niya lang iyon ng balikat. Deritso niyang nilagay sa tabi ng nakaparadang truck ang mga nakuha niya. Sanay na siyang magbuhat ng mabibigat at lumalaki na rin ang kaniyang braso.

"Maria!"

"Ano?"

"Ay snob agad? Maldita ka talaga, 'te. May tsimis akong maganda sa 'yo! Kikiligin ka 'pag maririnig mo 'tong sasabihin ko!"

Nag-ikot siya ng mata at 'di pinansin ang pagdadaldal ng kaibigan. Hinarap lang niya ang kaniyang dalang mga strawberries at inayos sa nakahimpil na truck.

"Last time na kinilig ako, namatay 'yong taong 'yon."

Napa-sign of the cross ito nang wala sa oras. "Susme ka naman Maria! Ang dry ng lovelife mo. Wala ka na ba talagang kilig sa katawan na natira?"

Tinatamad lang niya itong sinulyapan at tumango. Napabusangot na lang ito sa naging sagot niya at kandahaba ang ngusong sumunod sa kaniya. Nagdadabog pa ito kung bakit wala siyang ka-amor sa katawan pagdating sa usapang pag-ibig sa lalaki.

Usapang pag-ibig? Pagdating sa ibang bansa, usapang paanong mabuhay at kumita ng pera lang ang laman ng tao. Karamihan sa mga tao na tulad niyang OFW, sini-set aside ang paksang pag-ibig. Ang nasa kaniya lang ngayon, pagmamahal sa pamilya.

Napangiti siya nang maabot nila ang quota sa araw na iyon. Makakapagpahinga siya ng maayos kapag ito ang usapan. Masyado siyang focus sa trabaho kaya kahit gaano kahirap ang quota nila, naabot nila iyon. Bawal sa Japan ang tatamad-tamad na worker. Ginto ang oras para sa mga Haponista.

Nang makitang tapos na ang lahat para sa araw na iyon, nagmamadali na siyang nagtungo sa quarter nilang mga workers. Gusto niya nang matulog sandali at tatawag pa siya sa kaniyang pamilya sa Pinas. Nakakapagod ang 10 hours a day pero sulit ang sahod kada buwan kaya pwedeng-pwede na para sa mga taong tulad niyang gustong umasenso ang pamilya.

Matapos siyang mag-half bath, agad siyang humiga sa kama na suot lang ay makapal na pantulog. Tinapay at jam lang ang kaniyang kakainin mamayang hapunan.

Anyong ipipikit pa lang niya ang kaniyang mata nang narinig niya ang tilian at hagikhikan nang mga kasama niya sa staff house. Naiinis na naglagay siya ng unan sa kaniyang mukha para hindi marinig ang hagikhikan ng mga ito na parang teenager na kinikilig.

"Ang gwapo niya Judith!"

"Sabi ko sa 'yo, 'di ba? Hihi."

Kahit nakadiin na ang unan sa kaniyang teynga at mukha, dinig na dinig pa rin niya ang boses ng mga kasama niyang naghaharutan.

"Isa kaya siyang Filipino? Mukha siyang foreigner."

"Mukha siyang future husband ko!" malanding sagot ng kaniyang kaibigan.

"Mukha rin siyang maging tatay ng mga anak ko. Yiiehhh!"

Sabay na nagsitilian ang mga ito na tamang-tama lang na 'di marinig sa kabilang mundo. Agad naglinya ang kaniyang kilay at tinanggal ang unan. Deritso siyang bumangon at sinamaan ng tingin ang mga ito na ngayon ay nasa balcony at halatang may sinisilip sa kabilang staff house. Two storey ang mga staff houses na nando'n at may mataas na pader na pagitan ang staff house ng babae sa lalaki. Tamang-tama lang na hindi makakapuslit ang mga kasamahan nilang lalaki para makipagkwentuhan sa mga babaeng workers.

"Iyang mga kalandian niyo ang siyang magpapahamak sa inyo, alam niyo ba 'yon?"

Nagulat ang mga ito sa kaniyang sinabi pero si Judith lang ang mabilis na lumapit sa kaniya. Habang ang iba niyang kasamahan ay tinaasan lang siya ng kilay at hindi siya pinansin. Patuloy ang mga ito sa pag-swooning na parang mga batang hindi naka-get over sa crush nung elementary.

"Maria! 'Yong gwapong crush ko, nasa ibaba sila nakatira. Susme Maria! Ito na yata 'yong sinasabi nilang gumawa ng way ang universe para mapalapit siya sa 'kin."

Hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. Naglinya pa rin ang kaniyang kilay na nakatingin sa kaibigan. "Gusto mo ba matulad sa kasamahan natin dati?"

Agad naman itong napaismid at napahalukipkip sa kaniyang sinabi. May dati silang kasamahan na tinanggal sa trabaho dahil nakitang nakipaglandian sa kapwa nila Filipino. Nahuli ng kanilang Superior nang dalawang beses at tinalsik. Isa sa rules ng company, mahigpit na pinagbabawal ang magkaroon ng ugnayan ang babae at lalaki. Trabaho ang dapat asikasuhin at hindi pakikipagrelasyon.

"Alam mo, ang killjoy mo talaga. Crush lang naman kasi 'yon. Hindi naman ako bibigay ng 'Ooʼ kapag niligawan niya ako." Muli itong humagikhik.

Tiningnan lang niya ito ng masama at hinayaan ito. Hindi siya nagkulang sa parangal dito at kung mapapauwi ito sa kaka-crush sa kapwa workers nila, problema na ni Judith iyon. Huwag lang itong iiyak-iiyak sa kaniya kapag nasaktan.

Bumalik siya sa pagkakahiga at muling tinakpan ang mukha ng unan. Pinilit niyang 'wag pansinin ang ingay ng mga ito. Nakatulog siya kahit papaano at nang magising siya, tahimik na ang paligid. Nagtaka siya nang makitang siya na lamang ang mag-isa sa loob ng room nila.

Nakakunot ang kaniyang noo na tinungo niya ang terasa at nag-ikot ng noo nang makitang nasa baba ang mga ito at may kaniya-kaniyang katawag sa cellphone. Ang iba ay masayang nagki-kwentuhan sa kapwa Pinay.

Siguro, ayaw ng mga ito na madisturbo siya sa kaniyang pagtulog dahil masama ang kaniyang ugali ayon kay Judith. Totoo naman, hindi niya iyon ikakaila ang bagay na iyon.

Muli siyang pumasok sa loob pero bago iyon, napasulyap siya sa kaharap ng staff house nang tawagin ni Fidel ang kaniyang pangalan. Kasama nila itong fruit picker pero sa ibang prutas ito na-assign. Mabilis itong kumaway sa kaniya at ang lawak ng ngiti na binigay. Napansin niyang may bagong kasamahan ang mga ito at mukhang foreigner. Sandali siyang nag-isip, ito siguro ang pinag-aagawan ng kaniyang mga kasamahan at crush ni Judith. Kung hindi siya nagkakamli, ito 'yong lalaking bumangga sa kaniya kanina.

"Marie kumain ka na ba?"

Tiningnan lang niya ito. Hindi kay Fidel ang ang kaniyang paningin kundi sa lalaking gusto ni Judith. Nasa likuran ito ng lalaki at nakatingin sa kaniya. Pinag-aralan niya ang kabuuan nito kung ilan baldeng luha ang masasayang ni Judith dahil dito.

"Marie ang ganda-ganda mo talaga! Para kang kapatid ko!"

Walang reaksyon pa rin ang nakuhang sagot sa kaniya. Ilang segundo niyang tiningnan ang lalaking pinagkaguluhan ng mga kasama niya at saka binawi ang tingin na parang walang nangyari. Agad siyang tumalikod at sinara ang pintuan.

"Ang snob mo talaga sa 'kin, Marie!" sigaw ni Fidel.

Nagkibit siya ng balikat sa narinig. Hinayaan niya ito kung ano ang iisipin laban sa kaniya. Agad niyang tinungo ang lagayan ng mga pagkain. Tinatamad siyang nagtimpla ng gatas at naghanda ng tinapay na may strawberry jam sa gitna. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang Messenger sa kaniyang cellphone. Tatawag siya sa Pinas habang maaga pa.

DOMINANT 8 : Indestructible (Completed) Gallagher SvenssonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon