SCYSF 12: Connections connections.

128 5 4
                                    

-Kian's POV-

"Hoy Kian, ano na naman yang iniisip mo?." puna ni Andrei. pero hindi ko siya pinansin.

~flashback~

"Good Afternoon." sabi ko in a cool way, kahit na kanina pa kaming umaga naghihintay na ma-interview, hapon na pero di pa rin, nakakabagot kaya. bakit ba kase ang dame nag eenroll sa university na toh. Umupo na ko kaagad kahit di niya pa sinasabi, mukhang bata pa ang may ari ng school na toh ah.

"Sinabi ko bang umupo ka na.?" inis niyang sabi, sabihin na natin wala akong modo eh ayoko kase ang nakatayo lalo na sa harap ng nakaupo.

"Ang taray mo." mahinahon kong sabi, at di siya tumitingin saken kase tinitingnan niya yung application form ko.

"I supposed too." sagot niya at tumingin siya saken.

"I-ikaw? You?" ako/siya, at sabay pa kame napatayo, di ko inasahan na dito kami magkikita ulit after 2 years, I mean 2 weeks, parang kase ang tagal bago ko ulit siya nakita.

"What are you doing here?." tanong niya at sinamaan pa ko ng tingin, bakit ba ang sungit niya? Wala naman akong ginagawa, paano pa kaya kapag may ginawa na ko.

"Mag eenroll syempre.!" sarkastiko kong sabi. Tanga ba siya alangan namang nagbibisita ako dito. Maganda sana tanga lang.

"Wait? magkakilala kayo?." singit nung babaeng kasama niya. Nilingon ko yung nagsalita.

"Ania?." God! Magkaibigan sila ni nitong Jia na toh, eto ba yung sinasabi niyang bestfriend niya. Haist. Bakit ba ang liit ng mundo.!

"Teka, teka,? magkakilala ba kayo huh Ania?." tanong niya kay Ania na parang may halong pagbabanta. Ganito ba sila mag usap? Titigan lang. Ilang minuto rin bago nakarecover si Ania.

"Yes! I know Him." sagot naman ni Ania, tapos tiningnan na naman siya ni Jia na parang gusto niyang alamin lahat.,"Ofcourse I know Him, we're friends and we met in California when I was there." Sagot ulit ni Ania. Wait, friends eh magpinsan kami. What the!? Bakit di niya sinabi yung totoo.

"Unbelievable." sabi ni Jia. Tss, siya pa tong di naniwala. "I think we have to talk later Ania." sabi ulit niya at umupo na.

"Can we start? naiinip na ko at tsaka nasa labas mga kaibigan ko na suppose to be mag-eenroll din dito sa university mo!" litanya ko, eh kase naman hindi nalang ako interview-hin para matapos na.

"Eh di papasukin mo sila.!" Sabi niya at tinaasan pa ako ng kilay. Aba! Tss. Ang taray talaga niya. Tumayo ako at lumabas para tawagin sina Andrei, Renz, at Steph. Naiinis na rin kase akong makipag usap sakanya. Pagkatawag ko , pumasok agad kame.

"YOU?." Biglang sabi ni Ania sabay turo kay Renz. Aba! Kailan ba sila naging magkakilala, di nagsasabi tong pinsan ko.

"Pwede ba Ania stop...." putol ni Jia sa sinasabi ni Ania lagi nalang niyang binabara tong bestfriend niya di ko naisip na may kaibigan siyang ganito.. tumingin siya sa mga kasama ko.

" K-Kuya Andrei? and YOU?." At kilala niya si Andrei, at teka teka, pati si Renz.? Bakit niya tinawag na kuya si Andrei, may hindi ba ko nalalaman dito, gulong gulo na ko ah.

"Reunion." sabi ni Andrei at tumingin kay Jia. "magkakakilala na pala kayo, and you Jia, bakit di mo naman pinaalam saken?."

"Wait, wait! teka, wag mong sabihin na kaibigan mo sila kuya Andy?. may kaibigan kang mapresko at antipatiko.?." Aba! Mapresko ako?, tumingin pa talaga siya saken, nang iinsulto ba siya.?

"Oh gosh I can't help it! excuse me." sabi ni Ania na akmang lalabas.

"Subukan mong lumabas Ania, kalimutan mo ng kaibigan kita.!" pagbabanta ni Jia kay Ania. Di ko kayang ganito ugali ng kaibigan ko, haay Ania, bakit ka ba pumayag maging kaibigan tong babaeng toh, na ang hirap spellingin.

"sabi ko nga mananatili ako." sabi ni Ania at umupo nalang sa may couch.

"Hindi ikaw ang pinunta namin dito Jia, nandito kame para mag enroll." sabi ko, naiirita na kase ako eh, naiinis na.

"WHATEVER.!" She rolled her eyes at sinamaan na naman ako ng tingin.

"Wag ka ngang magmasungit dahil di yan tatabla saken. baka ikaw pa mismo sumuko." sabi ko at umupo sa upuan malapit sa may desk niya.

Hindi na siya sumagot sa halip ininterview na lang ako. Hinayaan ko lang siya na magtanong na base sa application form. Ngayon ko lang siya natitigan, ang ganda pala ng mukha niya, makinis, siguro nahiya lahat ng pimples na lumabas sa mukha niya, matangos ang ilong niya at kissable pa ang mga labi niya.

whaaa. ano ba Kian, bakit mo siya tinititigan?.

---------

Natapos na din yung interview, ngayon oras ng mangompronta. Pauwe na sana kame pero niyaya ko sila mag bar muna, di naman sila tumanggi.

*@Renzos Bar (pag aari ni Renz, obvious na obvious naman sa pangalan palang alam mo na kung sino may ari eh.)

"Bigla ka yatang nagyaya, anong meron? Siya ba yung Jia mo huh?" Sabi ni Renz sabay tumawa. Nasa private room kame para makapag usap ng maayos.

Sa halip na sagutin ko tanong niya hinarap ko si Andrei.

"Bakit hindi mo sinabing kilala mo si Jia.?" Mahinahon kong tanong.

"Hindi ka naman nagtatanong ah, malay ko bang gusto mo siyang makilala." Sagot niya at nagsimula ng uminom. Kase naman di ko naman inaasahan na napakaliit ng mundo namin at magkakaugnay ang mga taong kilala namin, una si kuya Noah, ngayon naman si Andrei at si Ania.?

"Oo nga naman, di ka nga naman nagtanong kung kilala siya ni Andrei, you know what Kian, may gusto ka yata sa Jia na yun e." Tuloy tuloy na sabi ni Steph. Hindi ko siya gusto, mali lang kase talaga ang paraan ng pagkakakilala namin.

"Oo nga pre, haay, ewan ko sayo di kita maintindihan." Sabi ni Renz.

"Ikaw Renz bakit di mo sinabi saken na kilala mo si Jia at ang pinsan ko.?" mukha siyang nabigla sa sinabi ko

"teka, p-pinsan mo yun?." ayy tanga magtatanong pa eh sinabi ko na nga na pinsan ko si Ania. sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa kakamadali ko nabangga ko siya sa mall, nung pinagmamadali mo ko, kasalanan ko pa ngayon na nakilala ko siya, sinungitan nga ako eh." paliwanag niya.

"eh bakit hindi mo sinabi saken.?" sabi ko at kinuha ang isang bote ng san mig light.

"haay, malay ko bang konektado kayong dalawa. haay naku Kian." napakamot nalang siya habang umiinom. si Steph nakikinig lang.

"Sa susunod naman kase magsabi ka Andrei, sinabi ko naman yung pangalan niya eh pero di mo pa rin sinabi kung kilala mo." sabi ko.

"maraming Jia sa mundo hindi lang siya kaya tinatanong namin kung anong apelyido kaso hindi mo alam. ano okay na.? may tanong ka pa?" sabi ni Andrei na nakakadalawang bote na ng san mig.

"haay ewan." tanging nasagot ko. nakakainis lang kase pinagkakaisahan ako.

~end of flashback~

"Kiaaaaaan." sigaw ni Andrei na kanina pa pala tinatawag pangalan ko. niyugyog pa niya balikat ko para matauhan ako.

"B-bakit? k-kanina ka pa jan?" utal kong tanong.

"Oo kanina pa, at kanina pa sana kita gustong sakalin. nakadrugs ka ba? ilang gramo ha? lutang na lutang ka eh."

*poookkkkkk

ayun binatukan ko, ako magdadrugs? no way!

"anong pinagsasabi mo? may naalala lang ako kaya wag kang ano.!" sabi ko at nilayasan siya sa garden, pumasok ako sa may sala at andun sina Renz at Steph sitting pretty nanonood, kahit kailan talaga tong mga toh. perwisyo.

"anyare dun?." narinig ko pang sabi nila habang paakyat ako sa kwarto, matutulog nalang ako.

---------------------------------------

That's my UD for tonight.

Salamat sa mga nagbabasa nito simula sa simula, hanggang sa pinakahuling UD, keep it up. Salamuch.

*nerdy

So Close Yet So FarWhere stories live. Discover now