Chapter 30: Promise

1K 57 9
                                    


Xaria's P. O. V.


     PARA akong naglalakbay sa dilim. Wala akong makita kung hindi kadiliman. Lumingon-lingon ako sa paligid ko.


          Para akong nasa kawalan.


"Tapos ka na bang maglibot?"



    My eyes widened at the voice. Agad na nagtayuan ang balahibo ko nang makita ko ang higanteng mga anino na may pulang mga mata.


      Katumbas ng isang buong gusali ang laki nila at pakiramdam ko kayang kaya nila akong pisain kung gugustuhin nila.


      They're not freaking shadows, this image is not a simple darkness.


   They're stygians.



"Sino kayo?" I keep my voice calmed as possible even I'm shaking on the inside.


     I feel like I'm being sorrounded by darkness. Lumilipad-lipad sila at tumatama at tumatagos lang sa akin. They're playing with me.



"Kami ang dapat magtanong....Sino ka?"



     Parang nagtaasan ang balahibo ko dahil sa narinig kong boses, katumbas ito ng daang boses na sabay sabay na nagsalita.



     Bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Doon ko nakita na parang nagliliwanag ang isa kong simbolo. Ang simbolo ng oras. The moment there's light appear in my chest, I saw the images of people in war and many corpse. It's in a battlefield.


I suddenly transported into battlefield!


"Hahatiin ko na ang mundo."


"Dilim at liwanag ay muling maglalaban. Sa pagsapit ng ikatlong pagikot ng buwan sa kalawakan, Isang sanggol ang dadalhin ng mga anino sa lupa, at siya ang kikitil sa lahat."


     Kumunot ang noo ko, pero nagulat ako nang biglang nakita ko ang sarili kong katawan na maraming dugo, ako ngayon ang nasa sentro ng digmaan at hindi ko kontrol ang katawan ko nang magsalita ako ng spell na sumakop sa mundo kasabay ng pader na kasing taas ng langit na kayang maghati sa mundo.


        Pero sa isang kisap mata, dinala na naman ako sa isang lugar, sa isang madilim na paligid kung nasaan ang lawa, nakatingin ako sa repleksyon ko sa tubig pero nagtaasan ang balahibo ko nang magsalita ang sarili kong repleksyon at gumalaw!


"Hindi ka dapat mabuhay, ibalik mo ang katawan ko!"










The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)Where stories live. Discover now