~Author's Note~

46 1 0
                                    

Dear reader,

Dude, (whether you're male or female, this is how I want to call you)

Kung binabasa mo na 'to, e isang napakalaking salamat ang binibigay ko sa 'yo dahil napagtagumpayan mong basahin yung unang one shot na yun (kung di ka nag-skip hehe) kahit ganun siya kawalang ganang basahin. HAHAHA tama ba 'ko? Maski kasi ako, nung nai-paste ko na 'yung kwento galing sa Word, dun kasi ako nag-encode habang vacant period ko sa school, e umabot pala ng 4K words ang naisulat ko!!! mantakin niyo yun?! ganun siya kahaba?! at least sa 'kin, mahaba siya. ewan ko sa ibang writers kung mahaba na sa kanila ang 4K words, pero sa 'kin, oo. Masyado na tuloy drag yung kwento, noh? nweiz...

Masyado ko kasing inenjoy yung pagsusulat don kasi parang gumagalaw yung characters sa loob ng utak ko habang nagta-type, nakaranas na ba kayo ng ganun? tapos, dahil gumagalaw nga sila sa utak ko, e maski ako ay napapatigil mag-type dahil napapa-eeeeeeeiihhh ako sa kilig, HAHAHA, na parang tinutukso ko ang dalawang characters na nagbabangayan sa loob ng utak ko. Grabeng fantasy e noh? makagawa nga ng ganyang kwento someday. XD

nagsimula kasi yun sa GM ng isa kong close friend (sa text at pm) na babae na single, eto yung GM:

That's one large cafe latte to go, would you like a boyfriend with that?

~Yes, please!

HAHAHA parang desperada na eh XD pati boypren ginawang freebie. So, ginawan ko nalang din ng kwento.

Nakuha niyo naman siguro yung plot ng special offer with that, right? sana naman, please. ewan ko kung na-sense niyo na una palang, na kinuntsaba na ni Tope yung crew ng Bo's para sa kalokohan niyang 'yon. Oy, A for eyffort din yun, ha. Kung ako man ang i-challenge na gawin yun ay kailangan ko ng sandamakmak na confidence at motivation kasama na ng nag-uumapaw na suporta ng lahat ng pwersa sa kalawakan para lamang mapasagot ang kung sino mang maswerteng babae na pag-eefortan ko ng ganun. Baka kasi magsibak nalang ako ng kahoy kesa gawin pa yun kung isa naman akong dakilang duwag. Tama! Magsisibak nalang ako ng kahoy, o aking irog! XD weh lang din. Pero marunong naman ako magsibak ng kahoy at mag-igib, so... yeah.

Now, let's talk about this book.

(book ba 'to? di ko alam eh, hehe)

UYAB ang ginamit ko sa title, una, kasi Waray-waray ako, taga-Tacloban. At pangalawa, kasi wala ako nun. Uhuh, wala akong kasintahan.

Most of my close friends consider me a love expert, lalo na yung mga masbata sa 'kin, which flatters me, of course, at nakailang unlitxt na rin ako para lang sagutin ang mga tanong nila tungkol sa mga uyab nila. Ba't daw gano'n, ba't daw gan'to, pa'nong gano'n, pano kung gan'to, anong gagawin sa gano'n, anong isasagot sa gan'to, kelan, saan, at sino. Gumagana naman an mga advice ko, nakakamangha din, pero syempre di rin natin maiiwasang may maghihiwayan din sa huli, buti't wala pa namang sumugod sa akin para sisihin ako sa break-up nila. Lagot talaga 'pag nagkataon.

Despite that, I can't consider myself an expert, though, kasi unang-una, hindi ko naman pinagdaanan lahat ng mga issue at situation na na-eencounter ko sa mga customer ko. At pangalawa, wala namang course sa college na BSLove at ABLove (magawan rin nga ng kwento yan someday XD), o kahit vocational na man lang na LoveTech (pati 'to XD) para mapag-aralan.

Siguro alam ko lang talaga ang kilos lalo na ng mga kabataan ngayon. Siguro kasi dahil, high school teacher ako, at binabarkada ko lang ang mga estudyante ko, minsan na rin akong naging college instructor sa mga estudyanteng halos kaedad ko lang, minsan na rin akong naging head ng student affairs kung saan lahat ng activities ay pare-parehong hindi namin 'to makakalimutan ang comments, at dahil kasalukuyan akong active youth leader sa simbahan.

Which emphasizes, na conservative ang collection na 'to. oww yeah. Kaya wag mag-expect ng too much kissing and bed scenes.

Isa pa, gusto ko ring ipamulat sa mga readers ang kahalagahan at kabuluhan ng tunay na panliligaw. Dahil kung tunay kang lalake, at tunay kang nagmamahal, hindi ka magdadalawang-isip pa na gawin ang lahat para lamang mapaibig ang babaeng gusto mong maging kasintahan.

Gaya ng sabi ko, dude, masmaswerte pa rin ang isang babae kapag ipinapadama sa kanya ng manliligaw na napakahalaga niya sa pamamagitan ng pagsuong sa mga matitinding pagsubok para lamang makasama siya.

Sabihin mo nang lawsi ang mga pinagsasabi ko dito, pero aminin man nati't sa hindi, sa masmahabang ligawan, mas-successful ang relasyon. At 'yan ay totoo pa rin hanggang ngayon.

Madali lang kasing iwanan sa tabi ang isang bagay na hindi mo naman pinaghirapang makuha, lalo na kung hindi mo naman talaga gusto, nagandahan ka lang.

Pinoy pa rin tayo, after all. Iba ang hubog ng katawan natin. Kaya hindi uso sa atin ang divorce, dahil may ligawan sa kultura natin, at hindi date-date lang.

nax. makatha lang e no? wapak! boogsh! engk.

Ambowring naman kasi kung makalumang ligawan ang ikikwento ko dito sa wattpad, kaya mga makabagong paraan ng simple, cool, at swabe, pero astig na styles ng panliligaw, ang inihain ko sa collection na 'to, para sa iba-ibang taste ng maraming readers na buhay at may puso.

nax ulit.

Hindi lang 'to para sa mga dude na lalake, girls may also take part on this collection. Kasi hindi naman manliligaw ang lalake, kung walang nililigawan na babae, so at least, alam niyo, girls, kung ano ang dapat gawin at iasal kapag napunta sa ganitong sitwasyon. Para quits lang tayo, ha?

Now, let's talk about how this collection works.

Bawat one shot ay binubuo ng limang bahagi, 5 sections to make this more useful, I.D., pre-wreck, todo, upayalanga, and quento. And they will work for you as follows:

I.D.

Dito nakasaad ang idea ng style ng panliligaw o pagpapasagot ang gagawin.

Quento

Dito ilalahad ang kwento bilang halimbawa sa style ng panliligaw o pagpapasagot na gagawin. Ang kwento ay maaaring POV ng lalake, ng babae, ng ibang tao, o ng third person.

Pre-wreck

Kung sakaling pumasa sa iyong kakayanan ang nabasang kwento, dito mo malalaman ang iilang prerequisites, gaya ng materials at preparations, ng gagawing panliligaw.

Todo

Kapag nakumpleto mo na ang prerequisites ay dito mo naman mababasa ang procedure ng gagawing panliligaw. Meron ding pointers, mga do's and don'ts, mga never or always, at ilang extra ingredients to spice up and make it more special.

Upayalanga

na ang ibigsabihin ay 'siguraduhin mo lang na' sa salitang Waray. Ang section na ito ang magbibigay sa 'yo ng mga warnings at caution signs. Maigi nang sundin ito para maiwasan ang fail and flop sa panliligaw.

Kung kinakailangan man, ay baka may additional section ang one shot, bukod na dito ang dedications, credits, at extra author notes, kaya hayaan nalang.

Ang bawat idea of the courting technique ay gawa-gawa ko lamang po at hindi ko po kelanman nais na mangopya ng obra ng ibang manunulat, unless I say so and cite the author of the idea.

Pero't ganon pa man, ay handa po akong tumanggap ng mga contributions para idagdag sa collection. i-pm niyo nalang po yung idea of the courting technique na naisip niyo, o kung Quento man at buong one shot, ay i-email niyo nalang po sa mcarttour37@yahoo.com. Lahat po ng ipagkakaloob niyo sa akin, ay buong puso ko pong ikakarangal na i-acknowledge kayo sa inyong brilliant idea.

Dude, di ko alam kung sino ka, pero sana makatulong sa 'yo ang kabaliwan kong 'to.

Kasihan ka nawa ng lahat ng pwersa ng lakas ng loob mula sa kalawakan.

Ang iyong lingkod, (politiko lang, eh? XD)

~Mark

UYAB (astig na ligawang pinoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon