wake up balloons

36 1 0
                                    

Gusto kong ako ang kasintahan mo

at hayaan mong lahat ng mga lobong ito ay ako,

para dito ay mababantayan kita

 hanggang sa maubusan ako ng hininga.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _


Eto yung pangalawang idea of courting technique na pumasok sa isip ko habang naglilista ako ng ligawan na gagawan ng one shot. Eto kasi yung (part ng) suggestion ko dun sa isa kong kaibigan na nililigawan ulit yung girlfriend niyang gusto nang makipaghiwalay. Hindi naman niya sinunod, kasi gusto niyang haranahin sa bintana ng gabi yung girl, kasi daw di pa niya nagagawa yung sa kahit sinong naging girlfriend niya. Me sa adik din e, inuna pa yung satisfaction ng sarili kesa sa ikatutuwa ng babae, kaya ayun, sa kasamaang palad, tuluyan na silang naghiwalay.

Wag akong sisihin, wala akong ginagawang masama.

Eto, kaw na humusga kung okey ba.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _

ID

 Masorpresa siya sa paggising niya sa umaga dahil kasabwat mo ang ceiling ng kwarto niya at ang buong bahay niya. Idaan natin sa balloons, dude.

Quento

“Alas dos ng madaling araw nun, dinala ko yung mga lobo galing sa bahay ng kaibigan kong nagbigay sa akin nitong idea na ‘to. Kasama ko ang kapatid niya, sumakay kami ng tricycle papunta sa bahay nila. Buti nalang napakiusapan namin yung tricycle driver ng masmaaga para siguradong may masasakyan kami. Sabi pa nga niya, ba’t di nalang daw ngayon, alas otso palang ng gabi non. Sabi ko naman, ‘masyadong halata kung ngayon, mamaya na habang tulog pa yung nililigawan ko, sorpresa nga kasi’…” pagkikwento ni Val, sabay pangiting tingin niya sa katabing dalaga.

Napangiti rin ng sobra si Luna sa sinabi ni Val, halatang kinilig.

“... buti pumayag. Sobrang bagal nga nung takbo namin sa dami ng lobo na nakaangat. Kinuntsaba ko na din yung pamilya niya, sinabi ko na kahapon yung buong plano ko. Tinanong nga nila kung kailangan ko pa daw ng tulong, sabi ko, basta’t siguraduhin lang nila na mahimbing ang tulog niya habang siniset-up namin yung mga balloons. Eh, pagdating namin sa bahay nila, nakapatay ang mga ilaw bukod sa lamp shades, tahimik, halatang tulog silang lahat, so kami nalang ni Lino ang nagpakahirap na magset-up.”

“Pasalamat ka lang talaga’t suportado ka ng kapatid ko,” pasingit na sabi ni Luna.

Natawa naman ng bahagya si Val at sumagot.

“Syempre. Tsaka maigi na ring kami lang yung nagset-up at tulog sila kasi baka kung sa dami namin ay magising ka pa pero parang hindi rin naman.”

“Bakit naman?” kunot-noong tanong ni Luna.

“E pano, bago namin simulang magset-up, nagtatakbo muna ng tahimik si Lino sa loob ng kwarto mo, nag-jumping jacks pa, kumaway-kaway sa mukha mo, at umupo sa higaan mo para lang masiguradong tulog ka. E halos hampasin ko na sa ulo yun e sa kabang baka magising ka sa pinaggagagawa niya, e sabi niya lang naman, trust me. Haha! Hindi ka nga naman nagising. Grabe, kung ibang tao pa yun, baka na-rape ka na,” pabusangot na paliwanag ni Val.

“Agad-agad?! E kung hindi, baka bulilyaso na plano mo, diba?!” sabay flip ng hair sa mukha ng binata. Napaiwas naman ng ulo si Val. Hinawakan niya ang buhok ni Luna at hinawi sa kabilang balikat habang nagsasalita.

UYAB (astig na ligawang pinoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon