Chapter 3

13 0 0
                                    

"Melbz bilisan mo diyan! puputok na ang butsi ko!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang puson ko. Kanina pa kasi si Melbz sa loob ng CR at ihing-ihi na 'ko. Ayoko namang maki ihi sa kabilang kwarto kasi di kami close ng mga tenants dun at ayaw ko'ng makipag plastikan.

"Eto na! maghuhugas na ng pwet! relax! 'to naman parang babae! pwede ka naman umihi diyan sa tabi-tabi o maki-ihi sa kabilang kwarto!" pabalang n'yang sagot.

I rolled my eyes in mockery, "Eh sa ayaw ko! besides, this is my favorite inidoro so paki-bilis pwede!?" Inis ko'ng sabi. Maya't-maya pa ay bumukas na din ang pinto at iniluwa ang dambuhalang dumi, este dambuhala ko'ng roommate. Agaran naman akong pumasok sa banyo at iniluwa ang alaga ko na ngayon ay tayong-tayo na at pumipitik-pitik pa!

"Finally! pasensya kana jun² nagalit kapa tuloy."

"Hoy! sinong kausap mo riyan?" pasigaw na tanong ni Melbz

"Buto ko! pakialam mo!?" bungisngis ko'ng sagot.

Tawa na rin lang ang sagot niya

Pagkatapos non ay naligo na din ako at nag ayos ng sarili.

Palabas na ako ng pinto ng tinawag ako ni Melbz, "Shin! see you later!"

I raised an eyebrow, "Eh?"

"Natanggap na ako sa Rumbar bilang vocalist, so magsisimula na ako later. So basically, magkakasama na tayo ni Joyce doon. Diba ansaya non?"

"Oo naman! basta wag mo lang kaming gagambalain. Anyway, congrats. see you later then." I bid

"See ya!" Sigaw niya

Agad kong kinuha ang bike ko na nakasandal sa gilid ng aming apartment at agad na nag tungo sa aming tourist headquarters.

"Good morning po!" bati ko sa mga kasamahan ko sa trabaho.

"Good morning Shin! punctual as always." Bungad ni miss Guanzon

Nahihiyang kinamot ko ang ulo ko, "Di naman po. nasanay lang siguro na maaga gumigising."

"Tsk.. ang humble pa. O sya don muna ako sa information area. Tignan niyo't dumadami na ang mga tao." Sabay turo sa mga taong paparating. Lumingon ako at agad na namilog ang mga mata ko ng makita ang supladong kano na hinatid ko kagabi. Palingon-lingon na nag mamasid ito sa paligid, makikita mo talaga ang mangha sa kanyang mga mata at mukha. Ngunit laking gulat ko ng bigla s'yang tumingin sa direksyon ko at nag tama ang aming mga mata. Ngingiti sana ako ngunit pairap niya'ng iniwas ang tingin niya.

Luh!? suplado amputa! nawa'y mawala ka sa lugar na ito ng di kana makabalik pa sa pinanggalingan mo!yawa ka!.. naiinis kong sigaw sa isip ko.

"Hi Baby! Shin.. Miss me?" biglang bungad ni Darryl sabay pulupot ng makulit niya'ng mga kamay saking braso. Inismiran ko sya sabay sabing, "You're late!"

"Eh? elem me nemeng busy eke kegebe. 'tsaka, alam ko din namang hihintayin mo ako." pabebeng sagot niya.

"Baklang twuu! For your info di kita inintay! tamang sadya ka lang! Halikana nga ng makapag handa na tayo."

Oo si Darryl, yung baklang receptionist kagabi sa hotel. Partner din kami sa pag to-tour dito sa isla. Laki din ang pasasalamat ko sa baklang 'to dahil sa tulong niya ay nahubog ko ang aking confidence at communication skills. Siya din ang tumulong sakin upang maka pasok sa Nico's Garden. Alam ko ang iniisip niyo kaya pangu-ngunahan kona ang madudumi niyo'ng utak! walang hini-hinging kapalit si Darryl sa mga kabutihang ginagawa niya sakin. Sadyang mabuti lang talaga ang puso ng tao. Kaya't hinahayaan ko na lang siya makipag clingy sakin sapagkat siguro, ganun ang kanyang personalidad. Well, hindi ko naman ma-idedeny na may ichura ako. So totoo nga na habulin ako... ng mga aso lol.

Anyway, tama na ang chika. Umakyat na kami ni Darryl sa Boat tour pagkatapos naming mag ready. Kinausap nadin namin si Kuya Fed ang aming bangkero kung saan ang aming destinasyon.

"Shin?" tawag ni Darryl habang nag se-selpon ako.

"Op?" sagot ko ng di tumitingin sa kanya

"Naalala mo yung gwapong foreigner na hinatid mo kagabi?"

"Scarcely familiar, Why?" I replied before pocketing my phone

"Kasi mukhang mapapasabak ang English mo dahil patungo siya sa bangka natin." Sabi nya pa sabay nguso

Tumingin naman ako sa mga taong patungo sa bangka namin, at tama nga si Darryl. Patungo nga sa bangka namin yung supladong kano. Oddly, I'm feeling quite jumpy.

I fixed my composure and straightened my uniform and poise.

Oras na para magpakitang gilas. I smiled.

"Good morning beautiful people! Welcome to the home of the largest mangrove forest in all of Mindanao, SIARGAO! We will be your tourist guide for today, my name is Shin Niel Roy Ishmael or you can just call me Shin and this is my partner for today Darryl" Paunang intro ko.

Tumango naman si Darryl at ngumiti, "Good mornin' everyone! Welcome to Siargao once again, all I can say is take all the negativity away, be positive, and enjoy the day."

I smiled and gestured the view around us "Today we will tour you to some of our famous and breathe taking sites here in the island. Are y'all Ready!?" Sigaw ko

humiyaw naman sila at pumalakapak bilang tugon. Tumingin ako kay Mr. Sungit na naka upo lang sa tabi habang tahimik na tumiting-tingin sa paligid.

mukha yatang mapapasubok ang pasensya ko dito..

"Uh, Mr. Shin right?" Biglang taas kamay ng isang babae

"Yes ma'am?"

"How long does it take for us to reach there?" tanong n'ya pa

I smiled "More or less half an hour, ma'am."

Her face blushed and her friends giggled with her.

"Okay now, allow me to entertain you with some fancy trivias about this magnificent place" I elatedly said as I gestured the clear water just right beneath us, "This lagoon is the Philippine's second largest mangrove forest. It has jade green clear waters and limestone cliffs perfect for some zen swimming. Aside from wallowing in its clear waters, you can also enjoy other water activities like paddle board, snorkeling, and kayaking"

"But I'm scared of Sharks!" Biglang sabi pa nung babae kanina.

rinig ko naman ang pigil tawa ni Darryl,

I stifled a chuckle and smirked, "Don't worry about sharks because there aren't any, but there sure are some big and dangerous crocodiles in certain areas, especially the mangroves on the western side of the island."

Seems funny but, I notice the lady's face turned pale. I smirked and strut along the boat's small aisle, "In fact, the Indo-Pacific salt water crocodile is native to Siargao, with a gigantic croc measuring 14 feet and nine inches was found dead here last year."

"woah!.."

"that's frightening!"

"Geezz.."

I heard them murmur, I laugh. "But Don't worry, y'all! I assure you that this place is totally safe. I promise."

akma na akong babalik sa pwesto ko sa harap ng--

"AY BAKLANG CROCODILE!"
sigaw ko ng biglang may kung anu na bumangga sa bangka namin sanhi na mawalan ako ng balanse at di inaasahang bumagsak sa harap ng supladong kano!

"A What!?" Inis n'yang tanong. Ang mga kamay niya ay naka suporta sa likod at balakang ko habang naka sabunot naman ang kamay ko sa damit niya na halos mapunit na. Sa gano'ng posisyon ay batid kong nakatingin ang lahat sa 'min.

"Who are you calling Crocodile?" tanong niya pa..

Tumibok-tibok ang labi ko habang nakatitig ako sa mapupungay n'yang mata, batid kong namumula na ang pisnge ko dulot ng kahihiyan at init na nararamdaman ko!

Shit! Shit! Shit!....

-to be continued
|M.Bustamante|

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Night in SIARGAOWhere stories live. Discover now