Chapter 1

28 3 0
                                    

Ballpen

Chapter 1

People are like art. Every single one has purpose, meaning, life, and story.

Katulad ng sining, merong simple, engrande, at komplikado. Iyong tipo na ang tanging makakaintindi lang ay 'yong mga taong talagang interesado.

"Miss Kaye..."

Nag-angat ako ng tingin kay Almira. Binaba ko sa hita ko ang lapis na kanina ko pa hawak at tsaka tinanggal ang earphone sa tenga.

"Malapit na po tayo," Sabi niya. Tipid akong ngumiti at tumango.

Ibinalik ko sa bag ang sketch pad at lapis tsaka tumingin sa labas ng bintana. The tall gate of the hacienda welcomed us.

Sa hindi kalayuan ay matatanaw ang mga trabahante na nagta-tanghalian. Tumuloy ang sasakyan na sinasakyan ko sa harap ng mansyon.

I can see my brother and his bestfriend waiting for me outside. I took a deep breath as the car stopped. Someone opened the door for me.

This is it. I'm back in my real home.

"Kaye!"

I hurriedly run towards Kyena and hug her. Sobrang excited akong umuwi ng Bulacan para dito mag spend ng summer!

Naisip ko kasing mamasyal sa may burol. Tahimik doon at masarap ang hangin.

"Na-miss kita!" Magkayakap kaming tumalon-talon. Napatili siya nang sapuhin niya ang mukha ko. Like she's checking if I'm really here in front of her. "Kyah!"

Her energy is on another level as always.

"Ang sakit sa tenga," Parinig ni Kuya Cloud kaya sabay kaming napalingon ni Kyena sa kanya.

"Nagtatampo ka ba dahil hindi ikaw ang nauna kong niyakap, Kuya?" Tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanya.

"Hindi ah. Ang sakit lang talaga sa tenga nung ingay niyo." Nakasimangot na sagot nito.

Sus, if I know.

"How's school, Kaye?" Tanong ni Kyena.

"Ayos lang," I smiled and immediately diverted the topic. "You just graduated. Saan mo balak mag-aral?"

"Ah, pinag-iisipan ko pa. Sabi ni Lolo Henry pag-aaralin niya raw ako sa Maynila." She trailed.

Tumango ako, "Anong course ba ang gusto mo? Baka available sa kung saan papasok si Kuya, mas okay kung iisang school na lang kayo."

"Tell that to her, Kaye." Sabat ni Kuya sa likod namin.

I shooked my head. Hinatid nila ako sa kuwarto bago sila pareho nagpaalam na may inuutos sa kanila si Lolo. I placed my bag on the floor. Dumiretso ako sa may bintana at hinawi ang kurtina. I watched as the sun rise and lights up the whole place.

Ang totoo, maganda rito, masarap tumira. Kaya lang ay laging maraming tao sa mansyon at hindi ko ata kayang mabuhay ng ganoon. I mean, 'yong social anxiety ko ang papatay sa akin kapag dito ako tumira.

May farm si Lolo na pinapatakbo, nagha-harvest sila ng palay at pakwan. Palaging nasa hardin ng mansyon pinagta-tanghalian at pinagme-meryenda ang mga manggagawa. Pag nandirito kami ay obligado kaming sumabay sa kanila dahil na rin nakagawian na nang pamilya.

Sa school, wala akong kaibigan. Hindi ko alam kung sila ba ang problema o ako dahil ayokong makihalubilo pero hindi ko talaga sila feel. Pakiramdam ko lahat sila ay plastik. Hindi sa paghuhusga pero ewan ko ba sa kutob ko. Wala ata akong pwedeng maging bestfriend kundi ang mga lapis at pens. 

Like Strangers DoWhere stories live. Discover now