Morning
Chapter 2
"Who is this?" Wala sa sariling tanong ko.
Kagat labi akong nag dial. "Hello?"
"Yes?" Sumagot ang isang boses babae.
I inhaled, "Ahm, I'm Nayeli Kaye—"
"Oh, yung owner nung ID?"
Napapikit ako, "Y-Yes."
"Oh, I see. I'm Mariella, college student." Pakilala niya.
Kinutkot ko yung unan ko, "Hi. Ahm.. Pwede ko po bang malaman kung saan mo nakita?"
May ingay akong narinig sa kabilang linya, "Ah. I don't really know. It's my brother who found it."
"Ah gano'n ba? Saan ko po pwedeng kunin? Kailangan ko kasi 'yan bukas." Nahihiyang sabi ko.
Fudge. Abala pa 'to sa kanya.
"You can get it tomorrow sa school. Doon rin naman kami."
Tahimik kong pinaypayan ang sarili ko, "Ah sige po. Pasensya na sa abala."
"No problem."
"Sige, bukas na lang. Salamat."
"Okay, Bye!"
Napapikit ako at tsaka napasubsob sa kama dahil sa kahihiyan. Saan ko kaya naiwan o nalaglag 'yon? Sa cafeteria? Sa hallway? Nakakahiya.
Hala! Pati yung mga ID ko mula first year andoon tsaka pati photocard ko ng Bangtan!
"Daddy," Naglalambing na yumakap ako sa kanya pag pasok ko ng dining.
"Yes, Nayeli? May problema ba?" Malambing na tanong niya sa akin.
"Iyong ID ko, naiwala ko." Napalingon siya sa akin kaya napahiwalay ako ng yakap.
"Bakit? Saan mo naiwala? Itawag mo agad sa school mo. Kumuha ka ng bago. O kaya sige kahit tawagan mo lang ako kakausap sa dean niyo."
Umiling ako, "May nagtext sa akin, nasa kanya daw."
"Oh, ayun pala. Paano mo daw kukunin?"
"Sa school. Schoolmate ko naman ata nakakuha," Sagot ko.
"Bakit ganyan pa rin ang itsura mo?" Biglang tanong ni Mommy habang naghahain. "Buti na-contact ka no'ng nakakuha."
"Andoon po 'yong contact number ko tsaka no'ng bahay for emergency purposes," Nakasamingot na sagot ko. Muli akong yumakap kay Daddy. "Pero Dy, iyong ID ko mula 1st year andoon. Ang panget ko! Nakakahiya."
Sabay na natawa ang parents ko, pati si Almira! Nang simangutan ko si Almira ay mabilis siyang umiwas ng tingin.
"Pangit? Kailan naging pangit ang anak ko? Hindi ah! Maganda ka kahit saang picture." Napangiwi ako sa sagot ni Daddy.
Hindi na ako bata. Hindi na ako mauuto sa gano'n.
"Daddy naman eh!"
"Sus, dalaga na ang bunso ko, conscious na," Natatawang dagdag ni Mommy.
Napanguso ako, "Nahihiya lang po ako."
"Ano ka ba, Kaye? Maganda ka naman doon ah? Nakita ko 'yon noong tinutulungan kita mag-ayos ng gamit mo. Okay naman. Bakit ka mahihiya?" Tanong ni Mommy.
"Ang bata ko pa po dun sa ibang ID," Giit ko.
"Syempre, parte naman 'yon ng buhay studyante, Nayeli. Meron ngang ibang may trabaho na, magkaiba ang mukha sa personal at ID," Nakangiting sabi ni Daddy. Halatang pinapagaan ang loob ko.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Like Strangers Do
Ficção AdolescenteThere were 8 billion people in this world. And almost 114 million people in the Philippines. Imagine how many of these people you are meeting every day by just walking on the same road. How many of them did you get to bump into at the mall? How many...