Chapter 3: Stuck With You

53 4 0
                                    

ADRIEN'S POV

Parang ayaw kong gumising ngayon. Gusto kong matulog buong maghapon, at bukas na gigising. O pwede ring kakain ako ng mga pagkaing allergic ako, para makatulog naman ako ng ioang araw. Ughhhh, ngayong palang ayaw ko na ang araw na ito. At sakto pa, friday the 13'th ngayon.

Well, hindi naman talaga ako naniniwala diyan, pero baka totoo? Ahhh sana naman hindi. Hindi ko na inisip na unang pasok ko ngayon. Parang nagsisi na ako ngayon sa desisyon ko.

Ilang minuto pa ay may kumatok sa pinto at pumasok si Bella. Well, kung alam niyo lang, hindi ko kinakandado ang kwarto ko dahil sa dalawang dahilan. Una, takot ako sa mga multo. Pangalawa, baka kasi umatake ang asthma ko, o magka allergic reaction ako, so makakapasok kaagad si Bella sa kwarto.

"Kuya may naghahanap sa iyo sa labas." Sabi niya na siya pa iyong excited kesa sa akin.

"Sino?" Tanong ko na nakapikit pa rin ang mga mata.

"Oh my God kuya. Siya lang naman ang crush ko sa showbiz, at ang hot nito. Ahhhh, hindi mo pala sinabi na boss mo iyong crush ko." Sa sinabi niya, nanlaki ang mga mata ko. Wait, sikat iyong boss ko? Kaya ba hindi niya ako pinagalitan nung nasa 7/11?

Agad akong bumangon, at pumunta sa labas. Doon, nakita ko siya, nakaupo sa aming sofa. "Bakit ko nandito?" Sabi ko, crossing my arms.

"Before I answer that question, would you mind to put some short or anything?" He said, smirking.

Ahhh baka totoo nga ang iyang friday the 13th na iyan. Bumalik ako sa kwarto ko, na nahihiya sa sarili. Sanay kasi akong natutulog na naka boxer brief. Nagsuot na ako ng short, at lumabas ulit. Hindi ko na nakita ang boss ko sa sofa, kung hindi nasa maliit na kainan namin, na pinaghandaan ng pagkain ni Bella. Pero binalewala ko lang iyon, dahil bisita naman siya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko, sabay inom ng kape na hinanda ni Bella.

"Well, it's your first day and now, you're late." Sabi niya. Alam ko naman na late ako.

"So ano ngayon? Ayaw ko ngang magtrabaho."

"I don't care. I always get what I want. So I want you to be my p.a., then you will be my p.a." Sabi niya na parang siya iyong presidente sa paaralan na kinatatakutan mo. Agad akong natakot, kaya hindi na ako nagsalita. Pati rin ang kapatid ko, nagulat din siya.

"Let's go." He said, holding my wrist. Hindi na ako nakapag-react dahil ang higpit ng hawak niya. Binitawan niya lang ako nung nasa elevator na kami.

Galit ako sa kaniya. Galit na galit. Siguro, ito na ang tamang panahon para pagalitan siya. Wala na akong pakealam sa gagawin niya, basta, hindi ako magtatrabaho sa kaniya.

"Pwede ba, huwag mo kong pilitin. Dahil kung ayaw ko, ayaw ko. Hindi mo man lang ako binigyan ng oras magbihis at isa pa......" Hindi na ako nakapagtapos sa sasabihin ko dahil agad niyang nilagay ang palad niya sa bibig ko.

"Can you just shut up." Sigaw niya, at tinulak niya ako sa pader. "If you wouldn't shut up right now, I will fucking hurt you. UNDERSOOD!"

Tumango lang ako dahil sa takot, at pinakawalan niya ako. Kung totoo iyong sinabi ni Bella na sikat ito, bakit siya sumikat kung ganito naman ang ugali nito. Pero iyon naman diba, may artista naman talagang akala mo mabait pero ang pangit pala ng ugali sa personal.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa sasakyan niya, at papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan. Pero alam kong malayo ito, dahil nakatulog ako. Buti nalang mabait iyong driver at ginising ako.

"Hold this." Sabi ng boss ko nung nakalabas na ako ng van, at binigyan niya ako ng isang bean bag. Akala ko nung una ay magaan lang kaya ginamit ko lang ang isang kamay ko per mabigat pala ito. "Mabigat iyan."

THE BOssYFRIEND (BoyxBoy)Where stories live. Discover now