01

3.7K 24 1
                                    

KEISHA'S POV

Nang magring ang cellphone ko ay tumayo na ako kaagad para pumasok sa trabaho. Medyo matagal na rin simula no'ng natanggap ako sa kumpanya ng isang sikat na businessman. Nagmamadali yatang magresign ang dati niyang sekretarya kaya isang linggo niya lang akong natraining noon.

"Where are you?" Bungad na tanong sa akin ng boss ko na para bang pinipigilan ang kaniyang galit.

"Kababangon pa lang po, Mr. Lee..." Inaantok pang tugon ko.

"Nauna pa ako sa iyo. Dalian mo na!" Pagalit na wika niya pero ipinag sawalang bahala ko nalang iyon.

"Kung makasigaw ka parang araw-araw kang pumapasok, ah?" Sarkastikong usal ko naman saka naghikab.

"Dalian mo na!" Aniya pa kaya binabaan ko na siya para magsimula ng mag-ayos. Pahamak talaga 'yung k-drama kong pinanood kagabi. Natapos ko nga, late naman ako sa trabaho.

Nag-ayos na ako kaagad dahil hiyang-hiya nmana ako sa boss ko. Napaka epal nga naman oh! Mamaya bawasan pa ang sasahurin ko.

"Madaling-madali?"

"Obvious naman 'di ba, Cendra?" Sarkastikong sagot ko naman pero mas lalo siyang natawa. Happy na naman sa akin ito.

"Relax ka lang... Kailangan na kailangan ng pera?"

"Of course not!" Tugon ko saka tinignan kung saan siya galing at kung saan siya pupunta. "Teka nga. Bakit ka pala nandito?"

"Dito rin nakatira ang stepbrother ko." Tanging tugon niya kaya napatango ako.

"Ah... Maraming pogi dito." Sabi ko kaya nagtitili ang isang ito. Kay harot nga naman oh.

"Ang dami talaga!" Pagsang-ayon naman niya kaya natawa ako.

"O sige na, baka magalit na ang boss ko." Sabi ko saka sumakay sa kotseng pinahiram sa akin ni Mr. Lee.

Mabilis akong nagmaneho papunta sa kumpanya ng boss ko. Paniguradong umuusok na ang mga ilong no'n. Kapogi nga, saksakan naman sa pagkapikunin.

"Bakit ngayon ka lang?!" Pasigaw na tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Nakita ko kasi sa village si Cendra, kaibigan ko." Tugon ko naman saka umupo na sa swivel chair na dating sa boss ko.

"What are you doing there?" Nakakunot-noong tanong niya sa akin.

"Magtatrabaho. Ikaw? Ano bang ginagawa mo rito?" Pagtataray ko naman.

"We're not going to work here. Sasamahan mo ako sa bakasyon ko." Aniya kaya nanlaki ang mga mata ko. Gago yata ito! Nanggugulat ng gano'n. "Come on, let's go!"

"Anong bakasyon, Mr. Lee? Wala akong dalang mga damit!" Nagpapanic na wika ko dahil totoo naman ang sinabi ko. Anong gagawin ko roon? Maglalakad ng walang saplot? Ni hindi ko nga sure kung gaano ba kami katagal na mags-stay roon sa pupuntahan namin e.

"Ako na ang nagdala para sa 'yo!"

"Pati underwear?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Damn yes." Walang pag-aalinlangang tugon niya kaya napanguso nalang ako.

Halos kaladkarin na ako ni Mr. Lee palabas ng kumpanya niya at nagpatianod nalang ako. Excited masyado 'tong boss ko.

"Seat belt, honey..." Sabi niya kaya gulat ko siyang binalingan. Hindi ko inaasahan ang kaniyang itinawag sa akin. Hindi naman siguro guni-guni ko lang 'yon 'di ba?

"Anong tinawag mo sa akin?" Kunot-noong
tanong ko.

"Seat belt, Keisha!" Medyo mataas na ulit ang boses niya kaya napakibit-balikat nalang ako habang iniisip pa rin kung saan ba talaga kami pupunta ngayon.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Umupo ka nalang riyan. Wala ka namang babayaran."

Buti naman!

"Dapat may bayad ako nito." Pagrereklamo ko naman.

"And why?"

"Syempre! Dapat sa office mo lang ako." Wika ko saka siya nginisian. Malay ko ba kung dagdagan nga nito ang sahod ko no. Gano'n pa naman ito kagalante.

"Oh, really? Tigilan mo ako sa karereklamo mo, mamaya kapag nakita mo 'yung lugar na pupuntahan natin ay baka halos sambahin mo ako."

Parang double meaning iyon, ah?

"Oh? Nanahimik ka?" Nakangising tanong niya kaya pinagkrus ko ang mga braso ko sa aking dibdib saka siya binalingan ng masamang tingin.

"Alam mo, boss? Magdrive ka nalang dahil baka masipa kita dito." Sambit ko pero tumawa lang siya habang nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Relax ka lang, babe. Hindi naman kita pipilitin dahil ikaw ang magmamakaawa sa akin." Nakangisi pa ding sabi niya kaya pinagpapalo ko siya sa kaniyang kanang braso.

"Manahimik ka na nga lang! Kainis ka talaga!" Pikon na wika ko saka bahagyang ngumuso.

"Okay, love..." Sabi pa niya kaya natawa na ako ng bahagya.

"Dami mong tawag sa akin, ah!" Natatawang ani ko pa kaya natawa na din siya. Napapansin ko talaga happypill na ako nitong lalaking ito.

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterWhere stories live. Discover now