18

1.5K 16 1
                                    

Dalawang chapter po agad ang in-update ko, sorry. Sinipag po ng konti.
________

KEISHA'S POV

Imbis na umuwi ako rito sa bahay namin sa Pilipinas, umuwi ako sa bahay ni Khalil, may susi naman ako ng bahay niya kaya hindi na ako nahirapan. Kilala rin ako ng mga security rito kaya nakapasok ako na nakataxi lang.

Nang makapasok ako sa bahay ni Khalil, mabilis akong napaluhod dahil sa panghihina. Pagod na pagod na ako...

"Hey! Stand up!" Saway sa akin ni Khalil saka ako biglang binuhat pahiga sa kaniyang sofa. Nanatili lang akong lumuluha.

Sandali akong iniwan ni Khalil, umakyat siya sa second floor ng bahay samantalang ako ay nakatitig lang sa bulaklak na nasa flower vase.

"Are you hungry?" Tanong niya pero hindi ako sumagot.

"Babe, what happened?" Nag-aalalang tanong niya saka bahagyang lumuhod malapit sa akin para maging magkapantay kami.

"Keisha Tanaka, hey! Huwag kang ganito! It's not funny!"

"Tell me, what happened?" Sa tanong niya ulit na iyon ay nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko.

"Hey, shh... Tahan na..." Aniya saka ako iniupo. Mahigpit na niyakap niya ako.

"Khal... Napapagod na ako." Nanghihinang sambit ko. Bahagya naman niyang hinaplos ang aking likuran.

"Napapagod ba ang isang Keisha Tanaka? Parang malabo..."

"Khalil, paano kung magpakamatay si Mommy dahil hindi ko kasamang uuwi si Jason sa amin?" Tanong ko bigla.

"Wala tayong magagawa ro'n, Keisha. Tama na 'yung ginawa mo. Nakakasakit ka na ng ibang tao." Sabi niya kaya mahigpit na rin akong napayakap sa kaniya.

"M-may kilala ka bang piloto na maghahatid sa akin sa Japan?" Tanong ko. "Kahit bilhan mo nalang pala ako ng ticket para mabilis."

"Ako na ang maghahatid sa iyo, kukuha ako ng pilot."

"H-huwag si Keann Sandoval, please..." Pakiusap ko kaya napakunot ang kaniyang noo.

"Why?"

"Close na close kasi sila ni Jayshie." Diretsong sagot ko kaya napatango siya.

"Maghahanap nalang ako ng ibang piloto." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Thank you, babe!"

Nang mas mahimas-masan na ako, pinaupo niya ako sa couch saka niya binuksan ang tv.

"Nga pala, tagal ko ng hindi nakikita si Khalid, ah?" Nagtatakang tanong ko.

"Busy iyon lagi sa mga hawak niyang kaso. Hayaan mo, kapag kinasal kayo ni Jayshie, lahat kami dadalo." Pang-aasar nito sa akin kaya masama ko siyang binalingan.

"Gago ka, ah?" Pikon kong sabi kaya nagtatawa siya.

Wala kaming ginawa ni Khalil buong maghapon kundi ang matulog at kumain. Si gago ay hindi rin pumasok sa hospital na pinagtatrabahuhan niya. Hindi ko alam kung nakaleave ba siya o ano.

Sana... Kapag umuwi ako ay okay lang kay Mommy na hindi ko kasama si Jason.

Nagulat ako ng biglang magring ang cellphone ko, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang caller niyon. Si Mommy...

"Hello, Keisha?!" Galit kaagad na bungad niya ng sinagot ko ang tawag.

"M-mom..."

"Where the fuck you are?!" Mas nagulat ako ng may sumagi ng cellphone ko na dahilan ng pagbagsak niyon sa lapag.

Xyro Club Series #2: Ohh, MisterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ