Chapter 1

11 3 7
                                    

Mayumi Pov

"Sa ayaw at sa gusto mo lilipat ka ng school, gusto mo naman na maging masagulera diba? Sige pagbibigyan kita!" sermon sakin ni daddy.

Nagpanggap akong hindi siya naririnig umakyat na lang ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Ginamot ko rin ang pasa na nasa pisngi ko dahil ito sa pakikipagsuntukan ko kanina. My life is full of pain. Hindi ito mangyayari kung 'di lang nawala si mommy and that's all because of my dad. Nahuli kasi ni mommy na may ginagawang hindi dapat si dad at ang bestfriend ni mommy. Ang kapal diba? Sariling asawa ng bestfriend inahas! Like the hell?. Kaya galit ako kay daddy at ito ang paraan ko para magalit siya sakin ang sawayin siya sa lahat ng gusto niya at sundin ang gusto ko. Bakit ba? This is my life naman. Kahit maglinis ako sa buong mansyon. Kahit magwalis ako sa buong village. Kahit magpakabait ako di niya maapreciate yun alam niyo ba kung bakit? Kasi ang tanging nakikita niya lang sakin ay ang mali ko. Ganyan naman talaga kahit kunting pagkakamali lang ang nagawa mo matatabunan ang kabaitang ginawa mo. Asan ang hustisya diba?.

Napatayo ako pumunta sa pinto nang may kumatok. Pagbukas ko nakita ko si nanay Mia ang katulong namin na kasundo ko.

"Anak kain kana. Nasabi rin sakin ng daddy mo na lilipat kana bukas ng school" napabuntong hininga ako at sumandal sa pinto "...ayos lang ba yun sayo? Kung hindi pwede mo namang sabihin sakin at ako na ang bahala na makiusap sa daddy mo" umiling ako kay nanay at ngumiti.

"Wag na po nay. Magsasayang lang kayo ng laway hindi na magbabago ang isip non" once kasi na makapagdesisyon si dad di na yan mababawi. Kaya tatanggapin ko na lang kahit labag sa loob ko.

"Sige ikaw bahala. Halika na lalamig na yung pagkain sa baba" tumango ako at sabay kaming bumaba. Nakakabingi ang katahimikan. Wala akong nakitang tao na naglilinis at naglalakad. Sino bang tao ang maglilinis ng hating gabi diba? Ganito lagi ang oras ko sa pagkain dahil iniiwasan kong makasabay si dad. Ilang minuto rin kaming naglakad papuntang kusina. Sa sobrang laki ng mansyon hindi na kami nagkita-kita pa.

Boring ang buhay ko kapag nandito ako sa bahay buti na lang sana kung may tunay na kapatid ako pero wala. Sabi ni daddy may kapatid akong dalawa sa kabit niya pero hindi ko kilala at wala akong balak na kilalanin sila. I'm leaving my 17 years without them at sila ang dahilan kung bakit namatay si mommy.

"Mayumi bakit ang tagal mong bumaba ha! Di ba sabi ko sayo wag mong paghintayin ang pagkain!" Tiningnan ko lang sa blangkong expression ang taong iniiwasan kong makasama sa pagkain. Namumula na siya sa sobrang galit sakin. "Hanggang kailan ka ba ganito?" tanong niya.

"Hanggang sa maboring ako" walang buhay kong sagot at umupo na sa katapat niyang pwesto which is malayo kami sa isa't isa. Yung upuan para sa nakakatanda sa pamilya, yan ang pwesto namin.

"Wala ka talagang galang! Di ka naman ganyan dati. Yan ang nakukuha mo sa paglabas ng mansyon!" Pasigaw niyang ani.

"Well, people change at wag mo kong pakialaman sa mga ginawa ko dahil di kita pinakialaman sa paghahanap mo ng kabit"

"Igalang mo ako bilang ama mo and for God's sake limang taong patay na ang mommy mo" napatayo pa siya at pinanlisikan ako ng mata.

Tumayo rin ako "Sayo pa talaga nanggaling ang salitang respeto. Wow! Just wow! Sa isang tulad mong hindi marunong rumespeto. How can I respect a man like you ni hindi mo nga nirespeto kami ni mommy dati" sigaw ko. Nilapitan agad ako ni nanay Mia at pinakalma. Mas lumala ang galit ko sa sarili kong ama. Simula nong hindi niya kami nirespeto, I didn't value the word respect.

"Past is past. Ang lahat ay tapos na. Kaya kalimutan mo na yun!" Sigaw niya. Mas lalong kumulo ang dugo ko.

Ngumisi ako ng mapait "Past is past? Pero ang sakit na binigay mo di yun mawawala. Kaya mong kalimutan si mommy? Oo nga naman bakit pa ako nagtataka ganyan ka pala. Madaling nakakalimot" sarcastic kong sabi at iniwan siya roon. I hate him! I hate him!. Tumakbo ako papunta sa likod ng mansyon kung nasan ang garden. Pinaalagaan ko ito dahil ito na lang ang bukod tanging alaala ni mommy. Mahilig siya sa bulaklak, kasama pa nga niya ako sa pagtatanim nito. "Mom, I hate him! Hinding hindi ko siya-sila mapapatawad" bulong ko. Habang naka upo sa paborito naming upuan ni mommy dati. I miss my mom.

"Anak uminom ka muna ng tubig. Hayaan mo na lang ang daddy mo. Wag mo na lang pansinin ang mga sinabi mo basta nandito lang ako" umakap ako sa kaniya dahil siya na ang itinuring kong pangalawang ina.

"Salamat nay kapag wala ka diko kaya. Wag mo kong iwan ha" tumango siya. Mahigpit na yakap ang ibinalik ko sa kaniya. "O siya, matulog kana may klase ka pa bukas. Wag ka kasing magpupuyat lagi baka magkasakit ka"

"Sisikapin ko po pero nay pwede po ba sa kwarto na lang ako kakain simula bukas. Ayoko ko pong makasama si tanda sa pagkain. Nakakawalang gana kasi" tumango siya. Ngumiti ako at pumasok na sa mansyon. Umakyat ako sa kwarto ko at lumundag papuntang kama. Kinuha ko ang picture namin ni mommy- actually kaming tatlo ito kasama namin si tanda pero ginupit ko ito kaya kami na lang ni mom ang naiwan. Lahat ng picture na kaugnay sa kanya itinago ko sa isang cabinet nilock at di binuksan kailanman.

KINABUKASAN tanghali na akong gumising sinadya ko talaga yan dahil alam kong maagang gigising si tanda para pumasok sa opisina. Naligo ako tapos nagsuot ng jeans, t-shirt na maluwag at rubber shoes. This is my favorite outfit wala akong balak magsuot ng uniform. Dala ang itim na bag ko bumaba na ako nakasalubong ko si nanay Mia na paakyat.

"Nandyan ka na pala, kain kana ihahatid ka ng driver papunta sa bago mong school"

"Hindi na nay, sa labas na lang ako kakain, saka kaya ko na pong pumunta dun. Mag motor na lang ako titingnan ko na lang po sa GPS" sagot ko. Nag alangan siyang tumango. Lumabas na ako at pagsakay ko sa motor pinatakbo ko na agad, pinagbuksan naman ako ng gate. Binilisan ko ang pagpapatakbo di dahil excited ako sa bagong school kundi masaya ako dahil wala na ako sa mansyon. Kahit minura na ako ng nadadaanan ko napatawa lang ako.

"This is really amazing!" Sigaw ko pa. Maraming tao ang nakatingin sakin ang iba nakanganga, may napapasigaw na mag ingat ako. Napailing na lang ako at itinuon ang pansin sa daan at sa phone ko kung saan makikita ko kung nasan ang school.

Nakarating ako dun na sobrang saya pero di ako nakangiti. Ang iba nakatingin sakin pinagtaasan ko lang sila ng kilay. Dala ang helmet ko pumasok na ako sa campus di naman ako pinigilan ng guard nong sinabi kong transferee ako kahit di pa siya nagtanong. Alam ko kasing tatanungin niya rin ito kaya inunahan ko na.

Malaki ang campus, ito na yata ang pinakamalaking campus na napasukan ko. Pang anim na school na to. Sa mga nagdaang school sobrang saya marami akong kaaway dun e kaya di bored ang buhay ko. Sa halos sampung minuto kong paghahanap sa register office sa wakas nahanap ko na. Pumasok ako at nakatingin sakin ang matandang babae.

"Ano pong section ako?" direct to the point kong tanong. Napailing pa siya bago iniabot sakin ang isang papel na ang tanging nakalagay ay X.

Walang paalam akong lumabas dun at hinanap ang section X. Anim na building ang nandito at tagtatatlong palapag nalibot ko na yata ang lahat pero walang X ang nandun. Niluluko lang siguro akong guro kanina. Ano ba yan pagod na ako! Umupo ako sa gilid ng hagdan.

"Miss anong section ang hinanap mo?" Napaangat ako. Isang babaeng sobrang ikli ng suot ang bumungad sakin. Walang gana kong inabot ang papel sa kaniya. Nanlaki ang mata niya unti-unting tumakbo. "Gaguhan ba to? Magtanong ka tapos ngayon di mo sasagutin. Hayop to!" Sigaw ko kainis e. Siya ang lumapit tapos ngayon tatakbo bigla. Baliw yata!

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa papel nagbabasakali kasi ako na makahanap ng clue about sa section X may ingay akong narinig na parang nagkakagulo. Dumungaw ako sa nagkukumpulang studyante hindi rin naka uniform. "Exciting" tumakbo na ako pababa at pumunta sa kinaroonan ng gulo mamaya ko na lang hahanapin ang section nayun. Nakisiksik ako sa mga studyante.

"Yan ang bagay sa isang pakialamerong gaya mo!" Sigaw nong isa at sinikmurahan ang lalaki. Napa suka ito ng dugo. Naka uniform rin ang lalaking binugbog. Napalinga ako nasa likurang bahagi na ito ng school posible naman sigurong may classroom pa rito.

"Pasok na kayo may madagdag daw satin na isa!" Napalingon ako sa sumigaw na babae. Matangkad siya, maputi pero kita sa mukha na masungit ito. Nagsipasukan ang mga lalaki at babae at iniwan dun ang lalaki na halos walang ng malay.

"OMG! Jade! Sabi ko naman kasi sayo na wag ka ng sumugod sa Section X" napatingin ako sa pamilyar na boses. Yung babae kanina. Ngayon alam ko na kung saan ako pupunta. Ito ang section ko pero bakit nakabukod?

Mafia Siblings 1:When the Day becomes DarkWhere stories live. Discover now