chapter 3

4 1 0
                                    

Walang teacher ang pumasok sa hapon. Kami lang tatlong babae ang nandito sa loob ng room pero pareho kaming walang pakialam sa isa't isa. Si Maddy natutulog lang, si Unika nagbabasa ng mga teenfiction stories. Habang ako nag iisip kung saan ko to ibigay ang hawak ko ngayong invitation dahil walang Weland ang pumasok.

Bwesit talaga siya! Pahirap masyado. Bakit ko rin ba to tinanggap sa babaeng di ko kilala? Siguro dahil naawa ako sa kanya

"O gusto mo lang talagang malapit kay Weland" napatayo ako dahil sa pumasok sa isip ko.

"No way!" Sigaw ko

"Anong no way, na pinagsasabi mo diyan?" Gulat na tanong ni Unika at lumapit sakin.

"Wala, may naisip lang" alangan siyang tumango

"Baliw ka na" napalingon kami kay Maddy.
Pero nakasubsob na ang mukha niya sa mesa.

"Unika ikaw ang magbigay kay Weland nito" inabot ko sa kanya. Ngiting aso niyang tinanggap yun"Naks! May pa love letter ka pang nalalaman. Di naman ako magtataka gwapo naman talaga si Weland kaya nga kahit bully yun marami parin ang nagkakagusto sa kanya-aray!" Binatukan ko siya daming sinasabi e.

"Ano bang pinagsasabi mo. Di yan sakin galing dun yan sa babae kanina. Pinapabigay daw ni Brienne" kumunot ang noo niya. Halos mapunit na niya ang hawak.

"Gosh! That girl!" Gigil niyang sabi. Sino ba siya? Ipinakita niya sakin ang picture ng birthday celebrant. Nagulat ako pero ngumisi ako kalaunan. Nandito lang pala siya ha!

"What a small word" sabi ko. "Kilala mo siya?" Tanong ni Unika. "Kilalang-kilala" sinong di makakilala sa isang Brienne. Sikat kaya yan sa school ko dati.

"Bakit mo siya kilala?" Tanong niya "You will know sooner or later but for now lets go. Tayo lang naman ang nandito"ginising namin si Maddy at sabay kaming lumabas.

Pinagtitinginan kami ng nga studyante si Unika nakayuko kami ni Maddy walang paki. Nagbulong- bulungan pa sila. Napahinto kami nong may nakita kaming kumpulan ng tao.

"Yumi wag mo na lang pansinin sila, masasanay ka rin" hinawakan pa ako ni Unika. "Di ako makikisali, titingin lang natin" nakisiksik kami sa kumpulan ng mga studyante.

"Si Brienne na naman!" Bulong ni Maddy sapat lang na narinig namin ni Uni yon. Pinaliligiran nila Brienne ang babae na nagpasuyo sakin kanina patungkol sa invitation card.

"Bakit hindi nakarating kay Weland ang invitation ha!"sinambunutan niya ang babae halata na nasasaktan na ito pero tiniis na lang niya. May pasa na rin ito sa kabilang pisngi. Hinawakan ng dalawang lalaki ang babaeng nakaluhod at pilit na pinatingala.

"Leave her!. Ito ba ang hinahanap mo" itinaas ko ang card. Nagulat siya di dahil nasa akin ang card kundi. Nasa harap niya ako. "O bakit gulat na gulat ka?" Ang gulat niyang mukha napalitan bigla ng isang malaking ngisi.

"No, this can't be" hindi makapaniwalang sabi niya habang nakatitig sa akin. Patuloy pa rin ang paglalakad ko papalapit sa kanila kaya dinig na dinig ko lalo ang bulungan sa paligid. Maraming nagtanong kung sino ako Pero ni Isa man walang sumagot

"Hindi ka nananaginip Brienne this is me! This is Mayumi the queen of bitches. Wala bang welcome back diyan galing sayo?"

"Welcome to hell Mayumi!" Nakangiti niyang sabi.

"Thanks Brienne" I will make sure na buhay mo ang magiging impyerno dito. "Btw, this invitation is cheap kaya napunit ko. Di kasi ako humahawak sa mga cheap na bagay lalo na kapag galing sayo. Sorry babe" nag igting ang panga niya, galit na galit?

"Bye! Ingat ka babe baka may tumaga lang sayo bigla sa daan" sabi ko pa bago umalis kasama ang babaeng binully niya kanina.

"Salamat, dahil kung di dahil sayo baka may nangyari ng masama sakin" nangingiyak niyang sabi. Tumango lang ako at umiwas ng tingin. Ayokong makakakita ng babaeng umiiyak at nagmamakaawa dahil naalaala ko si mommy nong mga panahon na lumuhod pa siya sa harap ni daddy.

Mafia Siblings 1:When the Day becomes DarkWhere stories live. Discover now