chapter 4

1 1 0
                                    

Pagpasok ko sa mansyon. Sobrang tahimik wala namang bago, hindi na nga kami nagkita-kita dito.

Papaakyat na ako ng hagdan nang tawagin ako ni nanay Mia. "Bakit po nay?"

"Yumi sabi ng daddy mo magbihis ka at may pupuntahan kayo" napakunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang trip ni tanda.

"Saan naman nay sa bahay ampunan? Ipapaampon na ba niya ako sa iba?" Ang seryoso ko tapos tatawanan niya lang ako. "Hindi! Kahit masungit yang daddy mo sayo di naman niya gagawin yun." Tumingin pa siya sa paligid bago ibinulong yung masungit na salita kaya napatawa ako. "Magbihis ka na nga!" Itinulak niya ako kaya muntikan na akong madapa sa hagdanan.

Paglingon ko nandun na siya sa may pintuan ng kusina. Tumatawa parin. Nasapian na naman si nanay.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Pinagpapawisan pa ako, sino ba kasi ang nag imbento ng ganitong bahay. Kainis yung hagdanan sobrang haba. Bumaba ako ulit. Nadatnan ko si tanda sa living room na nunuod ng probinsyano. Astig!

Nawala ang ngiti ko ng tumingin siya sakin. Pinatay niya ang power ng tv at tumingin sakin ng seryoso. "How's your new school?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Fine?" Patanong kong sagot. Di naman ako sure if ayos ba talaga dahil two days palang ako dun. Bukod sa kakulitan ni Unika masaya ako dahil nakita ko si Brienne. Hindi saya na masaya kundi saya dahil may paglalagyan siya sakin.

"You need to change Yumi, this is for your sake- for your future" akala ko ba may pupuntahan kami bakit naninermon na naman ito.

"Magnet na ako ng gulo. Kahit saan ako pupunta. Kaya wag na kayong magtaka, ang gulo na ang kusang lumapit sakit, mag-iinarte pa ba ako" tumayo siya at hinarap ako.

"Okay...umakyat kana di tayo matutuloy sa pupuntahan natin. Maybe next time" pagkatapos niya yung sabihin, umalis na siya.

Ako naman umakyat na muli sa kwarto. I need to rest ilang gabi rin kasi akong di nakatulog ng maayos.

-

"Ms. Javier ano tong naririnig kong sinampal mo si Brienne" sabi ni ma'am Sophie yung dating bestfriend ni mommy. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya!

"Di po yan totoo" sagot ko. Di naman talaga.

"At ngayon magsisinungaling ka pa. Maraming nakakita sa nangyari kahapon" napatayo ako bigla.

"Magtatanong ka tapos kung sasagutin ka di ka maniniwala. Sige paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Wala akong pakialam!. At sabihin mo rin sa nagpapakalat niyang fake news na yan. Na kapag ako ang makarinig di lang salita ang kakalat pati dugo ng nguso niya!" Pumalakpak ang mga kaibigan ni Weland. Inirapan ko lang sila.

"Watch your mouth Mayumi. I am your teacher."

"Sinasabi ko lang ang totoo. Sa sinasabi mo kasi parang ako pa ang may kasalanan"

"Di kita pinagbibintangan. Ang akin lang naman wag mong guluhin si Brienne dahil mabait na bata yun" napatawa ako sa sinasabi niya. Joke time ba to?

"Mabait kaya pala may binully siya kahapon dahil di naibigay ang invitation card niya kay Weland." Napalingon si Weland sakin kaya tinaasan ko ng kilay "bilib rin ako sa isang yun. Lakas ng radar niya sa pagsisinungaling"

"Don't talk like that Yumi. Hindi sinungaling ang girlfriend ko!" Seryosong sabi ni Weland. Hinawakan naman siya nina Xyrus at Marco para makalmahin.

"Ah talaga ba. Naniniwala na ako sabi mo e" sarkastiko kong sabi.

"Enough for this shit! Diego and Maddy are out of this section starting this afternoon"

"Bakit po?" Tanong ni Unika. Kahit ako nagtanong rin sa isip. "Because nakita na namin na totoong nagbago sila. Nasa dean office ang new section niyo pati ang uniform at iba pa ninyong gagamitin. That's all for today"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mafia Siblings 1:When the Day becomes DarkWhere stories live. Discover now