Panimula

0 0 0
                                    

"Iiwan mo na ba talaga ako?" I said while faking a laugh. "Hindi ba talaga worth it?"

Sa gitna ng ulan andito kaming dalawa. Hindi na ako makahinga sa sobrang pag iyak. Kaya ko bang mawala sya? Kaya ko ba syang pakawalan? Kaya ko bang magparaya?

"I'm sorry" he said while crying too. Alam ko na masakit din ito sa kanya. Hindi ko alam. Masakit nga ba? "Kailangan nya ako"

"Ako? Hindi ba kita kailangan?" I said with frustration. Parang pinipiga ako ng puso ko. Gusto kong lumuhod at magmakaawa sa kanya. Ayokong iwan nya ako, hindi ko kaya pero sa tingin ko ito na rin ang tama. Nababaliw na yata ako.

Hindi sya umimik. Nakita kong yumuyugyog ang balikat nya. Umiiyak sya.

"Sige, alam ko naman na nahihirapan ka na rin talaga. Handa na akong palayain ka"

Kinakain ako ng mga sinasabi ko. Pakiramdam ko sasabog ako bigla. Pakiramdam ko magpapasaga na lang ako sa bus o tren sa sobrang sakit.

Nakita kong tumalikod sya at naglakad palayo. I fake a laugh. Wala na talaga. Kailangan ko ng igive up lahat at magsimula ng panibago ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Third WheelWhere stories live. Discover now