He Never Chose Me

100 12 2
                                    


:>

Criticism is much appreciated!

Naglalakad na kaming tatlo ngayon pa-uwi. It's currently 8:19 PM. May nakain ata si Michelle na kakaiba ngayon kasi nanglibre.

"Michelle, salamat ah grabe nabusog ako," saad ko.

"Eh syempre matakaw ka, wala ng makakatalo sa'yo!" Wika ni Khy sabay tampal sa noo ko.

Matagal na kaming magkakaibigan Ako at si Khy bata pa lamang magkaibigan na kami habang si Michelle naman naging kaibigan namin no'ng tumungtong na kami ng highschool.

"Sus wala 'yon minsan ko na nga lang kayo ilibre eh,"

"Wow naman bait-bait naman ng Michelle ko," saad ni Khy at pumalapak pa ito sa harapan mismo ng mukha ni Michelle.

"Ano ba tumigil ka nga!"

"Ang cute cute mo kasi.. para kang ako cute!"

"Yucks eww mahiya ka naman Khy!" Pagtataray niya.

"Ahh mahiya pala!"

Pinagmasdan ko lang sila habang nag-aasaran. Medyo humina na rin ang paglalakad ko kaya nasa likuran na nila ako. Khy is so happy right now. I know that Khy likes Michelle kahit 'di niya sabihin alam kong gusto niya si Michelle. The way he looks at Michelle and talk to her like she's the lost gem to him.

It hurts. I like Khy too, I know I shouldn't felt this way towards my bestfriend. Alam ko kung ano at sino ang mawawala sa buhay ko kung ipagtatapat ko ang nararamdaman ko.

"Hey! Zara! Ang bagal ng kunehong 'to," sigaw ni Khy. Nasa malayo na pala sila.

Tumakbo na ako para maabutan sila.

"Ang bagal talaga maglakad nito."

"Sorry, sakit na kasi ng paa ko eh," saad ko at huminto saglit.

Lumingon sa akin si Khy, lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. Nanikip bigla ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit ganito ako. Before, I never felt this feeling when Khy holds my hand.

Hinila niya ako para maglakad ulit. I just stare at Khy's back. Kahit pala anong pigil ko sa nararamdaman ko, kapag gusto mo ang isang tao magiging marupok ka pa rin and I hate this, ayokong maging marupok pero bruhh.

"Bilisan niyo, malapit na tayo," saad naman ni Michelle.

Malapit na kami sa bahay namin. Ang akala ko ay hindi na bibitawan ni Khy ang kamay ko pero binitawan niya rin ng magkakasabay na ulit kami nila Michelle.

"Oh so pano ba 'yan, andito na bahay ko," saad ko sa kanilang dalawa, at tinuro ko pa talaga ang malaking Metal na gate namin.

"Sige, bukas ulit Zaranaih!" Niyakap ako ng mahigpit ni Michelle.

"Aray ko, di ako makahinga,"

"Ayy sorry," bumitaw naman agad siya sa yakap.

"Bukas ulit, Zara," wika ni Khy at nakapamulsa pa ito at nakangiti sa akin.

Oh teh 'wag ka marupok kaibigan mo yan hindi kayo talo.

"Yeah bukas ulit," I smile back at him.

Pumasok na ako sa gate namin, doon ko sila hinintay na maka-alis. Hindi naman sila kalayuan sa gate namin kaya rinig ko ang mga usapan nila.

"Grabe it's so tiring pala kapag naglalakad,"

"Are you ok?" Tanong ni Khy. Sinilip ko sila sa maliit na butas sa gate namin.

"Halika, ipipiggyback kita,"

"Oh really?"

"Oo nga."

ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now