Prologue

16 2 0
                                    

Ang dilim ng paligid. Wala nang lahat, lahat-lahat. Masakit, sobrang sakit. Tiis, hanggang kailan? Takot, hanggang saan? Pagluha, kailan ba huhupa?

"Siguro mas masaya talaga ang mabuhay ng tahimik...Kailan kaya ako makakaraos?" Tanong ko sa sarili ko. Para naman akong isang tanga. Sa bagay mag-isa na lang ako.

"Sana nandito pa sila...sana hindi nila ako binigo...sana hindi nila ako iniwan...kailan? Hanggang kailan ba ako maghihintay?"

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Grabe! Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa hirap at mga danak ng buhay na ito.

Unting-unti na nag agaw-dilim. Kailangan ko nang bumalik sa sarili ko.

Pinagmamasdan ko ngayon ang tanawin. Tanawin na kung saan kami nagkakilala. Tanawin na kung saan kami nabuo. Tanawin na kung saan kami nagtapos. Ang dami namin magagandang alaala dito. 'Yun nga lang...hanggang alaala na lang siya. Humampas ang hangin mula sa aking likuran. Ang sarap lang mapag-isa pero sana kasama ko sila.

Dinig na dinig ko ang mga alon. Hinayaan ko muna ang sarili ko na humiga sa buhanginan at pagmasdan ang unting-unti paglubog ng araw.

"Dahil mahal...mahal na mahal kita...hindi ako matatakot...mahihiya."
Pinikit ko muna ang mga mata ko.

"Cindy." Pagmulat ng mga mata ko. Hindi talaga ako makapaniwala.

Siya ba talaga 'yan?

___________________
LTSI|LET THE SUNSHINE IN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

Let the Sunshine InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon