bread 11

37 5 0
                                    

"oh libro mo" sabi ko kay Younghoon at padabog na binigay ang libro na galing sa kapatid ko. Tinignan niya naman ako ng nakakagulat pero bigla itong nawala at naging isang malaking ngiti tss. Kung pwede lang alisin yang ngiting yan kanina ko pa inalis.

"Nandito pala ang lolove ko" napangiwi ako ng sabihin niya iyon. Ano daw? Lolove niya? Ha! Asa siya.

"Ewan ko sayo Younghoon" sabi ko at akmang aalis na ng hilain niya ako paupo sa tabi niya

"ano?" iritang sabi ko. Hindi ko alam bakit naiirita ako tuwing nakakausap siya. Hindi ko alam bakit inis na inis ako. Lalo na pagnaguusap sila ng kapatid ko naiirita ako. O sadyang mainit lang talaga ulo ko lalo na sa isang ito na ubod ng kulit hays.

"Alam mo ba kanina kasama ko kapatid mo"

"wala akong pake" sabi ko at pinilit na tumayo para umalis na kaso pinipigilan niya talaga ako.

"Ano ba!" Iritadong sabi ko sa kanya

"makinig ka kasi" sabi nito at hinawakan mga kamay ko. Agad ko naman itong inalis

"wala dapat akong pakinggan! Magsama kayo ng kapatid ko bwisit!" Galit na sabi ko at padabog na tumayo.

Nakakainis siya, iniistorbo na niya ako araw araw at bwinibwisit sa mga cheesy pick up line niya. May gana pa talaga siyang ikwento sa akin na nakasama niya kapatid ko. Edi siya na! Edi sila na! Bwisit.

" Yanna! "hindi ko na pinakinggan pa ang ang tawag niya. Basta naiinis ako. Naiinis ako kay Younghoon period!

Bread ¦ Kim Younghoon {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon