bread 26

36 3 0
                                    

2 weeks, 2 weeks simula nung araw na yun. 2 weeks na nya akong hindi chinachat, 2 weeks na nya akong blinock at 2 weeks na niya akong iniiwasan.

Ano pa bang kailangan kong iexplain sa kanya? May malisya ba dun sa ginawa namin ni Changmin? Eh naguusap lang kami nun, nagtatawanan lang kami. Masama ba yun?

Tss, hindi ko din siya maintindihan eh, banat siya ng banat sa akin pero ayan siya pinopormahan kapatid ko. Sinong hindi mapipikon doon?

Paasa siya. Oo paasa siya.

Hindi ko din naman maintindihan sarili ko. Oo naiinis ako, naiinis talaga ako tuwing bumabanat siya. Hindi dahil sa ayoko sa kanya o ano. Dahil ayokong mahulog, ayokong mafall. Natatakot ako.

At nangyari nga yun, nahulog ako pero wala na siya. Mali ba ako sa ginawa ko? Tama ba sinabi nila na nasa huli ang pagsisisi? Pero wala naman akong ginawa ah?

Nakakainis, nakakainis talaga.

"Oo na Younghoon nakakainis ka, pero mahal pa din kita".

Wala akong ibang choice kundi gumawa ng new account para makausap siya. Magsosorry ako, kahit di ko alam bakit kailangan kong magsorry.

Bread ¦ Kim Younghoon {COMPLETE}Where stories live. Discover now