Bente tres

25 2 0
                                    

SHIN POV

Naglalakad lang ako. Tuloy tuloy. Hindi ko alam kung nasaan na ako. Lakad Lang ako ng lakad.

Hindi ko alam kung ako nalang ba ang buhay o may iba pa.

"Shin!"

I wonder kung hanggang kailan kami dito. Kailan kaya matatapos 'to? Hinihiling ko nalang na sana isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito. Sana magising na ako. Magising na walang kulang. Yung kumpleto Kami. Hindi ko alam kung pano humantong sa ganito yung pagkakaibigan namin.

"Shin!"

Napakurap ako ng may yumakap sa likod ko. Hinarap nya ako..Si Ann pala. Bakit sya lang? Patay na din si Dori? Asan kaya si Shaira tsaka si Elaine?

"Hindi mo ba ako naririnig?Shin!"

Konti nalang pala kami. Sino kaya ang killer sa amin. Sino kaya ang matitira.. Hahaha last man standing ampota.

"Shin ano ba?!" Nagising ako sa sampal ni Ann.

"H-Ha?" Bakit sya umiiyak?

"Ano bang nangyayari sayo? N-Nasaan yung iba? Si Doni? Si Shaira? Si Leng?" Sunod sunod nyang sabi.

Naka tingin Lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Si Doni ba? Ah... A-Andun ininom yung isang boteng asido" sagot ko.

"A-Ano?...Paanong?"

Mas lalo Lang syang umiyak. Ano bang nangyayari?

"S-Shin..Kailangan nating magtago...kilala ko na ang killer.Halika na" nagpahila lang ako kay Ann. Hindi ko alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero nasa isang kwarto kami. Purong puti lang ang kulay. Lahat ng gamit puti.

"Shin please. Makinig ka sa akin. Gusto mong malaman ang tinatago namin di ba? Makinig ka please. Gumising ka please" sabi ni Ann.

Naka tingin Lang ako sa kanya habang patuloy sya sa pag iyak.

"Shin..please. Mahal ka namin. Makinig ka please"

Iyak sya ng iyak.

"A-Ann"

Hinawakan ko sya sa balikat tsaka niyakap.

"Shin! Makinig kang mabuti"

"N-Nakikinig ako Ann"

"Harlene. Kilala mo sya Hindi ba?"

Harlene? Sya yung anak ng kasambahay namin noon. Ka-edad Lang namin sya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Bakit napasok sa usapan namin yun?

"S-sya si Elaine"

A-Ano? Si Harlene at Elaine?

" Elaine Harlene Santiago. Yun ang buo nyang pangalan Shin"

"S. H. E" sabi ko. Kapag binaliktad yung initials nya SHE ang mabubuo.

"Sya ang.."

"Sya ang killer" pagtutuloy ko sa sasabihin ni Ann."Pero bakit?"

"S-Shin.. Alam mo bang hindi pa patay ang mga tatay natin?" Napatingin ako kay Ann ng sabihin nya 'yun. Pero paano? May mga binibisita kaming puntod. Panong buhay pa sila?

"Ang mga tatay namin ay nasa kulungan. H-habang ang tatay mo ay nagtatago" ano? Pero bakit?

"Ang mga tatay namin ay...ginahasa si Elaine o Harlene o kahit na ano pang pangalan nya. We are 5 years old ng magka kilala tayo di ba? Sa school? Hanggang sa nakilala na natin ang iba. Before tayo mag- 6 ay dumating si Harlene kasama ng mama nya. Yung kasambahay nyo. Ok lang ang lahat. Mabait si Harlene. Inosente sya. One time habang naglalaro tayo sa garden nyo nagpunta ako sa banyo. M-May narinig akong umiiyak. Sinundan ko yun tunog at nakita ko..nakita ko si Harlene naka higa sa kama..M-May dugo sa pagitan ng hita nya. Andun ang mga tatay natin pero nakalayo ang tatay mo. Nakikita ko sa tatay mo na labag sa loob nya yung ginagawa ng mga tatay namin pero wala syang magawa. Akala ko noon ko lang yun makikita . Pero halos araw araw ay naririnig ko ang iyak ni Harlene. Pinagsasamantalahan sya ng mga tatay namin. A-Akala ko ako lang ang naka kita non' pero alam din pala nila Shaira. Nakita din nila.. Na-Nakita namin kung pano pagsamantalahan si Harlene pero wala kaming ginawa. Isang taon ang tinagal ni Harlene at ng mama nya sa inyo Hindi ba? Umalis na sila pagka tapos non' at wala na kaming balita. We are 8 years old ng may mga pulis na dumating sa bahay namin. Hinahanap si Dad. Kasama ang lahat ng tatay namin maliban sa tatay mo. Nagsampa ng kaso ang magulang ni Harlene. Nagproseso ang kaso at na-detained ang mga tatay namin habang ang tatay mo na nag isang testigo ay nagtatago para hindi ma-guilty ang mga tatay namin. Until now. Shin naiintindihan mo ba ang lahat ng sinabi ko? Andito sya para pagbayarin tayo"

Among us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon