Chapter 27: Donation

1K 68 15
                                    

Chapter 27: Donation

"Gusto mo bang mamatay?! Bakit asawa ko?! Ha?!"

"Kalma lang." Pilit na tumawa si Miles saka medyo lumapit sa'kin. I took a step back and glared at him.

"Bakit hindi na lang ikaw?! Mandadamay ka pa eh!" Irita kong wika.

Kung may dala lang siguro akong baril, kanina ko pa pinaputok sa kaniya.

"Makinig ka kasi." Iritang wika ni Miles kaya natahimik ako. Kapag di maganda ang rason, sasapakin ko 'to.

"Maraming may gusto sa asawa mo." Tinuro niya si Mister. "At kahit isang oras na date lang, sigurado akong magbibigay sila ng kahit ilang halaga."

Well, he's right. Kahit na kinakatakutan ang asawa ko, mas marami pa rin ang mga babaeng gusto siya. Him and his wealth.

"Kulang pa ang donation." Nanghina si Miles sa sinabi niya at napaupo sa hagdan ng throne niya.

"Kasama na ba sa mga nakuha niyo ang mga tulong ng iba pang aristocrats?" Tanong ko. Nalaman ko kasing may mga aristocrats na nagsagawa ng donation drive.

"Oo." Problemado itong napahilamos sa mukha. "Pero kulang pa rin kaya nga magsasagawa ako ng auction eh."

"We can donate again." Kalmadong wika ni Chax na kanina pa tahimik. "Money isn't a problem for Mortems. Besides, we're giving it to those victims."

Ang bait naman ng anak ko. Naiiyak ako, ang bait.

Napailing si Miles na siyang ipinagtaka ko. "Kayo na ang may pinaka-malaking perang dinonate. Nakakahiya."

Napakurap ako sa sinabi ni Miles. Ngayon, naniniwala na kong si Miles ang pinaka-best na Emperor ng emperyong ito besides his father, Mikhael.

The Mortems are ready to donate again pero hindi niya hinayaan dahil nakatulong na ang mga ito. He wanted the others to help too, he wanted to change everyones perspective and heart.

Siya mismo ang nangunguna sa mga ganitong bagay, hindi inaabuso ang kabaitan ng iba, sinisigurong makakatulong siya sa kahit na anong paraan. The traits of a true leader.

Hinawi ko ang buhok ko saka bumuntong hininga. "Hindi mo kasi hinintay ang donation ko kaya kulang pa rin."

"What?" Takang napalingon sa'kin ang lahat kaya nginitian ko si Miles na nagtataka.

"Magdodonate ka rin?" Hindi ito makapaniwala. "Pero, nagdonate na sila Chax at Seb. Tig-isa sila tapos pati ikaw? Mortem naman eh."

"Listen, it's not the Mortems money that I'm going to use so you don't have to worry so hindi ka na dapat mag-alala dahil ako lang 'to, ako lang ang magdodonate, di ko kargo ang Mortem." Kaagad kong iling.

"Eh kanino yung pera? Sure kang sa'yo lang?" Tinuro niya ko kaya naging blangko ang mukha ko.

Nakaka-insulto 'to ah.

"Ay, oo nga pala, anak ka ni Count Tavarious." Tango niya. Napangiwi ako pero kaagad na inalis 'yon sa mukha ko.

"My wife have her own money and work." Napalingon ako kay Mister nang yakapin niya ang bewang ko gamit ang isang braso. "Refrain from calling her as the daughter of that Count, she's her own woman. She can handle herself without her father's help."

Napakurapkurap si Miles bago ako nilingon at alinlangang ngumiti. "Pasensya na, madalas kasi sa mga anak ng aristocrats eh walang trabaho at ang parents ang nagtataguyod sa kanila."

Tumango lang ako dahil 'yon naman ang totoo, hindi ko kailangang magalit dahil halos gan'on naman talaga ang mga babaitang 'yon.

"Pero, ngayon ko lang naalala." He stopped talking. "Bakit hindi Tavarious ang apilyedo mo? Bakit Bellona?"

Natahimik ako sa sinabi nito. Pakiramdam ko ay nanlamig din ako hindi dahil napansin niya, kung di dahil nandito ang asawa't anak ko. Napansin din kaya nila?

Teka, anong sasabihin ko?

Ay erkey lang, di niya naman ata maaalala na Bellona ang dating Duke diba?

"Magka-apilyedo kayo nung yumaong Duke Bellona. Kaano-ano mo sila?" Taka nitong tanong at may kung ano sa mata niyang hindi ko mabasa.

Napalunok ako at talagang nanlamig na. Naalala niya...

"Fan kasi si Papa ng mga Bellona kaya 'yon ang sinunod nila sa'kin." I smiled ng sobrang saya kaya ngumiti na rin ang mata ko.

Mabuti na lang at 'yon ang madalas na sabihin ni Papa sa iba kaya napadali ang pagpapalusot ko.

"Ah." Tango ni Miles saka umiling at tumayo na. "Pwedeng kang makasuhan at si Count Tavarious dahil sa ginawa niyang 'yan. He named you after a high rank Duke kahit na wala kang koneksyon sa Duke na 'yon."

Kung alam mo lang...

"So what now, you're planning to sue Mom?" Singit ni Chax na nasa tabi ko na.

Nagugulat na napalingon sa kaniya si Miles at takot itong napalunok. "Huh?! Bakit ko naman gagawin 'yon?! Sino naman ang may lakas na loob na kalabanin ang isang Mortem?!"

Wow... Even the highest man in the empire is scared of this family.

No, not just the highest man in this empire is scared of them, but also the other highest rank in different empires.

This family is too powerful...

Napabuntong hininga na lang ako saka napahawak sa ulo ko. "'Wag mo ngang sigaw-sigawan ang anak ko, lintik ka."

Nang mapatingin ako kay Miles ay takot na itong nakatingin sa'kin. Mabilis itong nag-iwas ng tingin ng samaan ko siya ng tingin.

"Madalas na kong magdonate kasama ang mga kaibigan ko noon." Sabi ko para maiba ang usapan. "We even used to volunteer para makatulong."

"Talaga?" Manghang tanong ni Michael kaya nilingon ko siya't nginitian.

"Yep kaya 'wag na kayong magtaka at isa pa, may pera ako, kaya kong magdonate ng kahit na ilang pera." Irap ko.

"Duchess!"

Napalingon kami sa pinto ng throne room kung saan pumapasok ang apat na Marquess, kasama sila Sara at Jasmine.

"Eto na po yung donate ni Miss Alfie." Ipinakita sa'kin ni Sara ang hawak na envelope na sigurado akong may laman na cheque.

"Tapos eto yung donate ng Yagami Family." Kaagad na singit ni Jasmine at ibinaba ang black bag na malaki na buhat niya.

"Black bag?" Takang tanong ni Miles nang makita 'yon. Well, normal lang na sa envelope ilagay pero naka-black bag kaya nakapagtataka. Kung di ko kilala yung mga 'yon, malamang nagtaka na rin ako.

"Nagdonate sila Lennox?" Tanong ko. "Eh diba nagdonate na sila sa emperyo ni Gerard? 'Yon ang sinabi niya sa'kin nung nagkausap kami."

"They donated at both empire." Sagot ni Jasmine saka hinayaang buksan ni Regis ang bag.

Nagulat ang lahat ng puno ito ng pera na halatang galing pa sa bangko. Hindi na ko nagulat, mayayabang 'yon kaya ganyan.

Tapos yung sinabi ni Jasmine na nagdonate rin siya kila Gerard? Hay, napaka-yabang talaga.

Napabuntong hininga na lang ako saka nilingon si Miles na nakangiti na.

"Oh." Bigay ko sa envelope na kakakuha ko lang sa bulsa ko. "Donation ko."

Kinuha 'yon ni Miles bago tinignan ang laman na cheque sa loob. Nagulat ako ng bigla itong napaiyak at hinila ako bago niyakap.

"Salamat Diara! Huhuhu..."

"Hey bastard, that's my Mom!"

"You fucking bastard! Hands off, that's my wife you fucker!"

"Teka lang Chax, Seb! Sorry! Tulong!"

The VillainsWhere stories live. Discover now